Hailey's POV:
"A-ah!"
Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung anong gagawin ko! Nakahawak lang si Evangeline sa kanyang tyan habang pinipilit ang sakit,
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko. Dumating naman ang mga maid at guards. "Tumawag kayo ng ambulansya!" Ani ko sakanila. Anong gagawin ko! Paano ba to!!
"Aaaah! A-nsakit!!" Nakahawak lang siya sa tiyan at tila bang hirap na hirap. Kumuha ako ng pamaypay at pinapaypayan siya. Pinasandal ko siya sa sofa habang pinapaypayan siya.
"Kumapit ka lang Evangeline." Wika ko habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Maya maya nalang ay nakarinig na kami ng ambulansya galing sa labas. Pumasok ang iilan na tao sa loob. Hindi ako bumitaw sakanya habang dinadala siya sa loob ng ambulansya. Pumasok na kami sa loob at nagsimula ng lumarga.
May kung anong tinusok sakanya at may pinasuot na oxygen. Shit! Nakahawak siya sa mga kamay ko. Nakikita ko kung paano niya pinipigilan ang sakit at pinagpapawisan na rin siya.
"Malapit na tayo, Evangeline." Pagpapatahan ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. Fuck! Kailangan malaman to ni Rei!
Nang makarating kami sa hospital ay ibinaba na siya at nilagay sa higaan.
"A-aah!!" Ungol niya habang namimilit sa sakit. May mga ilang nurses na sumalubong saamin at tinakbo siya sa Emergency room.
"Sasabihin ko 'to kay Rei." Sabi ko habang tumatakbo at magkahawak ang aming kamay, nakita ko ang pagiling niya na tila ba sinasabing wag kong sasabihin. Tumulo ang kanyang luha at sumigaw ulit.
"Dito lang po kayo miss kami na po bahala sakanya." Wika ng nurse. Wala na akong nagawa kundi bumitaw kay Evangeline. "Kaya mo yan, Evangeline." Ani ko at tuluyan ng nawala sila sa paningin ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan si Steven at Janelle. Sinabi ko sakanila na pumunta sila dito. Ilang sandali ay nakita ko na sila. "Anong nangyari?" Hingal pa na sabi ni Janelle. Nakita ko ang pagaalala nilang dalawa. Hindi na ako magpapadalos-dalos pa,
"Si Evangeline, nanganak na at ang ama si... Rei."
Napabitaw si Janelle sa kanyang bag. Nakita kong naiyukom ni Steven ang kamay niya.
"Tinanggihan na lang ni Rei si Evangeline."
"WHAT!?" Sigaw nilang dalawa. Napatango ako at nakita ko ang galit sa mga mata nila. Ganyan na ganyan rin ako ngayon.
"Pupuntahan ko si Rei. Dito na lang muna kayo, hintayin niyo si Evangeline."
Tumango silang dalawa kaya umalis na ako ng tuluyan. Nag-para ako ng taxi at pumunta sa bahay ni Rei.
"REI LUMABAS KA JAN!"
Halos gibain ko ang pinto ni Rei. Wala akong pake kung magising man ang iba. Punong-puno ng galit. Narinig ko ang pagkabukas ng pinto. Nagulat si Rei ng makita ako.
"Hai--"
Hindi ko na napigilan ang kamay ko. Sinampal ko siya. Magsasalita na sana siya, pero sinampal ko ulit siya.
"Napaka walang hiya mo!"
Nakayuko lang siya samantalang ako ay nangigigil sa galit.
"Binuntis mo si Evangeline tapos hindi mo papanagutan!? Ano ka FUCKBOY!?"
Tinulak ko siya kaya naman napaupo kaagad siya sa sahig. Nakatingin parin siya sa kawalan.
"Sana nagisip ka muna! Damn you! Nasaan ang utak mo?! Ginawa mo yun, nagpakasaya ka tapos hindi mo pananagutan!? Isa kang bobo!"
Namuo ang luha sa mata ko. Parang unting unti binabasag ang puso ko.. Tumayo siya at hinarap ako. Nakita ko ang pagsisi at hinanakit sa kanyang mata.
"Hindi ko naman ginusto---"
"Fuck you! Hindi mo ginusto pero ginawa mo!" Sigaw ko at sinampal ulit siya.
Napaluhod nalang ako at tinakpan ang mga mukha ko. Hindi ko na kaya. Umiyak lang ako ng umiyak.
"Rei... Hindi naman ganito diba? Bakit mo ginawa yun? BAKIT MO GINAWA!" Tumayo ako at tinuro siya, "Binigo mo ako! Hindi lang ako, kundi kaming lahat! Tangina! Hindi ko inaasahan na yang pagiging playboy mo mapupunta sa ganito! Ang tanga mo Rei! Ang tanga tanga mo!!"
Biglang nanikip ang dibdib ko ng lumuhod si Rei at umiiyak na parang bata..
"I'm s-so s-sorry..."
Sobrang sakit..
"Ang tanga mo.." Sinampal ko ulit siya. Nakailan na ba ako? Para ng namamanhid ang kamay ko.
Parehas na kaming umiiyak ngayon.. Tumalikod na ako at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Nasa hospital sila ngayon." Malamig kong sabi at tuluyan ng umalis.
Nag-para ulit ako ng taxi at sinabi ang way papunta ng bahay ko. Nakatingin lang ako sa bintana..
Nabigo ako. Akala ko kayang kontrolin ni Rei ang sarili niya pero nagkakamali ako. Ang hindi ko inaasahan ay sinabi niya mismo na hindi niya kayang panagutan ang bata. Akala ko kung mangyayari man ang ganito, pananagutan niya, pero hinayaan niya lang! Parang hindi siya yung Rei na nakilala ko nung nalaman ko na sinabi niya hindi niya pananagutan ang bata. Damn!
May tumulong luha sa mata ko kaya pinunasan ko.. Sana maging maayos na 'to.
BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Teen FictionNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?
