Hailey's POV:
*Eotteohke naega umjigil su eopge
nal Ooh Ahh Ooh Ahh hage mandeureojwo
gajja gajja jinsim eomneun gajja
jal ga jal ga*Sino nanaman ba 'tong istorbo? Napabangon nalang ako ng marinig kong may tumatawag sa phone ko. Hindi ko na tingnan kung sino.
"Hello?" Sagot ko medyo naiirita pa ako.
[Goodmorning, Hailey.]
"Eros?"
[Yes.] Binabawi ko na. Masyado nang maganda ang umaga ko.
"Napatawag ka?"
[Pwede sabay tayo pumasok mamaya?]
"Eh? Paano si Kiara?"
[Sasabay nalang daw siya sa driver niya.]
"Ah. Okay."
[I'll call you later.]
"Okay. Magaayos na ako."
[See you later.]
En-end na niya ung call. Makakasabay ko na ulit siya! Tumayo naman ako at bumaba na, dumiretso ako sa kitchen para magluto ng breakfast.
Yes, May sarili akong bahay. Parents ko kasi nasa Singapore para sa business nila. May ATM naman ako, doon nila pinapadala yung allowance ko. Kuya ko naman nagtratrabaho sa Hong Kong, sa business nila mommy. Gusto niya doon eh. Hayy.
Nagluto lang ako ng bacon at egg. Matapos ako magluto ay umupo ako sa table at nagsimulang kumain.
Matapos ako kumain, nilagay ko sa sink muna. Huhugasan ko nalang pagdating ko.
Tiningnan ko ung oras at almost 6:20 na. Malayo layo pa school namin, 30 minutes bago ka makarating doon. Kinuha ko na ung bathrobe ko at tuwalya at pumasok na sa bathroom.
*15 min.*
Lumabas na ako ng bathroom. Kinuha ko naman ung hair dryer ko at dinry ung buhok ko. Pagkatapos ko binuksan ko cabinet ko at naghanap nang susuutin. Sa pinapasukan ko ay walang uniform. Kahit ano suutin mo everyday, so lucky right?
Kinuha ko ung stripes tshirt ko, Skinny jeans Black. Sinout ko naman yun. Pagkatapos ko humarap ako sa mirror para maglagay nang cream, after that eyeliner and lipgloss. At lastly, sinuklay ko buhok ko.
Bigla namang may tumawag sa phone ko. tiningnan ko kung sino ito, si Eros.
"Hello?"
[Nasa labas na ako ng bahay niyo.]
"Sige, magsasapatos lang ako."
[See you.]
Pinatay ko na ung call. sinara ko naman ung kwarto ko at nagsapatos na, kinuha ko na rin bag ko. Lumabas na ako nang bahay at ni-lock yon.
Pagbaba ko, bumungad kaagad mukha saakin ni Eros. Nakasandal siya sa sasakyan.
Nagwala nanaman tong heartbeat ko. Kung ito lagi maabangan ko sa umaga? Aba araw araw maganda ang umaga ko. Pero syempre hindi ko pwedeng ipahalata na may gusto ako sakanya.
"Goodmorning, Hailey." Bati niya saakin at ngumiti.
"Goodmorning din." Sabi ko at ngumiti rin.
"Tara na?" Aya niya. Tumango naman ako. Bubuksan ko na sana ung front seat, kaso naunahan niya ako. Ngumiti nalang ako at pumasok na. Sinara naman niya ung pinto at pumunta sa driver seat. Pinaandar naman niya ung sasakyan at lumarga na.
* 30 min.*
Andito na kami sa harap nang 'Novencia College University' ang pinapasukan namin. Kinuha ko naman ung bag ko at bumaba na. Sinara na ni Eros ung sasakyan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Genç KurguNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?