Lahat po nang places na babanggitin ko po ay hindi po totoo. Sa isip ko lang po iyon. Baka po kasi magtaka kayo saan ang 'Novencia College University' at 'Gun Center' at iba pang lugar.
Sorry sa mga typo.
---Hailey's POV:
Napamulat kaagad ako nang may naramdaman akong dumampi sa noo ko. Napangiti kagaad ako nang makita ko si Kuya. Nakakamiss yung lagi niya akong hahalikan sa noo..
"Breakfast is ready." Tumango ako sa sinabi ni kuya. Nakakamiss yung luto niya! Bumangon kaagad ako at lumabas nang kwarto. Sabay kaming bumaba at dumiretso sa table. Umupo kaagad ako. Halos kuminang ang mata ko sa mga luto ni kuya.
Bacon, Egg, Hotdog, French Toast. "Thankyou Kuya!!"
"Welcome, Baby."
Kumuha kaagad ako nang French Toast dahil yun ang paborito ko pag gumagawa nang breakfast si kiya. Waah! Namiss ko yung lagi niya akong pinagtitimpla nang kape. Nagusap lang kami nang kung ano-ano. 5:45 pa.
*20 min.*
6:00 na! Napatayo kaagad ako nang mapansin ang oras. Natapos ko na rin kinakain ko. "Kuya maliligo na ako." Tumango lang siya. Natagalan kami dahil sa pagkwekwento. Nakakamiss lahat.
Umakyat ako at kinuha ang tuwalya saka dumiretso sa bathroom.
*15 min*
Mabilis lang naman ako maligo hehe. Lumabas ako nang bathroom at pumunta sa kwarto. Sinara ko iyon.
-Fast forward-
"Tara na kuya!" Sabi ko pagkababa ko. Yihii! Ihahatid niya ako! Lumabas kami nang bahay at sinara iyon. Bumungad kaagad saakin ang itim na Porsche na sasakyan ni kuya. Woaaah! Binuksan ko ang fronseat saka umupo. Grabe ang comfortable dito! Pumasok naman kaagad si kuya at pinaharutrot ang sasakyan saka lumarga.
*30 min.*
"Kuya, Magstastay ka ba dito? Or aalis ka?" Sabi ko nang makababa ako. "Aalis muna ako. May aasikasuhin lang ako." Tumango nalang ako. Lumapit saakin si Kuya upang halikan ako sa ulo. "Bye kuya!" Kaway ko sakanya nang makalayo na ako. Kumaway lang siya. Tumalikod na ako at tumungo na sa room.
"Hailey! Bumalik na raw si Kuya Hendrix!?" Kakabukas ko palang nang pinto ito na sigaw saakin ni Zuriel. Tumango ako at ngumiti nalang ako. Tiningnan ko ang seat ko nang makita ko si Flynn. Umupo lang ako sa tabi niya.
Nakatingin lang ako sa window nang pumasok sa isip ko si Kiara at Luke. Oh.. Maghanda lang sila sa uwian. Napa-smirk kaagad ako.
"May problema ba?" Napatingin ako kay Flynn. "Wala naman." Nakangiting sabi ko.
Napaharap ako nang pumasok si sir. Nagpaalam sila samantalang ako nakaupo lang.
"Before we start our class. May ibibigay lang ako na project sainyo." Project!? I rolled my eyes. Ito nanaman tong sir na 'to.
"Next week ay TKB na natin. Sasabihin ko ang partner ninyo. Ngayon, dapat maghanda kayo nang kakantahin ninyo. Ito ay sa boung batch. Dahil pipili ako nang dalawang representative nang batch natin. Ganun rin ang ibang year. Kukuha kami nang representative sa bawat year. At ilalaban namin sa ibang school."
Napa-'woah' naman ang iba saamin. Samantalang ako tahimik lang. Ang boring naman nito. TKB (Talentado Ka Ba?) Every year ay meron kami niyan. Pero first time ang mananalo ilalaban na sa ibang school. "So sasabihin ko na yung mga partners ninyo." Pinatong ko nalang yung ulo ko sa table sa sinabi ni sir.
"Hailey Pendleton..." Napa-angat kaagad ako nang marinig ko ang pangalan ko. "and Flynn Peterson." Nanlaki kaagad ang mata ko. What the!? Nooo! "WHAT!?" Sigaw ko. Napatayo narin ako. Hustisya please. "May problema ba Hailey?" Oo may problema! Bakit si Flynn ang partner ko!? Kaso napaisip kaagad ako. Baka kung ano pa isipin nang iba... "Wala naman sir." Ngiting pilit ko at umupo na. Ayaw ko na!! Huhuhuhu!
BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Teen FictionNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?