Chapter 12

29 0 1
                                    


Hailey's POV:

October 9, 2015

-

"Baby, Are you okay?"

Napatingin ako kay kuya na naka puting polo sa loob tapos itim na tuxedo. May nakalagay rin na ribbon sa collar niya. Nakawax rin ang dark brown niyang buhok. Kitangkita pa ang kanyang itim na earing sa right ear niya.

"Yes, Kuya." Sabi ko.

"Lalabas lang ako." Tumango lang ako.

Lumapit naman siya saakin at hinalikan ako sa noo.

Lumabas na siya kaya umupo ako sa harap ng malaking salamin. Napatingin ako sa make-up table.

Dumapo ang tingin ko sa sarili ko. Ang buhok kong straight ay nakacurl na ngayon sa baba. Ang mukha ko ngayon ay may make up narin.

Guess what? It's my Debut! 18th Birthday.

Pinlano lang namin 'to last week nung biglang dumating sila Mommy at Daddy. I'm so happy nandito sila Mommy. For 2 years hindi kami nagkasama. Ngayon ay kasama ko na sila! Napangiti naman ako.

Siguro andami ng tao ngayon sa loob dahil maya maya ay magsisimula na. Samantalang ako ay naka bathrobe parin.

I can't imagine.. 18 na ako. Parang dati lang eh highschool pa ako at 13 pa. Pero ngayon? Napabuntong-hininga nalang ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa gown ko na nakalagay sa mannequin..

Hindi ko alam kung magkano ang kuha nila dito sa gown ko. Kahit ako ay hangang hanga sa ganda. Hindi ko rin alam ano balak nila mommy at kinuha nila ang hotel na napakalaki at napakamahal. Gusto raw kasi nila bongga ang 18th Debut ko.

Tumungo ako sa napakaling bintana dito sa kwarto na 'to kung saan makikita mo ang taas nito at ang labas. I crossed my arms.

Bigla nalang sumagi sa isip ko si Kuya Warren.

-Flashback-

Papunta kami ngayon ni Kuya Hendrix sa sementeryo para bisitahin si Kuya. Gusto ko kasing bisitahin muna siya bago ako magdebut.

"We're here." Tinigil ni Kuya ang sasakyan at pinatay na ang makina. Huminga muna ako nang malalim saka bumaba.

Tumigil kami sa harapan nang puntod ni kuya. Nilapag namin sa tabi ang bitbit naming bulaklak para sakanya. Lumuhod ako para hawakan ang puntod ni kuya...

Rest in peace,
Warren Pendleton
1990-2014

Naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa mata ko..

"H-hi kuya."

Napakagat ako sa labi ko nang bumuhos ang luha sa mata ko. I can't control my tears from falling.

"Mag ei-eighteen na ako, Kuya."

Tuloy lang ang pagbuhos nang luha ko. Basang basa na rin ang pisngi ko sa kakaiyak. Naramdaman ko nalang ang paghaplos nang kamay ni Kuya Hendrix sa likod ko. Mas lalo lang akong naiyak.

"S-sana andito ka sa D-debut ko.. Miss na miss na kita kuya." Hindi ko na alam na may kasamang paghikbi na ang iyak ko.

Tuwing naalala ko ang mga ala-ala at huling yakap namin ni kuya hindi ko mapigilang hindi humagulgol sa iyak.

"K-kuya.."

Halos mabasag ang boses ko sa pagiyak ko. Biglang niyakap ako ni kuya. Napatingin kaagad ako sakanya ng maramdaman kong may tumulong tubig sa kamay ko. Nakatingin lang siya sa puntod ni kuya habang lumuluha. Pinunasan ko iyon kaya mas lalo akong naiyak.

Unexpected FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon