Chapter 7

56 1 0
                                        

Hailey's POV:

1 month simula nang puro practice ang ginawa namin para sa Intrams. 1 month simula nang hindi kami magkakibuan ni Flynn. Ni magkatamaan lang nang tingin wala. Kahit magkatabi kami ay parang ang layo layo namin sa isa't isa.

"Hailey!" Napatalon ako nang sigawan ako ni Janelle. Tiningnan ko siya nang masama.
"Shut up, Janelle." Tumingin nalang ako sa ibang dereksyon. Andito kami ngayon sa cafeteria. Obvious naman na kasama siya saamin.

"Kanina ka pa kasi nakatunganga jan! May sakit ka ba?" Tingnan mo 'tong Kristine na 'to. Parang hindi na nasanay saakin. "Oh tapos? Ano naman pake niyo doon?" Pagtataray ko. Bwisit naman kasi. Ilang sandali rin ay dumating ang pagkain. Nilapag ko ang tray sa harap ko at kumain na agad.

Matapos ako kumain ay tumayo na kaagad ako at umalis na. Yeah yun lagi gawain ko ngayon. Ewan ko ba, simula nang magkasagutan kami ni Flynn-- What the fuck? No! Umiling nalang ako at tumuloy sa room.

Umupo kaagad ako pagkadating ko at nilabas ang phone ko. Kinuha ko ang earphones ko at pinasok sa tenga ko. Pumili ako nang magandang song. Pinili ko ang '12:51 - Krissy and Ericka' nakakamiss naman kasing kanta to. I crossed my arms. Nakatingin lang ako nang malalim sa bintana habang nakikinig nang kanta.

"Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway"

Ewan ko ba bakit ang lalim nang mga iniisip ko ngayon.

"It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away

And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night"

Napasinghap ako nang maalala ko siya. Totoo naman eh, simula nang dumating siya sa buhay ko.. wala siyang ginawa saakin kundi inisin ako. Lalo na pag naalala ko yung laro.. Para bang may so--

"AY FLYNN!" Halos ibaon ko ang sarili ko sa lupa sa naisigaw ko. Tangina nitong Eline na 'to. Ikaw ba naman sigawan!? Bullshit! Tingnan ko siya nang sobrang sama kong tingin. Nakita kong napatingin saakin ang mga kaklase ko. "Flynn?" Nagtataka niyang tanong. Ay fuck! Shit pwede bang tumakbo?

Nakita ko siya sa peripheral vision ko. Did he just smirked? Fuuuck!!! "Bingi ka ba? Anong Flynn? Tss." Umupo kaagad ako at isinubsob ang mukha ko sa table. Stupid, Hailey. Shit gusto kong manapak! I'm so fucking stupid. Bakit ko yun naisigaw!?

"Goodafternoon Class." Hindi ko namalayan na pumasok na pala si maam. Nagsimula kaagad si maam sa lesson. Yeah, i know dapat practice namin. Pero gamit nang 4th year ang venue.

Hindi ako makapag-concentrate! Naiisip ko yung nasabi ko kanina. Ang sarap bumaril. Marunong pa man din ako. Namiss ko tuloy gumamit, haha.

*2 hrs.*

"Goodbye class." Paalam ni maam saamin. Inayos ko ang gamit ko at tumayo. Ayaw ko magpakita sa squad! Lumabas kaagad ako at naglakad na patungo sa parking lot.

"Hailey!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses na iyon. What the fuck? Hinarap ko naman kaagad siya. Wait, Bakit ako humarap? Uggh! Nababaliw na ako!

"Mall tayo? 3 pa naman. Please?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the hell? As in HELL. "Tss." Tinalikuran ko siya. Bahala siya jan!

*ting!*

Kinuha ko kaagad ang phone ko sa bulsa ko. Nagmessage si Zeke. Binuksan ko naman iyon.

Zeke:

Sorry Hailey, Hindi muna kita maiihahatid.

Unexpected FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon