Chapter 2 - Wonderstrucked

311 24 9
                                    

Author's Note


Hahaha Sa wakas! tapos na rin ako na makipagbasag ulo sa mga exams ko! Wish me luck sana mataas yung grades ko this time! Since di na ako busy... May update na ako! Waah sana magustuhan nyo to. Medyo mahaba po ito kasi pinag-igihan ko po ito.

Ah oo sioya nga pala. Balik kayo dun sa previous chapter. Binago ko kasi yung casts at nandun yung picture ni Megan. Wala nang kokontra okay?

Waaaahhh!! Read comment and vote kayo ah! Plsss plsss plsss...! Tas sa mga gusto magpagawa ng book cover, nandun ang link sa bio ko. Check it out! 

Okay mukhang dami ko na sinabi.. Basta vote at comment kayo ha? Thanks!

Thanks din sa gf ko for suggesting the casts. hehehe <3 I love you! ^^

NP: Honey Honey Baby -Yozoh

------------------------------------------------------------------

Chapter - 2 Wonderstrucked

*FLASHBACK*

June something... basta seven years ago... 

Elmswood University

 

*MEGAN’S POINT OF VIEW*

“Shyet! HUWAAAAAAAAAAAHHH!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi ang humagulhol ng bonggang bongga matapos kong mabasa ang tweet ng estupido at timawang ex-boyfriend ko sa cellphone ko. Bigla tuloy na napalingon ang mga tao sa loob ng University Cafeteria sa kinaroroonan namin na table.

“Hey, everyone! Hindi po namin ito kilala...” exaggerated na sabi ng isa sa mga bestify ko na si Thyress sa mga tao roon sa café.

“Wahhh! Agree! Hala ano nang nangyari sa’yo teh?” buska naman sakin ni Mikki.

“Naku, mukhang lipat na tayo ng table bago pa tayo mahawa.” Sabi naman ni Rosalinda tapos kunwa’y nagligpit na ng tela para lumipat daw ng chairs.

Well, sila ang mga bruha kong friends at wala man lang silang ka-concern-concern sa akin! Sila na talaga mga friends ko! Hay naku, ganun naman talaga ang mga ito. Nasanay na ako. Alam ko naman kasi na nagjo-joke lang sila. Naiiyak na ako!

Wait...

Kanina pa ako ngumangawa rito!

“Ano namang nangyari sayo madam?” tanong ni Mikki.

I Want To Blame You BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon