Chapter 6

83 3 3
                                        

(Very Long Update)

Hailey's POV:

Ang init! Hanggang kailan ba 'to matatapos? Nakaupo ako ngayon sa bench habang pinapanood ang mga kateam ko. After ilang months saka ulit kami nakapaglaro. Kaya ito ngayon pinapahirapan na kami!

Sout namin ang P.E uniform namin. Black shorts and Red tshirt, nakasulat sa front ang 'Novencia College University' habang sa likod naman ay ang pangalan namin.

"Hailey! Pasok!" Sigaw ni coach. What the? Hindi pa ata nakaka 5 minutes ang pagpapahinga ko. I rolled my eyes at binaba ang iniinom ko. Nagtali ako nang buhok para mas madali. Buti malaki ang venue namin.

Tinapon saakin ni Ysabelle ang bola at sinalo naman iyon. Pumunta ako kung saan ang serving point. Dinidribble ko to habang nakatingin sa kalaban. Narinig kong pumito ang referee.
Umabante ako nang konti. This is it! Tumakbo ako at tumalon nang mataas kasabay nang malakas kong hampas sa bola. Napangiti ako nang pumasok ito. "Nice one Hailey!" Sigaw ni coach. Inikot ko lang ang mata ko at tumingin sa bola na papunta saakin.

Agad na nireseve ko yun at pumunta sa kasamahan ko. Tumalon nang mataas si Michelle at spinike yun sa kalaban, hindi na nasalo nang kalaban ang bola. Nakipag-apir ako kay Michelle.

*20 min.*

"30 minutes break!" Sigaw ni coach. Pumunta kaagad ako sa bench at kinuha ang malamig kong tubig at ininom iyon. Ramdam ko ang pagtulo nang mga pawis sa mukha ko. Nakakapagod! Ano kaya ginagawa nang mga kaklase ko? Obvious naman na nakahiwalay ako sakanila dahil dito ako sa Varsity. Tumayo ako habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang facetowel ko. "Punta lang ako sa mga kasection ko, pakisabi nalang kay coach." Tumango naman ang mga kasamahan ko at umalis na ako.

Separate ang venue nang mga Varsity players. Ang venue na pinaglalaruan namin kanina ay pwede ring maging basketball court. Doon ginaganap ang intrams. Pumunta ako sa Basketball court kung saan nagprapractice ang mga kaklase ko. Varsity player lang kasi ang pwede gumamit sa malaking venue. Samantalang sila ay sa pinagprapractice lang nila. Malakilaki rin naman.

Nakita ko kaagad sila Zuriel at iba pang kabatch ko na naglalaro.

Napatalon ako nang marinig ko ang boses niya. Nakakawalang mood bwisit! "Musta ang laro?" Tinaasan ko kaagad siya nang kilay. Ewww! Pawis na pawis siya pumapatak pa ang mga pawis niya. Kadiri! "Uso magpunas." Inirapan ko siya at umalis na. Pero hindi ko maiitago na ang hot niya. NO! Erase erase! Pagod lang ata 'to uggh!

Pumunta ako sa Volleyball court kung saan players lang ang gumagamit. Nakita ko sila Stacey na naglalaro. Nice one! Ang galing talaga ni Stacey kaso nga lang sayang hindi siya naka-abot sa Varsity. Sinilip ko lang sila. Umalis na kaagad ako at tumungo sa venue. Baka mapagalitan pa ako ni Coach.

Pinatong ko kaagad ang towel ko sa bag ko nang makarating ako. "Dadating ang Varsity Basketball players at mga kabatch niyo. Kaya maghanda kayo. Pagkatapos nang laro niyo ay ang basketball players naman."

What the!? Alam kong practice lang 'to pero bakit kailangan manood pa ang iba? Nevermind parang hindi na nasanay. Napatingin kami nang marinig namin ang nagdridribble na bola. Nakita ko kaagad si Eros, habang hawak hawak ang bola. Shit! Ang hot niya talaga kapag nakajersey. Nakakafuta naman. Lalo na pag naglalaro! Papanoorin ko talaga siya. Nakita ko rin sa likod si Rei at Steven, yes Varsity players rin sila. At ang pinsan kong si Zeke at Vensley. Woooh!

Napatigil ako nang maalala ang pustahan namin ni Flynn. Psh! Wala na! Talo na si Flynn for sure.

Nakita ko rin ang pagdating nang iba kong kabatchmates. Umupo sila sa itaas yeah imagine niyo nalang ano itsura nang venue. Kapagod magexplain. Haha!

Unexpected FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon