AMR-14

62 2 0
                                        


Veronica Zett's POV

Napapakamot nalang ako ng ulo sa mga ignoranteng studyate na namamangha sa mga fireworks nakasalukuyang sumasabog sa langit. Like, HELLO? Tapat na tapat ang araw, magkakasense ba ang ganda ng mga paputok diyan. Tapos ito namang mga studyate na namamangha para mga tanga. Baka paputukin ko sia diyan ee.

Dame-dame pang nalalamang fireworks na yan. Di ba pwedeng simpleng School Festival lang ang nagaganap? Ba't kelangan pa ng mga pasa-pasabog na yan, pasabugin ko mukha ng mga yan ee.

"Bes! ayun o! Natatanaw ko na si Michael." isa din 'to, kahit na may kinakain na pop corn salita lang ng salita. Pa-order mg Manners para sa kaibigan ko.

"Aaah, simula na ng Crisis ng buhay ko." sobrang antok kong tugon, hindi ako makatulog kagabi or in other word hindi ako natulog.

Pano ba naman, tinext ako ni Mam Rei out of nowhere na ako daw ang magiging substitute ng Prinse-prinsesa ng Opening Show mamayang Gabi, nangibang bansa daw saglit yung papalitan ko (Emergency daw) at baka hindi daw makaabot sa Opening. Sabi ko naman kay Mam ayoko kasi di ako suited sa role na yon, sa dambuhala kong 'to Imposible atang may magkasyang isusuot ko. Sagot naman niya, "IKAW NA LANG ANG NAIISIP KONG PWEDE! DON'T BREAK MY EXPECTATIONS MS. MENDEZ SO YOU WONT BE A FAILURE!" matapos nun ay binabaan na niya ako saying wala na daw poproblemahin sa mga costumes ekekek. Di naman siguro halatang madaming iniisip no?
Yan ang problema sa mga taong masyadong mataas ang expectations sa iba, pag hindi nareach ng tao yung expectation failure agad? Di ba pwedeng pinagkaitan lang ng tadhana?

Inadvertise ko sakaniya si Yrish kaso sabi niya hindi niya daw kayang mag memorize ng Script in 24 hours. So ako kaya ko?!

In the end, pinuntahan ako ni Mam sa bahay para ibigay yung Scripts na sasabihin ko DAW sa prinse-prinsepe ko. Buti nalang mala Sleeping Beauty ang Role ko, nakaside view... Kaso baka halata ang bilbil ko. ~T_T~

Kaka-kabisado ko ng lines, tingin ko kelangan kong uminom ng isang box ng enervon.

"Yo, Zett! Good Morning!" bati ng Halimaw.

"Mamatay ka na." mala-zombie kong sagot.

"Good Day Michael! Ililibot ka namin sa Campus!" Energized na sagot ni Yrish saka na sila umalis, aba hindi manlang nila ako pinansin. -_-

"May pagka-old na 'tong School namin, na-built pa 'to noong 1899." Pagmamalaki ni Yrish sa school na 'to. Walang kwenta 'tong school na 'to. Bukod sa tamad na nga ang karamihang studyante ay wala na akong masabi sa mga guro. Baka mabagsak pa ko, ayoko nga.

"Hmmm, such strong structure." amazed na sagot nito sabay libot ng mata.

"Ano iyon?" may tinuro naman itong Tarpauline na nakasabit sa bulletin board.

"Ah yan? Gaganapin yan mamayang 8pm, Prepared by Drama Club para sa Opening Ceremony ng School."

Hm?

"Bakit di pa ba Open itong Campus niyo?"

"Open naman na, kaya ka nga nakapasok ^O^ kidding aside. Gaganapin yan para sa Official Opening ng School Festival ng Sky High. Punta ka mamayang gabi, manood ka ha! Si bes yung leading lady! Diba besh? ~^O^~"

"Ha...? Oo..."

"Sige! manonood ako---"

"HINDI PWEDE!" Saka ko lang narealize ang pinag uusapan nila.

Ayoko nga! Walang Available reason na manood siya dahil absent at nagbabakasyon ngayon ang mga Palusot ko, basta hindi siya pwede.

Bago pa man ako makaangal ay binigyan na pala ni Yrish si Michael ng Ticket para sa Opening ng Campus leads me no choice.

Minsan sa sobrang kabaitan ni Yrish sa mga tao ang sarap na niyang sakalin.

"Tara, ililibot ka namin ni Besh sa iba pang kasulok-sulokan ng Campus!"

May biglang lumapit sakaniyang babae, nag-usap saglit tapos biglang nagpaalam.

"Besh, kelangan daw pala ako sa Club namin. medyo namomroblema daw sila doon. Ilibot mo na si Michael sa buong Campus ha? Bye Besh, Labyoo." saka na umalis. Hindi manlang ako hinintay magsalita? Aba matinde?

Habang tinitignan ko papalayo si Yrish ay ngumingiting parang aso naman itong kasama ko. Ang saya grabe. Nagmukha tuloy akong tagabantay ng hayop. Hayoooop. -_-

"Ayun ang CR, ayun ang Canteen. Ngayong alam mo na, lumayas ka na."Wala kwenta kong sabi sakaniya. Ang laki mong stress. =_=

"Wala bang matinong tour galing sayo?" Bored na sabi niya.

"Sorry, hindi ko pinangarap ang maging Tour Guide."

"Hmp..." Baka gusto nitong hugutin ko ang nguso nito at itali para di na magsalita.
Tusukin ko yang bunganga mo ee!

"Ah! alam ko na!" bigla niya akong hinigit, sobrang inaantok na ko. Tingin ko isang pikit nalang ng mata ko makakatulog na ko. "May nakita akong mga puno sa likod ng isang Building kanina habang pinapasyal ako ni Siats kanina."
So nakagawa na siya ng bagong naman para kay Yrish. Okay...

Hinigit niya ako papunta dun sa puno na sinasabi niya. Hindi ko nanapansin kung gaano kaaliwalas ang paligid dahil sobra na talaga ang antok ko as in to the limit na.

Sa sobrang pagod ko at antok napaupo na ko sa tabi ng puno.

Sa hangin na dala ng lugar na iyon kaya siguro sobra-sobra na akong inaantok.

"Pahinga muna tayo dito. Kawawa ka naman, litaw na eyebags mo." naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko.
Bahala siya diyan. Gusto na talagang matulog. Mama...

"Pahinga ka muna, panget na ang kalalabasan ng Acting mo mamayang gabi kung panget ang itsura mo."

Ahhh... Inaantok na ko. Heto na siya, papikit na...

"Im looking forward pa naman sa role mo."

Heto na ang antok, mayayakap ko na...

"Sa isang napaka Important role na gaya ng sayo dapat standing Ovation ang performance mo kaya kelangan mo ng ---"

Bahala ka na Lord, iidlip lang ako sandali.

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤️

-Jam (StrawberryJamy)

Ang Matabang ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon