Sorry sa mga typo.
---
Hailey's POV:
Kanina pa talaga ako nakakaramdam nang may tumatalon sa higaan ko? Paistorbo sa tulog! Humarap ako sa ibang dereksyon pero nakapikit parin ako. Sinusubukan kong matulog pero..
*Jump jump jump*
Putangna! "SINO BA T-- ANDREL!?!?!?!?!?!?!?!" Anak nang tipaklong! Papatayin ko 'to! Bumangon ako saka sinapak siya nang malakas. Nakakabanas! Natutulog ako eh! "Damn you, Andrel! Natutulog ako!"
Nakita kong napahawak siya sa labi niyang nagdudugo. He deserves it! "Gumising ka na kasi! Tingnan mo yung oras oh! Ikaw nalang hinihintay!" Napatingin kaagad ako sa orasan 12..?
"Kaninang 10 pa kami dito!" Tiningnan ko kaagad siya nang masama.
"Pwede mo naman akong gisingin nang normal eh! Hindi yung nagtatalon-talon ka! Bwisit!" Tumayo kaagad ako at kumuha nang tuwalya saka dumiretso sa bathroom. Bahala siya dyan.
*15 min.*
Lumabas na ako. Agad kong dinry ang buhok ko at inayos ang higaan ko. Langhiya! Ang gulo tuloy nang bed ko! Nagbihis narin ako nang panglabas saka pinatay ang ilaw at bumaba na.
Bumungad kaagad saakin sa living room ang mga pinsan kong nakaupo na nagtatawanan. "Ayun! Gising narin si Hailey!" Sigaw ni Rebecca. Ngumiti lang ako nang pilit. "Anong ginawa mo kay Andrel? Haha!" Natatawang sabi ni Zeke. "Bwisit kasi! Nagtatalon sa higaan ko nakitang natutulog ako eh. Bastos!" Sigaw ko kay Andrel. Langhiya kita mo 'to tumatawa lang. I swear to god, siya ang ilalagay ko sa harapan ko sa Gun Center. Siya ang gagawin kong target. "Tawa ka." Naiirita kong sabi sakanya. Lumapit saakin ang mga babae kong pinsan at nakipagbeso. Samantalang ang mga lalake kong pinsan ay niyakap lang ako.
"Kilala mo naman si Hailey, Biruin mo na wag lang pag bagong gising." Napaharap ako kay kuya. Uhh, Kuya is the best. Hinalikan niya ako sa noo. "So let's go! Lunch muna tayo sa Restaurant." Aya ni kuya sakanila. Nagsitayuan naman sila. Nagulat ako nang may umakbay saakin. Akmang nasasapakin ko sana kaso bigla niyang kinuha yung kamay ko. "Sorry na, Hailey. Haha!" Andrel.
I rolled my eyes. Bahala ka jan. Tinanggal ko ang naka-akbay na kamay niya saakin at nauna na sakanya. Lumabas na kami nang bahay at bumungad saakin ang tatlong sasakyan. Sasakyan nila Zeke, Caleb at Kuya. Sumakay na ang iba kila Zeke at Caleb. Samantalang ang sumabay lang saamin ni kuya ay si Andrel at Hannah.
Sumakay na ako sa front seat. Nakita kong sumakay na rin si Andrel at Hannah sa likod. Pumasok na rin si kuya at pinaharutrot ang sasakyan saka lumarga na.
Habang nagmamaneho si kuya ay nakatingin lang ako sa bintana. "Say sorry to her, Andrel." Sinulyapan ni Kuya si Andrel sa rear mirror. "Sorry Haileyy! Peace tayo!" Pagpapacute ni Andrel. Psh.
"BV yan, Andrel. Kilala mo naman si Hailey kapag ginising mo nang ganun, beastmode na yan boung araw." Aw, thanks to Hannah. Walang imik lang si Andrel na nakatingin sa bintana.
Ilang sandali rin ay dumating na kami sa Restaurant. Bumaba na kaming lahat sa sasakyan. Nakita ko sa likuran ang mga sasakyan ni Caleb at Zeke. Nagsibabaan narin sila. "Tara na."
Sabay sabay kaming pumasok at umupo sa pagkahabang table. Hahaha! Buti may table na ganito noh? Lumapit saamin ang isang waiter saka binigyan kami isa isa nang menu.
Binuksan ko ang menu at nagtingin nang magugustahan ko. Ano bang magandang kainin ngayon? Choosy ako eh. Carbonara nalang? Hindi kasi ako kumakain nang kanin tuwing lunch.
"Kuya, Carbonara nalang saakin." Sabi ko sa waiter na naghihintay sa mga order namin. Tumango lang siya at sinulat iyon sa papel. Samantalang ang iba ay busy sa pagoorder nang pagkain.
BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
JugendliteraturNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?
