Chapter 8.2
Megan's Flirting (Part Two)
Megan’s POV
“Ano, sasabay ka sa akin?” confident kong tanong sa kanya.
Shit... Nakakatense naman...
“Sige, medyo nagugutom na rin kasi ako eh. Tara sa University Café tayo.”
OMG! Pumayag siya! Sabi ko na nga ba eh. Hindi niya mareresist ng basta basta na lang yung offer ko. Sa ganda kong ito, NO WAY!
“Sige...” demure-demure-an kong sabi.
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na lang ako. Medyo nakakailang nga eh pero kinapalan ko na lang ang mukha ko. Since nasimulan ko na ito, paninindigan ko na lang. Pwes, ngayon ko na sisimulang akitin si Nate.
“Nate, anong year ka na pala?” Ako na ang nag-open ng topic. Masyado na kasing nakakailang eh. Kahit na sabay kami ngayon, hindi naman kasi niya ako kinikibo so kailangan kong umariba.
“Third year.”
Ang tipid. Naghintay ako ng ilang seconds para tanungin din niya ako pero waley... Kaya gagawa ulit ako ng tanong. Hehehe.
“Ah... Buti ka pa. Isang taon na lang ga-graduate ka na. At kapag ga-graduate ka, wag ka muna mag-asawa. Magtrabaho ka muna. Kailangan mo munang suklian yung pinaghirapan ng Mama at Papa sa pagpapaaral nila sa iyo ha?”
He chuckled... Wait tumawa siya! Success!
“Ba’t mo naman naisip iyan? Marami pa akong dapat gawin at wala pa sa mga plano ko ang mag-asawa. At hindi pa ako ga-graduate next year. Five years kasi ang course ko.”
Namangha ako sa sinabi niya at lihim na nagdiwang ang puso ko! Mahaba pa ang panahon kaya tiyak na maagaw ko siya kay Cassidy. Bwahahaha! “Ganoon ba! Buti naman at may two years ka pa dito...” Hala ano yung sinabi ko? Taklesa talaga ako kahit kailan. Tiningnan ko siya kung ano reaction niya pero waley lang siya. He’s looking straight to our way as if he heard nothing.
“Ikaw, ano’ng year ka na?”
“Ha?” Tinanong niya ako...
“Sabi ko, ano’ng year ka na? Bingi ka ba?”
Aray... Napaka-antipatiko talaga nito. “Hindi naman... Ano, second year college na ako. So sabay tayong ga-graduate. Four years lang kasi itong course ko eh.” My gush... sana ipagpatuloy naman ang pag-iinterview sa akin.
“Ano nga ulit yung course mo?” LORD thanks for hearing my prayers!
Yumuko muna ako para di niya mapansin ang pamumula ng pisngi ko. Ganito kasi ako pag-kinikilig na.
“Digital Film Making,”
“Well, that’s good.”
Nang makarating kami sa café, pumasok na kami agad doon. At in-expect ko na rin yung reaksyon ng mga tao na nandoon. Pero kung akala niyo na masama ang tingin sa akin ng mga girls, aba’y hindi. It was the other way around. Yung mga boys ang masama ang tingin kay Nate... Alam nyo na siguro.
Isa pa nandoon din ang mga bruhilda kong friends. Napanganga silang tatlo at napapailing. Hahaha! Ang haba lang ng hair ko! I’m sure manghang-mangha sila sa talent ko! Imagine, crush ko, kasama ko mag-snack? Ano’ng say niyo ngayon?
Sinundan ko lang si Nate at nagtungo kami doon counter. Pumila kaming dalawa doon para pumili ng food. Alam kong hindi na ako kkibuin ng mokong na ito kaya ako na lang ang pumli ng para sa akin.

BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...