An author once quoted that "A soulmate is someone who has locks that fit our keys, and keys to fit our locks. When we feel safe enough to open the locks, our truest selves step out and we can be completely and honestly who we are"
Meet Katrice Flore...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-
Inayos ko ang jacket na nasa balikat ko. Hahabulin ko sana siya ng may biglang humablot sa akin at bigla akong niyakap
"Trice baby! I missed you! I miss you so much, girlfriend ko"
Na-istatwa ako sa aking kinatatayuan. Maraming nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko nakita ang taong yumayakap sa akin at saka ko na lang narealize kung sino ito nung bumulong siya sa akin.
"Kaloka ka bakla! Yakapin mo rin ako pabalik. Ang daming nakatingin sa akin kanina pa"
Natawa ako and I don't have any choice kundi yakapin siya pabalik.
"Bakla ka talaga. Hindi mo man lang kami sinabihan na dumating ka na pala"
Kumalas ako sa yakap at ngumiti kay Kiann. He's a gay at siya 'yung kulang sa grupo. Absent siya for a week dahil pumunta siyang States for vacation.
"Malamang surprise! Anyway, let's go to my car pupunta tayo sa bahay"
"Wala ako nakapagpaalam kina mama"
Baliw to. Bigla na lang manghahablot at mang-kidnap.
"Don't worry I asked permission to them at sino ba naman ang tatanggi sa isang dyosang katulad ko"
I rolled my eyes at hinila na siya papunta sa parking lot ng school. Mabuti na lang may dala siyang payong kaya kinuha ko 'yun at ako ang naghawak. Isa lang kasi ang dala niya.
Hindi naman tumanggi si Kiann sa ginawa ko in fact mas gusto nga niya para walang lalapit sa kanya na girls.
He's allergic to girls!
Well except for us.
Inakbayan niya ako para magkasya kaming dalawa sa loob ng payong at para na rin hindi kami mabasa.
Kung lalaki lang ito si Kiann ay mangisay na ako sa kilig ngayon. Hinding-hindi ko itatanggi na gwapo siya at sobrang caring sa amin.
Kaso biglang nag-iba ang ihip ng hangin at tada! Lalaki na rin ang hanap niya.
One time nga 'yung hindi pa alam nila tito at tita na bakla ang anak nila ay ginawa niya pa akong cover girl. Pinakilala niya akong girlfriend niya kina tita.
That was so awkward!
Nakakasuka ang mga pinanggagawa ni Kiann sa akin. May payakap session, may pa-akbay, may pasubo ng food, may holding hands at marami pang iba.