An author once quoted that "A soulmate is someone who has locks that fit our keys, and keys to fit our locks. When we feel safe enough to open the locks, our truest selves step out and we can be completely and honestly who we are"
Meet Katrice Flore...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-
"Are you okay?" Lloyd asked
Umiling ako "Are you sure you want to use Mariano's motorcycle?"
Tumawa si Lloyd at ginulo ang buhok ko pero wala lang 'yun sa akin ngayon. Feeling ko nga umiikot ang sikmura ko. Nasusuka na ewan
Kakatapos lang ng awarding. Pagkatapos ng laro, nagdesisyon na sila na tapusin na ang University Meet para makapagusto raw kami ngayong gabi.
Sinong nanalo? Syempre kami, ang school namin. Hindi naman malaki ang agwat ng scores 'nung dalawang team. Sa katunayan nagkaroon pa ng double overtime kanina. Sobra akong kinabahan kung ano ba ang resulta pero thank you kasi kami pa rin ang champion.
I won't deny it. Brett Mariano is really suitable as their team captain. 'Nung unang minuto ng 4th quarter ay hindi muna siya naglaro pero 'nung medyo nadedehado na ang team, pinalaro na siya ni coach.
Nagtataka ba kayo kung saan kami?
Naglalakad kami ni Lloyd sa pathway papuntang parking area. 7:00 pa lang naman ng gabi. Nag-invite kasi si coach Rivero na pumunta sa bahay nila kasi may Thanksgiving Party raw ang team.
Ayoko sanang sumama kasi baka ma-out of place ako doon pero etong si Lloyd, pinilit pa ako.
Pero ngayon pa lang, nararamdaman ko na mali ang desisyon ko na sumama sa kanya.
"Bakit ba kasi nakipag-exchange ka pa sa kumag na 'yun?"
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nag-exchange of vehicles nila ni Mariano. Sabi ni Lloyd kanina hindi raw namin masasakyan ang kotse siya dahil pinahiram niya kay Mariano kaya ang gagamitin namin ay 'yung motor niya.
"Takot ka pa rin ba sa motor Trice? You shouldn't. I'm here, hindi naman kita hahayaang masaktan"
Sinamaan ko siya ng tingin. Walang talab ang comforting words niya sa akin.
"Magtaxi na lang tayo please" I begged.
He smiled and shook his head.
"Matagal na panahon na ang lumipas Trice. I assure you it won't happened again"
I sighed.
Noong elementary kasi ako, sumakay ako ng motor. Umangkas ako tapos habang tumatakbo 'yung motor, nahulog ako pati 'yung. . .
'Yung. . .
'Yung. . .
'Yung taong matagal ko nang kinalimutan
"Paano mo nasisiguro na hindi na 'yun mauulit pa?"
Napatigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin at ngumiti - a comforting smile. Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Kasi nandito nga ako. Hindi naman kita hahayaang masaktan ulit. Hindi katulad niya"