Chapter 13 - Pringles

116 10 5
                                    

SerialKillerAuthor’s Note:

            Hayan, medyo nalilito pa po talaga ang utak ko ngayon. Hahaha. Promise, di na talaga ako magbabasa ng books na naka-third person basis kung nagsusulat ako gamit ang first person kaya pasensya kung may mga narration kayong napuna na naka third person. Sana ipagbigay alam n’yo sa akin at nang ma-edit ko agad. Hahaha...

            Sigh...

            Pasensya kung medyo matagal ang update. Balik class na naman kasi at medyo maraming major subjects. Isa pa ay medyo tinamad... wait, hindi lang medyo. Sabihin na lang nating tinamad talaga ako. Period.

            Gusto ko rin pong magpasalamat nina, Kawaii_me_gal, Aj Romualdo at kay ate Aishunga_lang...    na walang sawang sumusuporta sa mga kagaguhan ko rito. Hahaha. Sila po talaga yung mga avid readers ko na kahit hindi pa ako nagpopromote sa message board ko at pini-pm na updated na yung story ko eeh mas nauna pa nilang mabasa yung latest update. Thank you so much guys! Hindi nyo alam kung gaano ako ninyo pinasaya. I’m so excited sa mga comments n’yo kung alam n’yo lang hahahaha! To Anriane... may sinabi si Ross sa akin tungkol sa iyo.

            Guys! I love you all! Muah... xoxo

NP: Autumn Leaves by Ed Sheeran

 

CHAPTER THIRTEEN

“Pringles”

Megan’s Point of View

 

“If you are doing this to succeed on your plans against me, I won’t let you win.”

Napalingon ako matapos marinig yung mga sinabi ni Nate. Tulak tulak niya yung cart na may laman ng mga pinamili namin and I couldn’t help but adore his scowling face. Kanina pa siya mukhang nagtitimpi kasi tutol siya sa pagsama sa akin at siguro di na ito nakatiis na bumwelo.  Ang cute cute lang talaga niyang tingnan kasi para itong batang nagmamaktol na hindi binilhan ng gusto nito. Haaay... my baby Nate sarap mong yakap-yakapin. I’m quite insulted with what he just said, but I know it was just a heap of his tactics to shoo me away. Walang epekto yun sa akin. Bwahahaha! And since inaaway niya ako ngayon, gagantihan ko muna siya.

Iniligay ko yung dalawang Pringles sa cart at dahan-dahang nilapitan siya. I stared at him intently na para bang may masama akong binabalak sa kanya at nginitian ko siya ng nakakaloko. And I want to burst out laughing kasi namutla siya bigla at napaatras hanggang sa mabangga na ang likod niya sa kabilang divider na pinaglagyan ng mga paninda. Napalunok tuloy siya kasi talagang wala na siyang kawala sa akin. Oh, my poor Nate.

I traced the collar of his shirt and teasingly beamed. Nagsalubong ang aming mga mata at pakiramdam ko ngayon, ako na naman pinanghinaan. Parang hinihigop nito ang kaluluwa ko at feeling ko isa akong diwata na binihag ng isang gwapo, hot at sexy at vicious na dark lord. Lalo pang nagwala ang sistema ko nang manuot yung bango ng men’s perfume na gamit niya. Shit! Bakit ba ganito itong epekto sa akin ni Nate? Pero paninindigan ko itong paglalandi ko sa kanya. Pwes, kung hinanahamon niya ako, sasakyan ko rin yung hamon niya. Errrr! Ang landi ko!

“I’m so sorry but I won’t also let you win. Lalo pa sa ginawa mo sa lips ko.” Paalala ko sa kissing scene namin sa labas ng coffee shop noon. Kung hindi siya interesado sa akin, he won’t kiss me back right? “Remember what you did? You just gave me a hint that you also want me kaya di kita basta basta pakakawalan.” Gusto ko koronahan ang sarili ko kasi lumi-level-up na talaga ang kalandian ko! Ngayon ko lang talaga na-discover itong talent na ito promise.

I Want To Blame You BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon