(Very Long update)
Sorry sa mga typo.
---Hailey's POV:
Kanina pa ako natutulog pero naiirita ako dahil sa araw na nakatapat sa akin. Napadilat ako nang makita ang sikat nang araw. Tumingin ako sa ibang dereksyon. Panirang araw!
"Arghh." Daing ko nang umupo ako. Ansakit nang ulo ko! At amoy.. alak pa ako. Napatingin ako sa sout ko at ganun parin. Tingnan ko yung oras 5 na!? May practice pa kami mamaya ni Flynn! Masyadong napahaba tulog ko! Hindi lang napahaba sobrang haba huhu!
Tumayo kaagad ako nang mapakapit ako sa side table ko. Wooh! Parang umikot ung pananingin ko! Umiling at pumikit nalang ako saka kinuha ang tuwalya ko at dumiretso sa bathroom.
*15 min.*
Lumabas na ako nang bathroom at dumiretso sa room ko. Nagpalit ako nang panglabas. Dinry ko ang buhok ko saka bumaba. Medyo nawala rin ang sakit nang ulo ko.
"Hailey? Bakit ka nakadamit nang panglabas?" Salubong saakin ni kuya habang naghahanda nang makakain namin. Lumapit naman siya saakin at hinalikan ako sa ulo. "May practice kami ni Flynn." Sabi ko nang makaupo ako. "Flynn? Bakit hindi ko kilala iyon?" Nilapag ni kuya ang plato ko at kumuha nang hotdog. "Bago lang kasi siya kuya. TKB na kasi namin this Monday." Napatango nalang si kuya at umupo narin saka kumain.
*10 min.*
Tumayo ako at inilagay ang ginamit ko sa panghugasan nang makatapos ako. Tumaas ako para kunin ang phone ko saka bumaba at pumunta sa living room. In-on ko ang tv at nanonood lang nang kung ano ano. Naramdaman kong umupo si kuya sa tabi ko.
"Free ka ba bukas?" Napatingin ako kay kuya. Mukhang may pupuntahan kami. "Hmm. Yes kuya. Why?" Tanong ko sakanya. "Let's go to Gun Center." Agad na napayakap ako kay kuya. Yes! Matagal ko na itong namiss! Makakapag Gun Center narin kami! "Yes kuya! Namiss ko na doon!" Masaya kong sabi. "Tingnan natin kung ganun parin ang lakas mo." Napatango naman ako. Yes! Gun Center kung saan natuto ako bumaril at magself-defense. Nakatago ang place na ito. Malakilaki rin naman. Pero meron kaming area nang mga Pendleton. Ano akala niyo saakin? Hindi marunong bumaril? Hindi naman sa expert pero parang ganun na rin. Marunong rin naman ang mga pinsan ko. Suggestion iyon nang mga parents namin para daw marunong kaming lumaban kung may mangyari man saamin.
Ilang sandali ay may tumawag sa phone ko. Unknown number nanaman?
"Hello?"
[Nasa labas na ako nang bahay mo.]
Ahh, si Flynn pala.
"Okay."
Binaba ko na ang phone ko. Kinuha ko ang bag ko at nagsapatos. "Kuya, I'll go na." Paalam ko sakanya. Lumapit naman siya saakin at hinalikan ako sa ulo. "Magiingat ka." Tumango ako at lumabas na nang bahay.
Bumungad kaagad saakin ang Ferrari ni Flynn. Hindi ko maitanggi na ang ganda nang sasakyan niya! Crush na crush ko talaga. Yung sasakyan. Hindi siya. Tss.
Binuksan ko ang front seat saka pumasok. Whew, Awkward. Nagaway pala kami kahapon. Pinaharutrot niya ang sasakyan at lumarga na.
"Uhm, Hailey.." Napatingin kaagad ako sakanya. Problema nito? "Sorry nga pala kahapon.." Napatigil kami bigla dahil nag red-light. Hindi ko nalang iyon pinansin. Nakakalabag kaya sa kalooban ang kasama siya pft.
*20 min.*
Medyo malayo-layo pala ang bahay niya. Tumigil kami sa isang bahay. Wow! Kung ikukumpara mo ang bahay ko sa bahay niya mas malaki ito nang onti.
Bumaba kaagad ako nang mapark na niya ang sasakyan. "May kasama ka ba sa loob?" Tanong ko sakanya. "Wala, tara na." Tumango lang ako at sumunod sakanya.

BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Teen FictionNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?