Chapter 9
No Choice
"What do you really want from me?"
Omg... Seryoso siya sa sinabi niyang iyon? I'm sure namimilog na yung mata ko dahil sa pagkagulat. Ewan ko ba kung bakit di ko ma-achieve-achieve tong plano kong landiin siya. Paano ko ba magagawa yun eh sa tuwing nandyan siya, natatameme na ako. At kung magsasalita lang siya, natatameme ulit ako. Talagang tigok yung confidence na meron ako kapag nadiyan na siya sa. Omg, his presence is totally wrecking my whole system.
"Ha...? teka, ano ba naman yang pinagsasabi mo? Kung makapagsalita ka, kala mo naman sindikato ako na may planong gawin kang chorizo at ibenta sa abroad... haha... Meron bang ganon?" Ewww... I sucked at making jokes talaga. Ang korni... well, yun lang ang tangi kong paraan para ma-divert yung topic namin. Pero gustuhin ko man at sa hindi, wa epek naman yung corny joke ko.
“I’m sorry to ask you about this. It’s not that I am accusing you for something eerie but I just can’t help but be puzzled. Simula noong nangyari noon sa library, palagi na kasi kitang nakikita. Isa pa, hindi rin sa masyado akong assuming pero... parang... ano,”
“Ano?” Ngee? Paano niya naisip ang mga ganoon. Inaamin kong sinusundan ko siya palagi sa abot ng makakaya ko. Pero ganoon ba talaga ako ka-obvious? I reviewed everything I did but I really am sure that I’m on the right track not to get noticed by him. Pero ano itong sinasabi niya? Buking na pala ako.
Nag-iwas siya ng tingin. At sandali lang ha? Totoo ba ito? As in, he’s actually blushing! Ano ba ang nagawa ko?! Naku, pigilan niyo ko! Baka kainin ko ito ng buhay itong kumag na ito! Bakit ba ang kyut-kyut niya!!!
“I know you don’t like me and-and... I don’t like you too, okay? So please stop following me... P-please...” he stuttered.
HUWHAAAAT?
Grabe lang ha? Kung nalaglag ang panga ako sa kagwapuhan niya, ngayon naman parang buong ulo ko na ang nalaglag sa sobrang pagkamangha. Gusto ko ring sabunutan ang hair ko dahil kahit dapat na magalit ako sa kanya to the super mega ultra high level dahil nga nakakainsulto yung sinabi niya, eh, parang na amuse pa nga yata ako. Pero nang dahil din sa sinabi niya, may kalokohan akong naisip para sa kanya. He gave me no other choice but to really do my plan.
I stood up with my face grim. Napaatras siya ng kaunti, at parang natatakot sa akin. Dapat ka lang na matakot sa akin dahil mapapasa akin ka na ngayon! Bwahahahaha! De joke lang. Ganito lang naman ang parusang ibibigay ko sa kanya...
Hinila ko ng kwelyo niya at inilapit ang mukha ko sa gwapong mukha niya with my eyes blazing with too much mischief. Narinig ko na napasinghap at nagulat na ang mga ibang customers ng University Cafeteria dahil sa ginawa naming eksena pero wala akong pake sa kanila!
“You don’t like me? I don’t like you? Ngayon hindi na ako mahihiyang sabihin ito kasi ikaw na rin ang nagsimula. Do you really wanna know why I keep on following you? Gwapo ka at sa tingin ko bagay tayo and to top it all... I like you so much despite of the fact that you’re out from the bunch of my type of guy. Weirdo ka but you puzzled me way too much. So you are really lucky. And I’m gonna change that view you had instilled in your mind...Aakitin kita and I’m sure that in record time, you will like me Nathan Ash Mateo.”
Napasinghap ulit ang mga echoserang audience with matching bulung-bulungan na din.
“Oh really?” kalmadong tugon niya na siyang ikinainis ko and his eyes went as he meets my gaze.
Napalunok ako ng hindi oras... Sa totoo lang nagtatapang-tapangan na lang ako ngayon. It was as if that his piercing brown eyes are slowly sipping my soul... Para akong na-mesmerize churva talaga eh... Nakakainis lang din siya kasi parang wala lang sa kanya yung mga sinasabi ko. Masasakal ko talaga ito ng hindi oras tong ungas na ito eh... Grrrrrr!

BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...