Yrish Siatriz's POV
Mga 10 minutes nalang magsisimula na yung Opening Presentation at Ceremony pero wala pa din si Andreii. Kanina pa ko text ng text, tinatawagan ko siya pero laging Out of Cover Range Area naman daw.
Nangako pa naman siya sakin kasi gustong-gusto niyang panoorin si Zett ee binigyan ko na nga ng VIP pass.
"Besh, wala pa rin ba siya?" Tinawag niya akong 'Besh' meaning kinakabahan siya.
Andito ako ngayon sa Backstage kasama si Zett.
"Wala pa, di niya sinasagot text at calls ko. Pero sure ko makakadating yun! Wag kang kabahan, Chicken lang yan!" as I cheer her. Speaking of, First Time niya lang ata na ma-expose sa harap ng madaming tao.
"And now..." Nag Voice-over na yung host for the night,
"Ayan na, mag sisimula na." kabadong sabi niya.
"Kaya yan," I hugged her to atleast to ease the nervous in her chest. "Hinga ka lang ng maluwag, tandaan mo darating si Michael at manonood. Okay?" Pagpapaliwanag ko uli.
"Gagi, di ko kelangang malaman kung andiyan man siya o wala." Kahit naman sabihin niya yon, alam kong hinahanap-hanap niya si Andreii. Nakakaloka tuloy itong Besh ko.
Pumunta na siya sa pwesto niya, ako naman bumaba na sa Backstage at Umupo sa VIP seat.
Kahit naman na anong sabihin ng babaeng yun, hinahanap niya pa din naman si Michael.
"Here's the most awaited Performance for this School Festival Opening!" Nagbukas na ang telon.
Asan ka na ba Michael? Magsisimula na, bilisan mo naman. She needs your support...
At pagbukas ng telon... Ayun siya... nasa harap...
"Oh my Dianna, where arthough?" as he exclamed then our eyes met.
Axiell, where arthough?
Tears fell from my eyes...
---
Patapos na yung Presentation pero wala pa din si Andreii. Si Zett naman kanina pa kinakabahan kaya nagkakamali-mali na rin, though di naman gaanong halata pag malayo.
Seriously, di ko kino-concentrate ang Presentation dahil na rin siguro hindi ko siya magawang tignan manlang. Mahirap. Nasasaktan pa din ako.
"I shall give my Princess a Kiss of Life..."
And he is... already kissing my Bestfriend.
Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko sa mga eksenang nakikita ko.
Naririnig ko naman yung mga audiences na papa "ooooh...".
Siguro sa fairy-tale at fictitious novels may eksenang ganito. Pero di matanggap ng puso ko na ang lalakeng mahal ko ay hinahalikan ang Bestfriend ko.
Meron palang ganon sa Script?
Nagsarado na ang Telon para sa Ending ng Storya. Nagpalakpakan lang ang mga manonood habang ako napako yung mga paa ko sa kinauupuan ko.
"Wow! What a great Presentation, right?" The Host asked the crowd.
Hell Yeah, what a surprisingly Act.
*Change of Point of View-Michael's
"The Heck! Sobrang Late na ko!" bulalas ko pagka park ko ng Motorbike sa Parking Lot ng School nila Zett.
Tumingin ako sa Relo at Quarter to 11 pm na. May maabutan pa kaya ako?
Hindi pa naman siya umuuwi, wala pa siya sa Apartment niya kaninang pinuntahan ko.
Tinakbo ko na papuntang Gymnasium nila. May mga grupong nagsisi-alisan na dahilan para mas lalong maguilty ako. Shit.
Nadatnan ko nalang sa isang gilid si Zett mag-isa. Umiiyak...
Nilapitan ko, napatingin siya sakin na magkasalubong ang kilay. Medyo namumugto narin ang mga mata niya, parang in any moment iiyak na yan.
"Oh? Dumating ka pa? Tapos na po ang Opening! MAKAKAUWI KA NA!" Lalong lumakas ang pag iyak niya. Wala na akong magawa, napayuko sa hiya.
Sa totoo lang, first time kong makitang ganito si Zett. Napaka miserable niya.
"S-sorry." yun lang ang nakaya kong sabihin. Sa lahat ng gusto kong ipaliwanag isang word lang ang naiproduce ng utak ko na sinundan ng bunganga ko. Masyadong kumikirot yung puso ko sa tuwing bumabagsak yung mga tubig sa mata niya.
"Sabi mo darating ka, nangako ka pa nga di ba?"
Nagflashback sa utak ko yung mga sinabi ko mismo.
"Basta manood ka ha, suportahan mo ko. Aasahan kita mamaya.""Oo, pangako ko yan."
"Asan na ang pangako mo?!" Sigaw niya.
Niyakap ko lang siya habang paulit-ulit na humihingi ng sorry.
Pilit siyang kumakawala, hinihigpitan ko lang. Mukha na nga kaming sira dito sa isang tabi, minsan pinagtitinginan pa kami ng mga taong naiwan pa.
"Asan yung suporta mo? Hinintay kita, Pinaasa mo lang ako... Nagmukha akong tanga... Pinaasa mo lang ako." Hagulgol niya,
"Sorry," Yon lang talaga ang kaya kong sabihin ngayon.
Mamaya pa ay kalmadong tulog na si Zett, bigla ding dumating si Siats. Isa din, maga din ang mata.
"Di ka pa umuwi? Napano naman yang mata mo?" I asked her.
"Ah eto wala lang 'to, siguro antok na din." Sinilip niya si Zett na mahimbing na natutulog. "Kamusta naman yun? Nakausap mo na?"
"Oo, sa sobrang hagulgol nakatulog." Muli kong sinulyapan ang munting tulog.
"Ah, Di pa kayo uuwi?" Tanong niya.
"Pauwi na din," sagot ko kaso, pag isasakay ko siya motorbike ko baka mahulog siya.
"Ihahatid nalang namin kayo sa apartment ninyo tutal magkatabi lang naman kayo ng Apartment." Siguro may dala siyang kotse kaya um-oo nalang din ako.
Hinatid nga kami ni Siats hanggang sa Apartment. Walang nagsasalita na halos ang tahimik sa loob ng kotse niya. Pero itong kasama ko malalim na ang tulog, siguro bukas ko nalang din kukunin yung Motorbike ko.
Ang mahalaga ngayon, maipasok mo na siya sa kwarto niya para makapagpahinga na din ng maayos.
Agad kong nakita yung kama niya katabi ng kusima niya.
Pagkahiga ko sakaniya, lumabas na ko.Naalala ko tuloy yung sinabi niya,
"Sabi mo darating ka, nangako ka pa nga di ba?"
"Asan na ang pangako mo!?"
"Asan yung suporta mo? Hinintay kita, Pinaasa mo lang ako... Nagmukha akong tanga... Pinaasa mo lang ako."
Saka ko lang naramdaman yung sobrang guilty sa dibdib ko.
Pano ko ipapaliwanag sakaniyang pinapauwi na ko sa bahay at doon na titira? Na pinatawag ako kanina nila Mom at Dad kaya ako nalate? Na kelangan ko nang harapin yung babaeng pilit nilang ipinagpipilitan sakin?
Out of frustration, napaupo ako sa sahig at napayuko habang nakasuklay ang mga daliri sa buhok.
Sa dinami-dami pa ng pwede mong karmahin Lord 'bat ako pa?
This is so frustrating.
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
-Jam (StrawberryJamy) ❤
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
RomanceDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow