-
Third Person's POV
Unti-unting bumibilis at bumibigat ang mga patak ng ulan.
Halos lahat ng mga tao ay nagmamadali dahil sa lakas ng ulan na naghihintay sa kanila.
Lahat ay nag-uunahan sa mga pampasaherong sasakyan at halos ipagsiksikan na ang mga sarili kahit nakikita nilang puno na.
Hindi inalintana ni Brett ang malakas na ulan. Wala man lang siyang pakialam na nababasa na siya at maaring magkasakit.
Patuloy lamang siya sa pagtawid. Ni hindi man lang siya kumuha ng pantakip man lang sa kanyang ulo.
Noong nakatawid na siya sa kabilang dako ay taimtim niyang tiningnan sa kalayuan ang dalawang taong nagyayakapan sa waiting shed.
Walang emosyon ang lumalabas sa kanyang mukha. Nilabas niya ang kanyang cellphone kahit na alam niya na maaari ito mabasa.
Tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Lloyd.
Matapos ang apat na ring ay sinagot ito ni Lloyd
("Hello?")
"Meet me at the 1950s now"
("Wtf dude. I still have my band--")
Hindi na pinatapos ni Brett ang sinasabi ni Lloyd at agad niyang itinigil ang tawag.
Muli niyang tiningnan ang waiting shed at nahuli niyang nagtatawanan ang dalawang tao na animo'y sila lamang ang tao sa paligid.
Gustong puntahan ni Brett 'yung lalaki at hilain palayo kay Trice ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili.
"Bullshit" ani niya sa kanyang sarili
Tumalikod na siya at nagdesisyong pumunta na sa meeting place nila ni Lloyd
bago pa siya may magawang masama na tiyak ikakapahamak niya
-----
"Seriously dude! Gusto mo ba magpakamatay?"
Limang minuto ang nakalipas noong dumating si Brett sa the 1950's ay dumating naman si Lloyd.
Gulat na gulat si Lloyd dahil halata pa rin sa damit na suot ni Brett ang basa na nanggaling sa ulan kanina. Para mapatunayan ni Lloyd ang hinala ay hinawakan niya ito at nakumpirmang ito ay basa
Tahimik lamang si Brett na umiinom ng alak. Napailing naman si Lloyd at lumabas para kumuha ng extrang damit.
Kumunot ang noo ni Brett noong umalis si Lloyd ngunit hindi niya iyon pinansin at tumingin na lamang sa bandang nagpe-perform sa stage.
Nabigla na lamang siya noong may bumulaga sa mukha niya na puting t-shirt.
"You know what's right" sabi ni Lloyd bago umupo sa bakanteng upuan sa lamesa nila
Walang magawa si Brett kundi pumunta sa banyo para magpalit ng damit.
"Ano na naman kaya ang problema ng gunggong na ito?" sabi ni Lloyd sa kanyang isipan.
Alam na alam niya ang ugali ng kaibigan. Minsan lang ito magyaya ng ganito kaya dapat hindi niya ito papalampasin.
"Tsk. Lagot ako kay manager neto"
Dahil sa tawag na natanggap niya kay Brett kanina ay hindi na niya nagawang magpaalam ng mabuti sa kanilang manager pati na rin sa kanyang kabanda. Ang tanging nasabi niya lang ay pupunta siya ng CR.
"Waiter"
Pumunta ang waiter sa kanya at umorder ng siya ng makakain. Wala siyang kain simula kanina pa dahil sa practice ng banda.
Di kalaunan ay dumating na rin si Brett suot-suot and t-shirt na ibinigay ni Lloyd.
"What the heck. I still have my band practice and you just fucking called me and sounded like it's so urgent" Lloyd said
"Shut up"
"Spill that damn problem now"
"Can you shut your mouth?"
"What the hell? Malalagot ako kay Manager Yu tapos eto lang pala ang makukuha ko?"
Biglang nag-iba ang hangin sa dalawa kaya mabuti na lang ay biglang dumating 'yung pagkaing inorder ni Lloyd.
Dahil sa sobrang gutom ay kumain na si Lloyd at bumalik naman sa pag-inom si Brett.
Maraming nakakapansin sa dalawa kaya panay ang ngiti nila. Kilala silang dalawa dito sa the 1950's dahil madalas sila nandito at minsan ay dito naiisipan ng Cold Flame 5 na tumugtog.
Sikat ang the 1950's bilang isang exclusive bar and grill. Kailangan mo muna magpa-member bago ka makakapasok dito. Mga artista at mga mayayaman lamang ang nakaka-afford dito.
Nabasag ang katahimikan ng biglang nagsalita si Brett.
"Katrice has a boyfriend"
Dahil sa sobrang gulat ay naubo si Lloyd
"Anong sabi mo?"
"I saw with my two own eyes. The boy hugged her and called her girlfriend ko"
"Are you sure?"
"Buti na lang nakontrol ko ang sarili ko kundi masusuntok ko 'yung lalaking 'yun"
"Aba ako rin"
"Should I raise the white flag now?"
"You shut up for a while"
Kinuha ni Lloyd ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Trice.
Mabuti naman ay sumagot ito agad
"Ano itong nabalitaan ko? You hugged someone in public?"
Tahimik lamang si Brett na nakikinig sa usapan ni Lloyd at Trice.
"Fuck? Bakit ako kinakabahan?" ani niya sa kanyang isip
Nagulat na lamang siya noong biglang tumawa si Lloyd at nagpaalam na kay Trice.
Napailing na lamang na tiningnan ni Lloyd ang nakakaawang mukha ni Brett.
"It's Kiann" Lloyd said
Matapos sabihin ni Lloyd ang lahat ay napatawa na lamang silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Soulmate Signs
HumorAn author once quoted that "A soulmate is someone who has locks that fit our keys, and keys to fit our locks. When we feel safe enough to open the locks, our truest selves step out and we can be completely and honestly who we are" Meet Katrice Flore...