Hailey's POV:
Nagising kaagad ako nang tumunog ang alarm ko. Pinatay ko yun at bumangon na. Bumaba ako para magbreakfast. Tumungo ako sa kitchen.
Naisipan kong magluto nang bacon. Madalas kong breakfast talaga bacon.
Matapos ako magluto nilagay ko ito sa plato at nilapag sa table. Umupo na ako at nagsimulang kumain.
Matapos ako kumain nilagay ko sa hugasan. Mamaya ko nalang huhugasan pagdating.
Umakyat ako sa kwarto. Inayos ko ang pinaghigaan ko. At inayos ang iilan nang gamit ko. Tiningnan ko ang oras at halos 6:20 na. Tinawagan ko si Zeke.
"Hello? Goodmorning Zeke."
[Goodmorning Hailey. Napatawag ka?]
"Sunduin niyo ako ha?"
[Sige.]
En-end ko kaagad at nilapag ang phone ko sa table. Kinuha ko ang tuwalya at bathrobe ko at pumasok na sa bathroom.
Pagkatapos ko maligo, Sinout ko ang bathrobe ko. Umupo ako sa harap nang salamin ko habang dinadry ang aking buhok. Kinuha ko ang dryer para mas mabilis at dinry ito.
Pagkatapos ko magdry ay tumayo ako para maghanap nang madadamit ko. Matapos ay nagdamit ako.
Inayos ko ang mga ginamit ko. Kinuha ko ang aking bag at sinara na ang kwarto ko. Bumaba ako at sakto naman na may nagdoorbell. Pinagbuksanan ko to at si Zeke ang bungad.
Ngumiti siya saakin at yinakap ako.
"Magsasapatos lang ako." Sabi ko at sinout na ang aking sapatos. Pinatay ko lahat nang ilaw at lumabas nang bahay. Ni-lock ko ito at nilagay ang susi sa bag ko.
"Tara na." Sabi ko sabay ngiti sakanya. Tumango siya at lumabas na kami nang gate nang bahay ko at sinara iyon nang mabuti.
Nakita ko kaagad sa sasakyan sila Hannah, Chelsea, Patricia at Andrel. Pumasok ako sa front seat.
"Hi Haileey!" Bati nila. Ngumiti ako sakanila at humarap na sa harapan. Napansin ko kaagad na walang maingay.
"Vensley?" Tumalikod at ako hinanap siya pero wala siya. "He's sick." Banggit ni Patricia. "Bakit?" Tanong ko.
"Naglasing kagabi." Bumaling kaagad ang tingin ko kay Zeke na nagmamaneho. "Ano!?" Sigaw ko sa pagkagulat.
"Yeah. Napasobra ang paginom niya. Ayun, tinawagan namin kanina, mamatay na daw." Tumawa ako sa sinabi ni Andrel. Umiling ako. I bet kung ano ano nanaman ginawa nila kagabi.
Kahit kailan talaga yang Vensley na yan."Hinanap ka ni Ate Felicia kagabi." Sabi ni Andrel habang nakatingin sa bintana. "Ano sabi nang ate mo?" Tanong ko. Close ko naman lahat nang pinsan ko pero siya ang pinakaclose ko. "Sayang daw hindi ka sumama, wala tuloy siyang kasama pagdating sa inuman." Tumawa siya sa huling pagkasabi niya.
"Damn you, Andrel." Inirapan ko siya at nagsitawanan sila. Hanggang kailan ba nila makakalimutan iyon? Tuwing naalala ko yon hindi ko mapigilang mahiya sa mga pinsan ko.
-Flashback-
Umiinom kami ngayon ni Felicia sa bar kasama ang mga iba ko ring pinsan. Ganito kami lagi pag may bumabalik na pinsan namin dito. Bumalik ngayon si Matthew. Nagyaya siyang magbar kaya pumayag naman kami.
Maingay sobrang lakas nang music. Masyado napaparami ang inom ko. Pero hinayaan ko lang iyon. Wala namang masama uminom diba? Hahaha! Yeah 3rd year college palang ako naglalasing na ako. Pake niyo ba!? Hindi niyo naman to life so shut up nalang kayo.

BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Teen FictionNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?