Chapter 14

28 0 0
                                        

Hailey's POV:

"Hay. Kailan kaya papasok si Reiner?" Ani ni Janelle.

Nandito kami ngayon sa Cafeteria magkakasama, syempre ang kulang lang si Rei. Nalulungkot ako dahil namimiss ko na siya. Pero mas nangingibabaw ang galit ko.

Alam narin ng mga kaibigan ko ang nangyari saaming dalawa.

Well kung tatanungin niyo kung alam naba ng lahat, obviously yes. Naiinis nga ako sa mga taong nanghuhusga kay Rei at Evangeline. Ang sarap nilang pagbabarilin.

At masaya rin ako nung malaman ko na pananagutan na raw ni Rei ang anak nila.

Masaya rin ako sa mga kaibigan ko nagawa nilang patawarin si Rei at Evangeline. Kahit si Steven na halos pagbubugbugin si Rei ng magkita sila, napatawad niya parin. Pero bakit ako? Nahihirapan.. Anlaki kasi ng tiwala ko sakanya na walang mangyayari na ganito pero wala eh nangyari.

"Eh kung bakit hindi nalang natin siya bisitahin diba?" Wika ni Yael. Nagkatinginan naman ang lahat.

"Sige!" Sabay sabay nilang sabi at nakangiti pa. Tahimik lamang ako kaya't napansin ni Flynn.

"Are you okay?"

"Yes."

Napagplanuhan na 6 pm ang punta namin. Kaya after ng klase ay umuwi agad ako. Pagkauwi ko ay agad na sumalubong saakin si Kuya at hinalikan ako sa noo.

"How's your day?" Sabi niya at umupo ulit sa dining room kaharap ang kanyang laptop at mga nakakalat na papel sa table.

"Fine kuya. Pupuntahan pala namin si Rei ngayon." Napatingin saakin si kuya.

"Be good to Reiner. Sana maintindihan mo na siya." Tumango na lang ako at umakyat para makapagpalit.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa kotse ni Steven. Andito kami ngayon sa Hospital. May kung ano nanaman akong naramdaman na galit at sakit sa puso ko. Sabay-sabay kaming pumasok at tumaas sa 5th floor.

Lumabas naman kami sa elevator at dumiretso sa room nila Rei. Gusto ko siyang makita na ayaw, pero wala eh, andito na. Kumatok ng dalawang beses si Stacey at binuksan ang pinto. Ako ang pinakahuli dahil ayoko munang pumasok.

"Rei! Evangeline!" Sigaw ni Stacey at nakita ko ang mga ngiti ng mga kaibigan ko ng makita si Rei at Evangeline. Ako ang pinakahuli kaya hindi ko pa sila nakikita. Huminga ulit ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa kwarto. Tahimik lang ako sa gilid habang nakahawak sa shoulder bag ko. Nakatingin lang ako sakanila habang nagbabatian sila. Nakipagbeso naman sila kay Evangeline.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa naghandshake na si Rei at Steven, kaya napatingin saakin si Rei. Napaiwas naman siya ng tingin.

"H-hailey."

Napatingin ako sa taong tumawag saakin. Humakbang ako papalapit sa higaan at nakipagbeso sakanya.

"How are you?"

"I'm fine."

Tumango ako bilang sagot. Umupo ako sa paanan niya at hinawakan ang kamay niya.

"Thankyou Hailey. Thankyou napa-payag mo si Reiner. Thankyou dahil tinulungan mo ako." Wika ni Evangeline na parang anytime babagsak ang mga kanyang luha.

"Walang anuman, Evangeline." Sabi ko at ngumiti sakanya para maging maayos ang kalagayahan niya.

"Tol nasaan ang inaanak namin?" Natawa ako ng mahina sa inasta ni Steven. Sinapak naman siya ng mahina ni Rei.

"How's your baby? Is it a girl?"

*knock knock*

Pumasok ang isang nurse na may dala dalang... baby. "Sir ito na po." Binigay ng nurse kay Rei ang baby...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon