Hi guys, natuwa talaga ako sa binasa kong manga... Hehehe Ito na yung bagong chap... Sana magustuhan niyo.. I'm actually happy hehehe...
COMMENT NAMAN KAYo oh. konting type lang iyan...
VOTE din po kayo ha? Konting click lang iyan hehehe...
Thanks
Enjoy reading!
Dedicated to GoddessOfReds
--- SerialKillerAuthor
-------------------------------------------------
NATE'S Point of View
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong mabigat na bagay sa kaliwang balikat ko...
I yawned and rubbed my eyes pagkatapos ay nag-inat ako ng braso...
Pero...
... Bloink ...
Something landed on my lap at natamaan pa si ... You know bantay hehehe...
Pagkatingin ko, kulang na lang ay malaglag din yung panga ko sa pagkagulat...
What the heck is she doing in here?
I put the chemistry book beside me for a while and nudged her. Pero di pa rin siya nagigising. Napasarap yata ang tulog kasi hanggang ngayon, nakanganga pa rin. Inulit ko pa rin yung pagpoke sa kanya pero... Umungol lang at ginawa pang kumot yung kandungan ko...
Tsssss...
Naiinis ako... At mas lalong naiinis ako sa sarili ko.
Alam nyo na siguro kung bakit... Pasensya na, lalaki lang po eh.
I nudged him again pero hindi pa rin siya natinag. Hala, buhay pa ba kaya ito?
"Hey, gising nah... Huy..."
"Hmmmm...??" naku umungol lang. Daig pa mantika ng baboy nito kung matulog.
Dinutdot ko na lang ilong niya tas pisngi niya pero walang reaction pa rin... Nakakain yata ito ng sleeping pills... Napakamot na lang ako sa ulo nang pag-check ko ng watch ko, fifteen minutes to go na lang, magsisimula na yung next class ko. Hindi naman siguro pwedeng iwan ko siya dito. Lalo pa at medyo madilim na yung kalangitan. Mukhang uulan yata eh.
"M-megan gising na," Pft! Bakit ba naiilang akong banggitin yung pangalan niya. Hahay.
Naku talagang ma-lelate na ako nito. Kaya di na ako naghesitate at binuhat ko na lang siya.
Ang tanong ngayon. Saan ko ito ilalagay? Sa basurahan kaya? Huhuhu... Galit pa rin ako sa babaeng ito kung alam lang nito. Paano din pala ito napunta doon sa tabi ko. Siguro may binabalak na naman itong masama sa akin.
Naglakad na lang ako patungo sa main pathway. Mabuti na lang at walang tao ang dumadaan ngayon. Class hours pa kasi eh. At medyo madalang lang din talaga ang mga dumadaan don.
Dadalhin ko na lang siya sa chemistry lab sandali para pag-eksperimentuhan. Wahahaha! Joke lang. Dun ko muna siya iiwan habang nasa class ako. Huminto muna ako sandali para iayos ko yung pagkakabuhat sa kanya. At dahil doon, di ko sinadyang mapagmasdan yung mukha niya...
Well, ayoko nang i-describe yung mukha niya. She's beautiful, alright. Pero masyadong maarte. Nakakainis lang.
Pero dahil naging malikot yung pag-aadjust ko sa pagbuhat sa kanya, sa wakas ay nagising rin siya.

BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...