Soulmate Signs (18)

95 19 5
                                    

-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-

Third Person's POV

"Nants ingonyama bagithi baba, sithi uhm ingonyama"

Nagsimula na ang palabas at taimtim na nanonood ang dalawa.

Bakas ang excitement sa mukha ni Trice. Hindi pa rin siya makapaniwala na napapanood na niya ang kanyang paboritong palabas ng live.

Samantala ang kanyang katabi ay tahimik lamang pero sa kanyang kaloob-looban maski siya ay na-e-excite.

"I can't believe I'm watching it now" bulong ni Trice sa kanyang sarili ngunit narinig rin ito ni Brett

Nagpatuloy ang palabas. Nagsilabasan ang mga hayop, elepante, zebra, giraffe at kung ano-ano pa. Napakaganda!

Noong lumabas na si Mufasa, Sarabi at ang batang Simba ay nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagkanta ng Circle of Life.

Sumabay naman sa palakpak sina Trice at Brett at tila naluluha si Trice dahil sa kanyang nasaksihan.

Bata pa lamang siya ay gustong-gusto na niya ang Lion King. Noong 11 years old ay hiniling niya sa kanyang magulang na bilhan siya ng librong Lion King. Kahit walang librong pabili na Lion King sa Pilipinas ay hindi pa rin tumigil sa paghahanap ang kanyang magulang. At matapos ang ilang buwang pagahahanap noon ay nagkaroon rin siya ng libro ng Lion King.

Mayroon rin siyang maliit na notebook kung saan may mga doodles at art crafts na tungkol sa Lion King.

Ever since elementary days, mahal na mahal na Trice ang Lion King. Kung tutuusin, ideal man niya si Simba kahit pa hayop naman ito.

Mapagmahal na anak si Simba kina Mufasa at Sarabi. Noong siya ay lumaki at nanirahan kasama ni Timon at Pumba, siya ang naging tagapangtanggol 'nung dalawa sa mga predators. Lastly, he's a great king and a caring father to Kiara and a loving mate to Nala.

"Till we find our place on the path unwinding in the circle the circle of life"

Pagkatapos ng kanta ay biglang namatay ang ilaw at nagpalakpakan ang mga tao.

Napakahusay ng pagkagawa! Napakaganda!

Sa sobrang ganda ay hindi napigilan ni Trice ang kanyang luha. Bigla na lang siya humagulgol

At nagulat naman si Brett dahil umiiyak na ang kanyang katabi.

"Fudge. Ba't umiiyak ako" wika ni Trice

Hindi alam ni Brett ang kanyang gagawin. Nanatili siyang kalmado pero kung tutuusin ay nagpa-panic na siya.

"Ano ba 'yan. Nakalimutan ko siguro ang panyo ko"

Kinalkal ni Trice ang bag niya at nagba-baka sakaling may mahanap na panyo.

Pero sa ang malas niya dahil naiwan ata ang panyo niya sa restroom kanina.

Soulmate SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon