Chapter 11 – Ate Cassidy
Nate’s Point of View
“Oy! Magbigay pugay kay pareng Nate!” Sigaw ni Dennis pagkapasok ko sa apartment ni Ross. Nagsihiyawan naman ang lahat. Tsss. Ano bang problema ng mga ito?
Inignora ko na lang sila. Ibinagsak ko ang bag ko sa maliit naming sofa at dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
Nandito ako ngayon kasi sabi nila mag-group study kami pero wala na ako sa mood para gawin iyon.
Sa totoo lang kanina pa ako hindi mapakali. Naihilamos ko ang kamay ko sa buong mukha ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko makakalimutan yung mga nangyari kanina. Parang sirang DVD na yung utak ko kasi palagi na lang kasi yung nagre-replay sa utak ko...
At ang ikinagugulo ko ay kung bakit parang may naramdaman akong hindi pamilyar nang... nang.. h-halikan niya ako. Shit! I feel like something has burst inside me at pakiramdam ko nasira na yung circulatory system and nervous system ko. Para akong lalagnatin na ewan at nakakabingi din itong pagkabog sa dibdib ko, What was that?
Argh! Kainis...
“Hey, bro?’
*Cough-Cough*
Shit natuka na lang ako ng hindi oras. Bwisit! Parang napunta lahat sa ilong ko yung lahat ngininom ko. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ross at parang tanga na nngumingiti-ngiti.
“Bwahaah! Okay ka lang?”
I just gave him a short glare and I immediately took away my eyes from him . Ayoko kasi na mahalata nila ang uneasyness ko. Sigurado kasi na magtatanong ito ng kung anu-ano.
Maya –maya pa ay pumasok ang dalawa ko pang kaibigan sa kusina at mukhang dapat nga yata akong mahiya o mainis o di akya ay magalit sa sumunod na nangyari... Damn!
Ang mga ungas, hindi ko inasahang alam pala nila ang nangyari sa akin kanina. At heto Ni-role play pa ng mga hinayupak. Talagang inaasar ako
“Nate... Flowers for you...” Si Dennis habang pinapababae pa ang boses.
“Pa-kiss nga!” nag-aasar na sabi naman ni Gaven.
Argh! Sumasakit ang ulo ko sa kanila. “UTANG NA LOOB! TIGILAN NYO KO! At paano n’yo naman nalaman yun ha?”
“Galing kaming tatlo kanina sa grocery stor sakay ng motorsiklo at nadaanan ka namin. Buti na lang nakita ka namin. Hahahahah!”
“Bwahaha! Kainggit ka bro buti ka pa may chicks ka na. Ayaw mo nun?”
BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...