AMR-02

160 3 0
                                    

At ginising ako ni Lord mula sa mahimbing na pagkakatulog. After praying--- Aba! Prinsesa po ako ni Lord kaya pagsisilbihan ko po siya 👍 Kayo din po, pray din always wag yung PAG MAY TIME lang (*^▽^*)

After praying Dumiretso ako ng CR sa salamin and there I am infront of the mirror with oh-so-called Panis na laway. Nyaaaay!

Makapag ayos-ayos na nga ng sarili.

*FASTFORWARD

Dyaraaaaaaan! Maayos na ang Itsura ko, naka uniform na ako at ready to gora na sa aking School! Oo nga pala hindi ko pa napapakila yung School namin ni Besh.

Its Sky High. A school that had several elites (na pakapalan ng tapal sa mukha at pagyayabang ng mga magagara na sasakyan. 😛)

Di ako mayaman, bakit ako nakapasok? Ginamit ko ang utak ko at successfully na Nakuha ng scholarship. Ang rule is pag bumaba ako ng 90% na grade decided bye-bye Scholarship. Huhubells.

Bago pa ako malate ay papasok na ako sa nasabing Paaralan. Sasakay nalang siguro ako ng tricycle para mabilis, magpapalibre nalang ako ng meryenda kay besh para sakto ang budget (Bad bestfriend) (☆^O^☆)

Paglabas ko eksaktong lumabas yung lalakeng panira ng araw ko...

"Good Morning Zett-na-mataray! May your say be great as me! Wahahaha"

"Bumati ka lang sira na araw ko." Deadpan face kong sabi sakaniya at umalis na. Bahala siya sa buhay niya. Bitter dugo ko sakaniya.

Sheyyytness. Nabubwisit ako sakaniya! Una ay dahil simula pa noong pinakilala siya saakin ng may ari ng Apartment ay tinatawag na niya akong "Zett-na-mataray" Duh!? Ang tumatawag lang sakin ng pangalan ko ay si yung mga taong close ko!

(Si Yrish nga lang pala ang close ko ("_ _)7 )

Pangalawa... Di kami close at pangatlo go back to pangalawa its the same reason. Ge sapat na rason na yun (~_^)

Sumakay na ako sa mga nag aabang na tricycle at nagmuni-muni. Lalala~

"San ka nga pala nag-aaral?

Napukaw ang utak ko nang kausapin niya ako.

\(〇O〇)/

"Bakit katabi kita!?"

"Hinayaan mo kaya akong makasakay kanina." Inosenteng sabi nito.

"Tange ka ba!? Bat' ka naman sumakay!?"

"Kase pinayagan mo ko, sunget mo talaga Zett HAHAHA." Bulalas pa niya. Sarap ipasungalngal ang buong manibela.

Tutal nandiyan na yan, pabayaan na.

"San ka ba nag-aaral," tanong ko pero parang statement.

"Dun sa Galaxy University... Bakit?"

Napamulat akong hinarap siya, Galaxy University!?!?

"O bakit? Namangha ka nanaman ba sa kapogian ko?"

Binatukan ko nga.

"Nagsiainungaling ka ba? Ee halos mansyon ang mga bahay ng mga nag aaral don!" I exclaimed. Totoo naman! Puro matapobre mga tao dun! Konting kilos mo lang pinagchichismisan ka pa. Kala nila prinsisita, yun pala kamag anak ni dracula.

"At puro gwapo at magaganda." He signed a gesture called pogi sign.

"Yaks, tigil-tigilan mo nga ako sa mga pinagsasabi mo!"

"Haha---"

"Iho, Iha, saan ba kayo at nang maihatid ko na kayo." tanong nung manong driver. Ha Ha mukhang na out of place si manong \m/

Ang Matabang ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon