Prologue
More or less six years ago, may nakilala ako...Unang kita ko pa lang sa kanya, alam kong magkakagusto ako sa kanya.
Nang makita ko siya sa ikalawang pagkakataon, nasabi ko na titindi pa yung attraction ko para sa kanya.
Third moment nang makita ko siya, di ko ma-gets pero talagang nagselos ako nang makita kong may kasama siyang babae. Yun pala, it was just her sister na eventually ay naging kaibigan ko. LOL.
Dumating din sa punto na inalam ko ang lahat ng bagay tungkol sa kanya. From his birthday to his favorite color. From his name's meaning hanggang sa brand ng briefs niya. Hehehehe...
Pero nang ma-realize ko lahat ng mga pinaggagawa ko, bigla akong kinabahan. Kasi mula noon, ayoko nang mawala siya sa paningin ko. Sunod ako ng sunod sa kanya. Lagi akong naggigil sa kanya at hindi ko mapigilan ang sarili kong magpacute ng bonggang-bongga! Hahaha. Pero ang masaklap doon, nababadtrip lang ako kasi hindi ko ma-execute ng mabuti yung mga ginintuan kong mga plano. Kasi kapag andiyan na siya, natatameme naman ang lipgloss ko. Nawawala yung confidence ko eh. Ewan ko ba, sa tuwing wala pa siya, feeling ko kering keri kong gawin lahat ang mga plano kong magpapansin pero ang ending, bilasang isda yung beauty ko.
He's not my type of guy.
Masyado siyang snob loner at weirdo raw sabi nga nila.
Pero talagang nakuha niya ang atensyon ko at mukhang ang hirap na niyang tanggalin sa isip ko.
Maraming nandidiscourage sa akin against him pero wala akong pakialam.
Even my friends were against him. Pero Pinapalagpas ko lang sa tenga ko yung maga objections nila. I really don't give a damn about other's opinion. Ang sa akin, gusto ko siya.
Alam n'yo ba yung feeling na parang may pipisil sa puso mo tapos parang may magba-vibrate tapos kakabahan ka at parang may tila kikiliti sa spine mo na parang kuryente saka ka mahihirapang huminga at manghihina?
Oa man siyang pakinggan. Naramdaman ko iyon sa kanya.
Pero sa kanya rin pala ako mabibigo nang sobra. Sa kanya ko pa mararamdaman ang sakit na hindi ko inakalang mararamdaman ko sa buhay ko.
Kung gaano ako kasaya nang matagpuan ko siya, doble pa ang sakit na naramdaman ko dahil sa ginawa niya. Napahiya lang ako at awang awa ako sa sarili ko noon.
Napilitan akong lumisan dahil feeling ko, wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanilang lahat.
Pero hindi pa nagtatapos ang lahat.
Babalikan ko siya.
Talaga lang no!
At wag siyang feelingero! Hindi ko siya babalikan para magpa-cute ulit sa kanya.
Babalik ako dahil gusto kong maramdaman din niya yung sakit na idinulot niya sa akin!
Humanda siya!
-- Megan Villena
ChinkyGeekGuy's Note.
Okay, I changed my Username from SerialKillerAuthor into ChinkyGeekGuy...
Pero ang masaklap dahil nasa kasagsagan ako ng pag-i-edit. Aksidenteng na-click ko yung delete sa prologue part... GRRRRR..
Gustuhin ko mang ibalibag ang PC ko, wala na akong magawa. nangyari na eh, hahay sayang yung comments.. votes and reads ko doon...
Kaya supportahan nyo ulit ito ha? Thank you
Mwahhh...
*Video for this story (trailer) is on the external link. Just click it.
BINABASA MO ANG
I Want To Blame You Boy
Teen FictionNate Mateo is popular in their school. Not that he was the campus hearthrob but because he's a highly merited student. Gwapo nga siya kaso may pagka-weirdo nga raw kasi snob, loner at parati na lang nakatuon ang attention sa kung anu ano'ng aklat. A...