Hailey's POV:
"Baby... Gising na.."
Humarap ako sa ibang dereksyon. "Mamaya na..." Inalis ko yung kamay niya nakapatong sa balikat ko. Inaantok pa ako!
"Late ka na. Gumising ka na jan."
Zzzzz....
"Baby c'mon."
Zzzzz....
"Nakahanda na breakfast mo sa baba."
Zzzzz...
"Baby gising na!"
Tangina sumisigaw 'to amp. Hinampas ko ng sobrang lakas ang kamay niya na kanina pa niyuyugyog ako. "Aray!"
"Mamaya na kasi.."
Zzzzz...
Zzzzz...
Zzzzz...
*30 min.*
"HAILEY PENDLETON GUMISING KA NA JAN!!!!!!!"
"AAAAAAAHHHHH!!!!!" Napabangon ako at sabay na napasigaw. Shit! Muntikan na ako mahulog sa higaan ko.
Tumingin ako sa pinto at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. Kinuha ko yung unan ko at tinapon sakanya ng malakas.
"ISTORBO KA KUYA!!!"
"Malalate ka na! Tingnan mo yung oras oh!"
Tiningnan ko yung oras at.. 7 na? Sinamaan ko ulit siya ng tingin.
"So?" Pagtataray ko. Nanlaki naman ang mga mata niya na para bang naasar.
"For your information, saakin ka sumasabay. Malalate pa ako ng dahil sayo!"
"Sino ba nagsabi sayo na hintayin mo ako? Pwede namang magcommute na lang ako."
"Wow tapos magrereklamo ka dahil ang hirap magcommute?!"
Tss. I rolled my eyes at bumangon sa bed.
"Huh, kaya pala ang init ng ulo mo." Napatingin ako sakanya at nakangisi siya habang nakacross arms. Naramdaman ko ang paginit ng ulo ko! Ano bang problema niya?
"PWEDE BA LUMABAS KA NALANG!?" Tinapon ko sakanya yung isa ko pang unan. At grabe tumawa lang siya. Nakakaasar.
"Okay okay chill baby. Hahahaha!" Naiyukom ko ang kamao ko sa sobrang inis.
"LABAS!!!"
Buti naman at lumabas na siya. Grabe umagang umaga beastmode! Kani-- What the fuck? Bakit may red tong bed sheet ko? Chineck ko ang pants ko at..
"OH NOOOOOO!!!!"
-----
"Oh bakit ganyan mukha mo?" Natatawang sabi ni Kuya. Hindi ko lang siya pinansin at tuloy tuloy na lumabas ng bahay. Agad naman nagbukas ang sasakyan ni kuya kaya pumasok na ako. Pumasok narin siya at pinalarga na ang sasakyan.
"Ngumiti ka nga." Tumingin lang ako sakanya at inirapan. "Ouch grabe inirapan lang ako. Masakit baby ha malapit na rin ako umal--- ahem."
Napakunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Tumingin ako sakanya at para siyang ewan na natataranta.
"What do you mean?"
Napatigil kami dahil sa red light. Nakatingin lang ako sakanya ng deretso. Sinulyapan niya ako at napayuko. Tipid siyang ngumiti ng tumingin saakin.
"Nothing baby, I love you."
Nagulat ako nang lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Sakto naman na nagreen light kaya humarap kaagad siya at lumarga.
BINABASA MO ANG
Unexpected Feelings
Novela JuvenilNang dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang iglap, nawala ang lahat. Maiibabalik pa ba ang DATI?