"Besh!" saan nanggaling yung boses na iyon? "Besh tingin ka dito sa likod mo! Haysss."
Ginawa ko naman yung sinabi ng naririnig ko ngayon, naeengkanto na ata ako.
Pagkatalikod ko niluwa ng mundo ang isang mala diyosang babae sa harap ko.
"Gulat ka sa ganda ko no?"
"Gandang di mo inakala..." kumento ko.
Lumapit siya saking nanggigigil at niyakap ako.
Siya nga pala si Yrish Siatriz Heill. Half Brazilian and Filipino.
"Hihihi. Ano ka ba besh! The word 'TAYO'. Maganda tayo no!"
My pinaka beautiful bestfriend in the whole Milkyway! Super Bubbly, kaya nga madaming admirer yan ee. Tas mayaman... At mabait pa! Package! Package na package talaga! Kulang nalang tag tapos ipapadala ko na. Pero syempre nagbibiro lang, mahal ko kaya yan sa lahat ng kaibigan ko.
"Ang bait mo talaga Yrish, kaya nga love na love kita sa lahat ng kaibigan ko ee!" pagmamalaki ko.
"Ayos yan Veronica Zett Mendez or Zett, Ako lang naman kaibigan mo ee."
BOOOOOOOOOM!
Onga no?
"Hindi kita kaibigan kasi Bestfriend kita."
Tumango-tango na lamang ako. "Sabay na tayo uwi?"
Buti nalang isip bata itog mag isip."Tara na! Ikaw lang naman hinihintay ko ee." Totoo naman, kanina pa ako nakaupo dito sa bench ng garden. Hindi kasi kami magkaklase kumbaga parehas kaming section 1 pero dahil sa madami kaming studyante dun hinati nalang kaya ang nangyari 1B siya, 1A ako.
"Ahhh-hehe sorry ha, may tinatakasan lang kasi ako ee." Kahit na walang kaeffort-effort na pag curve ng facial muscles niya lumilitaw yung malalim niyang dimples.
I sighed at sinimulan nang maglakad, sumunod naman siya. "Mga Obssessed na Stalker mo nanaman ba yan?"
Tumingin muna siya sa baba saka sinilip ako ng mga mata niya nanatiling nasa baba nakatungo ang mukha niya at sinasabing Oo-sila-nga look.
"Haaaay, sabi ko naman kasi sayo Yrish, kung bastedin mo nalang yang mga yan. Solb yang problema mo." sagot ko.
"Ee, natatakot ako." Malumanay niyang sagot, alam na kasi niya na sesermonan ko nanaman siya.
"Matakot?" tumango naman siya ng mga limang beses na naka pout.
Tumigil ako sa paglalakad at ganun din siya saka niya ako tinignan ng weird look niya which is very-very cute of her. Huminga ako ng malalim, "What? You have the rights in this world. Kung ayaw mo, simply say 'no' kung gusto mo, simply say 'yes'. Kasi kung ayaw mo ang mga bagay na ginagawa mo, its like a living ghost, naninirahan ka sa mundong hindi mo kayang galawan. Otherwise, mas mararamdaman mo yung halaga sa mundong ito pag mas gusto mo lahat ng ginagawa mo."
15 seconds of silence tapos bigla siyang nagpalakpak "Ang galing ng Besh ko! Pang Binibining Pilipinas ang sagot mo teh! Ang tereeeey!" and we both laughed. Ewan ko kung may pagkashunga din to. Napaka masayahin niya, nakakahawa tuloy.
Naglakad na ulit kami ng mapansing wala ng gaanong studyante sa school, "About your Binibining-Pilipinas-Words besh, bakit kaya di ka sumali ng mga Pageant."
Medyo natalisod ako sa sinabi niya.
"Oh okay ka lang?"
Tinaas ko yung thumb ko para masabing okay lang ako pero unti ko itong inikot para i-sign ang isang unlike.
"Ayos yung joke mo ha. Nakakaburn ng fats. Linshak naman kasi besh, katawan ko nga di na pasado. Ang laki kong baboy tapos mukha pa kaya!" sagot ko."Oy besh, stop cursing your self. You're beautiful and you're not that fat naman, chubby ka lang!"
"Chubby is Fat, yun na yun pinaarteng word lang ang Chubby. And beautiful? Baka sabihin mo Boo-tiful."
"Hmp, palibhasa kasi wala kang tiwala sa sarili mo."
"Oya, that's me."
Nang makadating kami sa tapat ng bahay nila nagpaalam na kami sa isa't isa. Mga ilang kilometro pa ang lalakarin bago makarating sa bahay, Haaays.
After a Zillion years nakadating na din sa awa ng diyos. Actually nakatira ako sa inuupahan kong Apartment, nanggaling pa kasi ako ng Mars de joke. Taga probinsya ako at napadpad dito sa Manila upang tuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Ayos ba ang line ko. (≧∇≦)/
Hawak hawak ko palang yung Door Knob ng kwarto ko nang biglang may nagtawag sakin, "Zett-na-mataray! Nakauwi ka na pala!" Yun na ee! Pipihitin nalang yung door knob ee! Konti nalang makakapasok na ee!
"Ay hindi pa, ke laki-laki kong tao. Tanga much?" sagot ko since nabubwisit ako sa taong 'to ¬_¬
Ayan si Michael Andreii San Andres Bonifacio ang Ama ng katipunan! KKK! a-tapang-a-tao!!! BWAHAHAHA de joke lang Michael Andreii San Andres ang full name niya. At sa pagkakaalam ko magka year lang kami di lang magka school. Don't tease me, hindi ako stalker niya. Nae-eavesdrop lang ako minsan sa mga usapan nila ng ibang tao. Yun lang yon.
"Oh? ano bang kelangan mo?" tanong ko.
"Wala lang binabati lang kita, sige alis na ko." at pumasok na siya sa tabi ng Apartment ko, oo nga pala magkatabi lang kami ng Room. Enebe.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko, Maliban sa mga studyanteng maarte na nambubully sakin isa pa si Michael na may pinaka malaking Role sa buhay ko... Isa siya sa mga panira ng araw ko. Buset yung taong yun. Effortless ang Role niya aa.
Pagtiyagaan na, kaya ako andito sa Maynila dahil gusto ng mga magulang ko na magkaroon ako ng mas mataas na knowledge sa Hayskul, dahil kung aasa lang kami sa education sa probinsya ay walang pakinabang lagi nalang 'ABAKADA' hanggang sa matapos ng pag aaral. Anong silbi ng taon na ginugol mo kung letra lang ang napagaaralan tsaka ang pangarap ko kasi ay maging isang Lawyer. Oo mahal. Oo mahirap. Pero para saan pa pagsipag at tiyaga kung hindi ipapairal. Right? Tsaka may malalim pang dahilan kung bakit gusto kong maging Atty. (Wow sauceyal) yung mga lupa kasi namin sa probinsya ay inaangkin ng gobyerno at sinasabing Private Property. May mga papers kaming nagpapatunay na tinubos na ng mga ninuno namin pero pinagpipilitan parin nilang angkinin ang lupa.
So right here and then, sisikapin kong ipagtanggol ang kapwa ko mamamayan sa probinsya!
❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
StrawberryJamy ❤
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Rebound
Roman d'amourDahil mahal ko na siya kahit na mahal din siya ng Bestfriend ko na mahal niya din at iniwan siya... A deal has been set... Ang Rebound na MATABA... Bow