Andreii's POV
"Oh? Anong nangyare diyan sa mukha mong bata ka?" Tanong ni Auntie, yung landlady ng apartment.
Sasagot palang sana ako ng inunahan na siya ng palusot ni Zett.
"Ah Ma'am, tatanga-tanga kase. Kaninang pauwi kami hindi niya nakita yung poste kaya nauntog."
Tinignan niya pa ako ng masama, yun bang wg nalang akong umangal sa mga sinabi niya. Napa kunit tuloy ako ng noo. Napaka-weak ko naman. :<
Kaya napilitan nalang akong magsinungaling kahit labag sa loob ko, ayoko lang na madagdagan pa ng pasa sa mukha ko. Tama na yung nasampolan ako ni Zett, ayoko na. (~_~メ)\
Tingin ki umobra naman yung palusot ni Zett at pinaalis sa harap ni Auntie.
Dumiretso na ko sa way papuntang Kwarto, gusto ko ng magpahinga at the same time, gusto ko ng gamutin itong bukol sa ulo ko. Seryoso ako, may bukol talaga. Ang lakas makahampas ni Zett kala mo paddle yung kamay. Kawawa yung Pogi Points ko, nanganganib.
Napasinghap nalang ako sa mga problema ko sa buhay... "Hay..."
Napatigil ako sa pagpihit ng door knob nang magsalita si Zett,
"Tss, yan kasi ang Gaguuu mo. Halika nga at gamutin ko yang pasa mo!"
Hinigit na niya ako...
Nahanap ko nalang ang sarili kong umaaray sa sakit habang ginagamot niya.
*Change of Point of View-Veronica's
Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor. Traydor.
Wala na kong ibang maisip kundi...
TRAYDOR. TRAYDOR KANG KONSENSIYA KA! Pwede bang ipa-opera nalang kita at ipatanggal nalang? Magkano kaya?
"A-aray! Naman Zett. Masakit >o<"
Pag sisigaw babae nitong halimaw na 'to.
"Ayan! Kasalanan mo kase! Ang hilig mong gumawa ng eksena! Yan napapala mo!"
Dinip-dip ko lang sa bukol niya yung malamig na yelo. Medyo namumula na yung paligid nito. Hala, pag ito naging Cancer, konsensiya ko pa at pera pa! Saan naman ako makakakuha ng pampa-opera, isang hamak na mambubukid ang nanay at tatay ko. Haruuuuy, juice colored.
"I'm only returning the favor. Di ba na-unvirgin mo din yung right cheeks ko nun?" Sumbat pa nito. Oo alam kong nahalikan ko siya sa pisngi, yun ay dahil nadala ako ng emosyon ko! Ee malay ko bang manyak pala ito at tine-take advantage ako.
Lahat tuloy ng dugo ko maski sa daliri ng paa ko ay tumaas papuntang ulo, lalo ko tuloy pinisil sakaniya yung yelo. "ARAY! MASAKIT! ARAY!"
Nanggigil ako. Grrr.
"LECHE IKAW NA NGA LANG MAG GAMOT SA SARILI MO!" Iniwan ko na siya sa upuan. Bahala siya diyan, ako na nga itong nagmamalasakit.
Sabi na ee, maling-mali na tulungan ko pa yang lalakeng yan, maling-mali na maguilty sakaniya ˋ︿ˊ
Walang hiya, hindi manlang namimili ng mga salitang gagamitin. Pinaglololoko ata ako neto ee. (`^')
Naaalala ko tuloy sakaniya yung kuya ko. Si kuya Pat. Ang pinakapanganay saaming magkakapatid. Kahit na oras-oras, minu-minuto nagbabangayan kami, siya pa din yung nagpapatawa sakin. Tatlo kaming magkakapatid. Si kuya Pat, Ako at yung bunso na si Diana.
Haaaay, namimiss ko na sila, si Mama, si Papa. Lahat na sila miss ko na. Lalong lalo na si kuya kasi tuwing may problema ako tatabihan niya ko tapos kukulitin tapos kikilitiin konti tapos hanggang sa nagtatawanan at magtatapos sa bangayan. ╮(╯3╰)╭
Meron pa nun, grade 6 ako nung umuwing may pasa sa mukha si kuya. Grabe siyang sinermonan ni Papa, ako naman ginagamot ko lang siya hanggang sa matapos siyang sermonan nila Papa at aalis. pagkaalis ni papa, naiwan nalang kaming dalawa ni kuya... Syempre dahil nga sa kapatid ko siya binatukan ko saka tinawanan ng tinawanan.
"Aray, naman Zett! Dinadagdagan mo naman bukol ko imbis na paliitin."
"Kasi naman kuya, eengot-engot ka yan tuloy nakahanap ka na ng katapat mo. Hahahaha"
"Ikaw talaga!--"
And there, lambingan moment.
"Zett? Yuhoo? Okay ka lang ba?" Ramdam kong sumusilip siya mula sa likuran ko. Tumalikod na ako sakaniya kasi nakakahiyang makita niyang umiiyak ako dahil sa namiss ko ang pamilya ko.
"O-oo. Okay l-lang ako." Napakahirap i-stay sa straight ang boses lalo na pag nakontrol na ng emosyon ang isip at utak.
Hindi ko namalayan nasa mismong likuran ki na siya. I can feel his hands gently caressing my back.
"Shhhh, tama na." Pakiramdam ko bibigay na ang marupok kong side dahil sa mga words and acts na nanggaling sakaniya.
Pero nalaspag ang isa sa mga turnilyo sa utak ko ng marinig ang mga susunid niyang binaggit... "Nakakaoverwhelm namang malaman na umiiyak ka dahil sa nagkaroon lang ako ng pasa sa mukha. Shhh, salamat sa concern--
Aray (_ _メ)"
Patawarin sana ako ng Panginoon pero ang sarap niyang igapos tapos itapon sa ilog Pasig.
"Shet lang, ang assumming mo na. Hindi ikaw yung dahilan kung bakit ako nagkaganito! Never kitang iiyakan! Ulul! @( ̄- ̄)@"
Kinusilapan ko pa siya saka tumungong kitchen para uminom ng tubig. Juice colored, nakaka dehydrate kausapin 'tong unggoy na 'to.
"Ah eh, sorreh K. Sorreh."
Mamaya pa pinalayas ko na siya sa kwarto at natulog na. Wala, exhaust na exhaust ako. Feeling ko sa ganitong way papayat na ko! Woooh! MAY PAG-ASA PA!
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
-Jam (StrawberryJamy)
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
RomanceDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow