Soulmate Signs (10)

118 23 13
                                    

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-

Third Person's POV

Madilim, maginaw at tanging mga street lights na lamang ang nagsisilbing ilaw sa labas ng bahay ni coach Rivero.

Napailing si coach habang nasa labas at binabantayan na makaalis ng mapayapa ang kanyang players. Napatingin siya sa kanyang relo at muling napailing nang napagtanto niyang alas onse na ng gabi.

Karamihan sa kanyang mga players ay nakainom pero meron naman mababait na wala kaya nagpapasalamat siya dahil kahit papaano may maghahatid sa iba.

"Angeles, Tan, Rodriguez kayo na ang bahala sa iba. Alam niyo naman siguro ang mga bahay nila"

"Paano 'yung mga sasakyan nila coach?" tanong ni Aaron Angeles

"Ite-text ko na lang ang mga tukmol na iinom-inom hindi naman pala kaya na kukunin dito bukas ang mga sasakyan nila" asik ni coach.

Natawa naman ang tatlo. Nasa loob na ng kanilang sasakyan 'yung iba. Inakay nila kanina dahil hindi na nakakalakad sa sobrang kalasingan.

"Roger coach" sagot ni Tan.

"Maraming salamat dahil may mga mababait rin pala ako na players katulad niyo" pabirong sabi ni coach

"Di bale coach, makakatikim sila sa atin" sabi ni Rodriguez

Tumawa na lamang si coach Rivero pero sa katunayan ay kinakabahan siya pero malaki ang tiwala niya sa tatlo na makakauwi ng matiwasay ang lahat.

"Sige na, umuwi na kayo dahil sigurado hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo"

Sumaludo ang tatlo kay coach at nagpasalamat muli. Pumasok na sila sa kanya-kanyang mga sasakyan, bumusina at pinatakbo ng mabilis.

Noong naasigurado na si coach ay pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay.

Masayang-masaya si coach Rivero ngayon dahil sa laro na kanyang nasaksihan kanina. Hindi biro ang kaliwa't kanan na mga training na pinapagawa niya sa kanyang mga players kaya nararapat lang na bigyan sila ng maliit at simpleng salu-salo.

Naabutan niya ang kanyang asawa na pababa ng hagdan. Ngumiti ito sa kanya.

"Nakauwi na ba sila?" tanong ng kanyang asawa

"Oo maliban sa isa na may kasama pang isa" biro ni coach kaya nahampas siya ng kanyang asawa

"Ayusin mo ang sagot mo"

Natawa si coach at inakbayan ang kanyang asawa. "Tara, i-check natin ang dalawa"

Pumunta sila sa garden kung nasaan ang handa at nadatnan nila ang isang babaeng natutulog na at isang lalaking pinipilit na ginigising ang kasamang babae.

Nakaupo at nakapatong ang ulo ng babae sa lamesa habang nakatayo naman ang lalaki at tinutusok tusok ang pisnge ng babae para maalimpungatan ito.

"They are cute" sabi ni Mrs. Rivero

Soulmate SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon