Chapter 15 - Checkmate!
Megan’s Point of View
Pinagsawa ko na lang ang mga mata ko sa view sa labas ng bintana. Nakaupo ako sa color pink na parang pang royalty na chair ko at ali na aliw ako sa tubig ulan na pumipisik sa window glass ng kwarto ko. Gabi na pero kitang-kita ko ang pagdaloy ng tubig doon dahil sa maliwanag na streetlights sa labas.
Ay sandali, hindi na pala gabi. It’s already 3:25 in the morning.
Kanina, feel na feel ko nang matulog pero bigla na lang nawala ang antok ko at nang maalala ko ulit si Nate at yung mga nangyari kanina, I mean kahapon, heto at tirik na tirik pa rin ang mata ko.
Kung anu-ano na lang ang ginawa ko. Nag tumbling, nag-modelling, nag-selfie, nag-gymnastics, kumain, nag-whoops kiri whoops, nag-tae bo, nag-sumba, nag-movie marathon, hanggang sa sumuko na ang katawan ko at ang nagyari, natulala na lang ang beauty ko sa harap ng bintana. Ayaw pa rin akong dalawin ng antok.
Okay I’ll try to sleep. I really have to, you know? Kasi kapag hindi, naku, daig ko pa ang mood swings ng isang nireregla. Next week pa ang “red days” ko and of course ayokong mag-advance on action itong mood swings ko. Ang tanging gagawin ko lang ay ang mag-concentrate ng todo todo.
So, I ambled towards my fluffy bed and snuggled to my huge and soft pillows and then I covered myself with my fragrant and smooth blanket. Ipinikit ko na ang mga mata ko.
Concentrate…
Concentrate…
Matutulog ka na Megan…
After five minutes…
Sigh…
UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAhhh!!!
Ayaw pa rin makisama nitong mga mata ko!
Kailangan ko na yata ng sleeping pills. Mayroon naman ako niyon eh. Mga tatlong tablets siguro yung nandoon sa closet ko pero hindi ko pa nasusubukang inumin yon ni minsan. Siguro, this time kailangan ko na talaga. Binili ko lang naman iyon nung isang araw kasi napapansin kong this past few days, late na akong nakkatulog hindi dahil sa mga school requirements kundi dahil sa kakaisip kay Nate. Lalo pa ngayon na binuhayan niya ako ng pag-asa.
Okay, tama na! Hindi ko na siya iisipin as of now. Ang dapat kong isipin ay kung papaano ako makakatulog. Marami akong gagawin bukas kasi may try out na for Intramural meet. Magta-try out pa ako ng chess. Alam n’yo kahit hindi halata, magaling akong mag-chess kaya matutulog na talaga ako.
BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Novela JuvenilNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...