Sa Paghilom Ng Sugat

446 8 2
                                    

Ang masawi sa pag-ibig ay parang pagkakadapa sa isang magaspang na sementadong daan. Siguradong may sugat. Mababakbak, matatalupan ka ng balat. Dugo-dugo pa nga. Sobrang hapdi.


Ang masaklap pa minsan, kung sino yung pinakainingatan at pinakaminahal mo ay siya pang magiging sanhi ng sakit na nararamdaman mo. Kumbaga, sa tuhod ka napuruhan. O di kaya naman ay sa siko. Common na yan pero yung sakit, super hindi maipaliwanag. Yun bang parang may kuryente pa na gagapang sa buo mong katawan. Ngunit dahil matapang ka, susubukan mong tumayo kahit mahapdi. Mapapapikit, mapapakapit.


At saka mo marerealize na hindi pala dapat pinupwersa yung sakit. So uupo ka ulit, papagpagin yung duming nakakapit sa sugat at saka hihipan ng dahan-dahan. Tapos, unti-unti kang tatayo. Binabalanse ang sarili para hindi mabanat yung tuhod. Ganyan din sana sa pag-ibig. Kapag nasaktan ka, huwag magpanggap na matatag. Alam naman natin na masakit talaga ang mabigo, ang maloko, ang maiwanan. Kaya umiyak ka, ngumawa, at sumigaw. Ilabas mo yung sakit na nararamdaman mo. Buhusan mo ng alcohol. Upang sa gayon, lumabas lahat ng germs at hindi ma-infection. Huwag kang magtapang-tapangan kung natatakot ka. Normal lang naman sa tao ang matakot. Patunay lang yan na naniniwala ka na ang mundo ay hindi perpekto. At dahil diyan, maghahanap ka ng solusyon para mawala ang takot mo at mapabuti ang iyong mundo.


Pagkatapos mong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman, di na gaanong masakit yung mga susunod na kaganapan. Ibig kong sabihin, nadaanan mo na yung pinakamahapding part so sisiw na lang yung mga susunod. Kaya mo ng linisin ng may sabon ang iyong sugat. Mapapangiwi ka pa rin pero nakakaya mo na. Alam mo yon, nakita mo si Ex na may kasamang iba. Ouch! Pero tanggap mo na. Ouch! Pero kaya mo na.


Katulad ng anumang pisikal na sugat, ang mga puso natin ay naghihilom pero hindi tayo nakakalimot. Sinasabi ng iba na "past is past" kaya dapat na nating kalimutan. Maaaring oo, huwag tayong dapat mabuhay sa nakaraan. Pero sa ayaw natin at sa gusto, maaalala at maaalala pa rin natin ang mapait na karanasang ito. Nariyan ang peklat na magpapaalala sayo na minsan sa buhay mo ay nadapa ka, nasugatan, at natuto. Parte na yan ng ating mga buhay at pagkatao kaya't hindi na ito mabubura. Na kahit gumamit ka pa ng sebo de macho o concealer, na kahit mawala pa yan sa iyong balat, nakatatak na yan sa isang sulok ng iyong puso at isipan. Kung kaya't sa susunod na magmamahal ka, mas nagiging wais ka na tulad ni Lumen.


Kapag ang sugat ay tuluyan nang naghilom, kahit tusukin mo pa, wala ng aray. Meaning, naka-move on ka na talaga. Congrats! At syempre, huwag ka sanang magtanim ng sama ng loob sa sinumang nanakit sayo. Isipin mo na parang nag-donate ka lang ng pinaglumaang laruan sa Give-A-Gift Churva Foundation. Ganun naman talaga di ba? Minahal mo siya pero kapag pinakawalan mo ay may mapapasaya siyang iba. At kapag nawalan ka, huwag mag-alala dahil may bagong darating na mas higit pa sa nauna. It's a matter of seeing things in a positive way.


Ang masawi sa pag-ibig ay parang pagkakadapa. Masakit, mahirap. Walang taong gustong masaktan, madapa, at masugatan. Pero sa kabilang banda, ito ang magbibigay sa atin ng ibayong tapang, tatag, at pananaw sa buhay. At sa bawat peklat na matatamo mo, ay kalakip na isang natatanging kwento.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MonologoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon