Author’s Note:
Haha, natawa ako sa sarili ko. Nagdadalawang-isip kasi ako kung maglalagay ako ng read abouts dito. Wala kasi akong maisip eh. Pero mayroon na akong naisip. Hahaha.
Ano lang, sana sa simula ko pa ito ginawa pero sabi nga nila habang may buhay, hindi pa huli ang lahat so I dedicate this story to my favorite authors— John Green, Bob Ong, JK Rowling, Rick Riordan, Sonia Francesca, Sofia, Gypsy Esguerra and HaveYouSeenThisGirl. Kayo talaga ang nagtulak sa akin para magsulat ng mga kapraningan na tulad nito at kayo rin ang dahilan kung paano ko natagpuan ang bagay na talagang makapagpapasaya sa akin. And that’s writing... (Hahaha... Feeling close ako sa kanila no?)
Well, here’s the continuation and I twisted scenes here. I just learned I’m going beyond what I originally planned. Pero ano bang magagawa ko, time also dictates your destiny in God’s Grace. Hindi man ako perfect at kassinggaling ng isang professional writer, thank you so much pa rin Lord for the talent. Na-enjoy ko po talaga siya. I love you BRO! Mwah!
CHAPTER 14
Rooftop
Megan’s Point of View
Hinagilap agad ng mata ko si Nate nang makababa na kami mula sa bleachers. Nawala kasi siya sa paningin ko dahil siksikan na ang mga tao na bumaba rin from the bleachers.
Natapos na rin ang practice nina Nate. At dahil sa mga nasaksihan ko kanina sa practice lalo tuloy siyang naging gwapo sa paningin ko. Ang galing-galing kasi niya maglaro. Lalo tuloy akong nai-in-love sa kanya.
Napangiti ako nang maalala ko ang nagyari kanina. I’m very confident na nagugustuhan na niya ako. Obvious kasi na binabakuran niya ako kanina kay Ben. I feel like floating in the Quinton cloud! Kaya kailangan kong i-pursue ang kagustuhan kong makasabay sa pagla-lunch ang baby boy ko!
“Megan, tara na.”
Nilingon ko sina Thyress, Mikki at Rosalinda na ready nang umuwi. “Hay, hindi nga makakasama sa inyo. Sabay kami ngayon na magla-lunch ni Nate.”
“Tange, what we mean is puntahan na natin si Nate sa quarter nila bago pa nila makain yung free lunch nila,” paliwanag sa akin ni Mikki.
Agad na nagningning ang mga mata ko. “Wow! Gusto ko yan friend! Ang galing galing mo talaga!”
Hindi na kami nag-atubili pa at humarurot na kami patungo sa piling ng mahal ko. Ngunit nagsalubong agad ang kilay ko nang makita ko si Nate at kausap niya ang isa sa mga taong dapat kong tirisin, iflying-kick, taekwondo-hin, at ipalapa sa mga dinosaurs! Grrrr... Bakit ba umieksena tong bruhildang Anriane na ito! Medyo malayo pa kami sa kinaroroonan nila kaya di nila kami napansin.
“Ano’ng problema Meg?” nagtatakang tanong ni Thyress. Huminto muna kasi kami.
BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...