AMR-03

130 1 0
                                    

Tapos na ang klase at uwian nanaman naikwento na saakin lahat ni Yrish yung about sa lablayp niya. Condolence nalang sakaniya. Kaya pala kanina medyo nakasimangot yung itsura ni Axiell.

Kung iisiping wala silang realasyon mukha silang mga models na magkapartner. Gwapo at Maganda, saan ka pa. Sobrang perpekto na sana ng meron sila, kung di lang dahil sa parents ni Yrish... also as Axiell Haaaay. Condolence to them talaga.

Mag isa nga pala akong maglalakad pauwi, nag paalam sakin kanina si Yrish na susunduin daw siya

So here I am Lonely walking in the street. Chaaaar! (┳◇┳)

May nadaanan akong isang grupo ng mga middle aged na nagsisiinuman.

"Hoy Baboy!" kahit lumingon-lingon pa ako alam kong ako yun dahil ako lang naman ang nag iisang naglalakad dito ngayon.

Nilingon ko yung naglalasing na tumawag sakin. Aba-aba maka kutyaw naman ito akala mo hindi ko kapamilya.

"Manong tingin ka sa salamin baka makita mo yung tinatawag mo! Bleh!"

Nahanap ko nalang ang sarili kong tumatakbo para lang mabuhay \(@O@)/

Sobra ko atang nainis si manong balyena!!!

"Tulooooooong! Sakloloooo!" sigaw ko pero siguro walang makakarinig dahil napadaan ako dun sa daanang walang halos nakatira.

*Takbo

*Takbo

*Takbo

Habang tumatakbo ako nagsa-sign of the cross nalang ako.

"Lord, patawad sa lahat kasalanan ko. Lord gusto ko pa pong mabuhay Lord gusto ko pang makamit lahat ng pangarap ko, Loooord---"

May biglang humigit sakin at tinakpan ang bunganga ko at dinala ako sa isang liblib na sulok.

Basta Lord mahal ko kayo, bahala na kayo sa mangyayari sakin (T/\T)

"Shhh. wag kang maingay baka mahanap tayo."

Narinig ko ang isang pamilyar na boses, Si Michael pala ( p_q)

Muntikan na akong mamatay, di dahil sa mga humahabol sakin kundi dahil sa pag sulpot ni Michael. Muntik na akong inatake sa puso.

Nakarinig pa ako ng mga habag na nagsisitakbuhan papalapit saamin, "Saan na napunta yung baboy na yun." Aba, nangutya pa. May araw din kayo sakin
o(╥﹏╥)o

Rinig nalang namin ang mga yabag ng paa nilang papaalis.

Juice colored. Salamat po.

Nang masiguradong wala na yung mga humahabol saamin, Kumawala na ako sa pagkakatakip ng bibig ko mula sakaniya.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Ayan na siya tatawa-tawa. Buset talaga ito ( -。-)

Lumapit ako saka siya pinagpapalo. (ノ><)ノ

Pilit lang siyang umiilag, then my eyes suddenly became blurred. Pakiramdam ko nambababa ako, pakiramdam ko ang bigat ng pasan ko.

Nahuli niya ang kamay ko at niyakap.

"Oh tama na Zett, umiiyak ka na."

⊙△⊙

Pumwersa akong humiwalay saka ko siya tinalikuran upang punasan ang mga luhang sinasabi niya. Buset yang mga luhang yan, traydor! Grrr!

"Hindi mo naman kelangang itago yan, una dahil sa nakita ko na---"

*WAPAAAAK

Nakailag nanaman siya -_-

"Kapal mo ha! Napuwing lang ako! Di ako umiiyak---"

"Bakit defensive ka?"

"Ewan ko sayo! Uwi na nga tayo maggagabi na!"

Nauna na akong naglakad, sinabayan nalang niya ako hanggang sa makarating na kami ng Apartment.

"Ikaw naman kasi, bakit mo pa pinatulan yung mga yun ee lasing nga di ba." pangangaral niya sakin. O sige, ako na nga kinutya ako pa may kasalanan (ー_ー )

"Kasalanan ko ba kung di ako makapag timpi?"

"Oo dapat control your temper, buti nalang andoon ako."

"Oo nga pala, pano ka napadpad dun sa lugar na iyon?" tanong ko dahil bigla-bigla nalang siyang sumusulpot.

"Nanghiram ako ng notebook sa kaklase ko, eksakto malapit yung bahay nila dun sa lugar kung saan may nakaaway kang lasing."

Ahhhh...

"Kaya dapat magpasalamat ka sakin, kung di dahil sakin baka napagtitripan ka na ngayon---"

I kissed his cheeks.

"Yeah, yeah thanks a lot. Tsaka wag kang mandiri sa ginawa ko. Advance Good Night."

At pumasok na ako sa kwarto living him standing there... Paulit-ulit kong nirereplay sa utak ko yung ginawa ko. UGH!

*shiver

Bakit ko nga ba ginawa yun? (≧▽≦)

*Change of Point of View-Michael Andreii's

I entered my room while my eyes hanging widely open and touching my left cheeks where she kissed...
(⊙...⊙ )

I looked at my hands and kissed it too. Parang na kaming nag lips-to-lips ('・ω・')

This was my unexpectedly Best day that happened on my life. Napaka-unexpected talaga.

Yeah, I like her. She's my crush. Naramdaman ko nalang ito nung ipakilala ako sakaniya ni Auntie, ang nagmamay ari ng apartment na ito. Though hindi ko naman siya kadugo, close lang kami kasi Dati ko siyang personal Yaya noong bata pa ako.

Napadpad nga pala ako dito dahil naglayas ako sa bahay, for what reason? They want me to marry a lady whom I don't love. Sa family namin para sa lahat ng mga lalakeng anak isa na iyong tradition, like UGH. Ayoko namang matali sa isang tao lalo na pag alam kong hindi ko naman talaga siya gusto. Ayoko din namang matali sakin yung babaeng yun.

Kaya mas pinili ko nalang maglayas, may budget akong nakukuha mula sa family ko dahil sa tulong ng aking oh so bait na ate. Once in a month nagkikita kami sa isang private place para mangamusta at syempre para na din makahithit ng pera (★^O^★)

Tsaka kampi sa side ko ang mga kapatid kong babae Oo nga pala, Nine kaming magkakapatid five ang girls & obviously four ang boys. Wala ee, matibay ang mga magulang namin.

Back to my Dream na nga, Ayun may crush ako kay Zett. Kinutsaba ko nga si Auntie na maging magkatabi kami ng Room. Hahaha!

Hindi naman siya ganun kahirap magustuhan dahil kakaiba siya sa lahat. Tsaka I don't care kung anong itsura niya, kahit maging palaka pa siya. IDC. Hindi naman kasi sa itsura nasusukat kung bakit mahal ang isang tao. (Mahal?!) Basta ako, gusto ko siya period! Ang mang-agaw... PAPATAYIN KO! sa tingin
(-^〇^-)V

Tungkol dun sa nangyari kanina, hindi naman talaga ako nanghiram ng notebook kundi sinundan ko talaga siyang maglakad, kaso unexpected talaga ang pag eepal ng mga lasing na yun. Pero Angel in Disguise na din para sakin dahil nagmistulang Savior ako. Poging lalake in a shining armor! O yeaaaah...

Haaay! Parang ayoko na munang maligo, kasi jackpot ang mapalapit sakaniya.

Si crush nahawakan ko ang kamay,

Si crush nayakap ko,

Si crush nakatawagan ko,

Si crush nakakwentuhan ko,

Si crush hinalikan ako sa pisngi...

HEAVEEEEEEEEN! (●♡∀♡)

Next time magyayaya ako ng mga lasinggero tapos mag aala Hero uli malay natin baka hindi na sa pisngi... 😍😍😍😍

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

-Jam (StrawberryJamy)

Ang Matabang ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon