Soulmate Signs (11)

124 22 20
                                    

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-

Nagising ako dahil sa lakas ng alarm clock na naririnig ko. As I remembered it correctly, wala akong alarm clock because I use my phone as my alarm.

I need to turn off that stupid alarm clock!

Pagkabangon ko, bigla na lang sumakit ang ulo ko at umikot ang paningin. Napakasakit! Dali-dali ako pumunta sa bathroom dahil nasusuka ako.

Hang-overs are the worst!

Puro acid lang ang nasuka ko and it really stinks! Ang baho ko na. I was also surprised that I'm wearing my pajama and t-shirt. Sa sobrang kalasingan kagabi, wala na akong maalala.

I heard someone opened my room's door then suddenly may naramdaman na akong kamay na humahaplos sa likuran ko.

"Yan kasi, iinom-inom hindi rin pala kaya. Tsk"

I rolled my eyes upon hearing his voice. Dapat nga i-congratulate niya pa ako kasi this is only the second time na nalasing ako ng ganito.

"Ang baho mo"

"Baka gusto mo i-flush kita dito kuya?" I said.

Kumuha ako ng tissue and wiped my face.

"Subukan mo" pagbabanta ni kuya Kyle

I flushed the toilet and washed my face. Tinitingnan lang ako ni kuya and his arms are crossed. His stare is like "I'm so disappointed little sis" but I shrugged it off.

"Masakit pa ba ang ulo mo?"

I nodded "Super"

Kumuha siya ng face towel at tinapon sa akin. Sakto sa mukha ko tumama 'yung towel. Napakawalang hiya talaga. Masakit na nga ang ulo ko, dagdagan pa niya.

"Wipe your face now at umupo ka muna sa kama mo. Ngayon lang ako maging mabait panget kaya magpasalamat ka. I'll bring your medicine and your special hang-over meal your highness" masungit na sabi ni kuya Kyle.

Napangiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Inalalayan niya rin ako pabalik sa kama bago lumabas para kumuha ng mga kailangan ko.

Hinihimas ko ang sentido ko dahil nararamdaman ko na naman ang pananakit. Pilit ko ring inaalala 'yung mga pangyayari kagabi. Hindi ko nga alam kung sino ang naghatid sa akin pauwi.

As far as I know, Lloyd told me he needs to go home because it's an emergency. May nangyari raw kay tita Loida and he needs to go home early. Sino ba naman ako para mag-protest? He insisted na ihahatid niya ako pero ang aga pa 'nun and I'm quite enjoying the company of Diane and Tori.

Now I'm puzzled. Ang huli kong naalala ay ang pagpaalam ni Tori na uuwi na raw siya and then my system went black out.

"You don't need to worry. Naipaliwanag ko ng mabuti ang nangyari kina papa at mama"

Soulmate SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon