Chapter 10 - Flowers Na Red at Blue Na Ribbon

104 6 6
                                    

Megan’s Point of View

 

Para kaming mga sira ulo dito ngayon sa library. Wala kaming project o assignment pero heto kami, nagbabasa ng mga kung anu-anong aklat at kunwa’y gumagawa ng reaksyon paper.

“Megan, ano ba talaga ang nangyayari ha?” pabulong na tanong sa akin ni Mikki. Pati rin sina Thyress at Rosa, naguguluhan din sa mga nangyayari. Kanina pa din sila atat na pag-usapan yung tungkol sa ginawa ko kahapon ni Nate pero ayaw ko muna magsalita tungkol doon. Kasama ko kasi si Kuya Biboy ngayon at kinakausap pa niya ngayon si Madam Librarian. Ewan ko lang kung ano ba ang pinag-uusapan nila at ewan ko din kung bakit atat si kuya na makausap si Madam Librarian. Saka ko na iku-kwento kapag nakalayas na itong kuya ko.

“Megan, ano itong mga reaksyon paper? Bakit tayo gagawa nito? Pinaglololoko mo lang yata kami eh,” tanong naman ni Rosa.

“Basta, magsulat ka lang diyan ng kung anu-ano regarding diyan sa binabasa mo, okay? Please lang para sa kaligtasan ito ng ating bayan. Saka ko na lang i-eexplain ha?” Binasa ko na lang yung napulot kong aklat. It was about paranormal activites. Ano ba naman ito...

“Hay, tinanong niyo pa iyan? Eh may sayad iyan. Siguro may kinalaman ang kuya mo dito noh?”

Hay, buti matalino itong si Thyress. May kakampi rin ako. Ang engot naman kasi nung dalawa eh. “Correct,” sabi ko. “Alam niyo na bantay sarado ako ngayon ni Kuya kasi wala sina mom at dad.”

“Eh, bakit ganoon? Kailangan pa natin gumawa ng mga walang kwentang bagay katulad nito? Pati ba naman dito minamanmanan ka niya?” si Rosa.

“Hindi ngayon lang ito. May ibibigay kasi siyang gift eh. Tapos may mahalagang bagay lang silang pag-uuspan. May hihingin sana akong pabor sa inyo girls kaso hindi ko inexpect na pupunta rin dito sa lib si Kuya kaya nag-alibi na lang ako kanina na gagawa tayo ng project. At alam niyo naman yung nangyari kahapon diba?”

“Oo kaya mag-explain ka na. Wag mo na kaming binibitin. Talagang masasakal ka na namin bruha ka.” Reklamo ni Mikki. Hahaha.

Sige na nga, sasabihin ko na lang. "Ganito kasi iyan. Di ko na napigilan mag-confess kay Nate. At dahil nakapag-confess na rin ako, nilubos ko na. I courted hi—“

Napasinghap sila. Hindi pala nila inexpect yun.

“Okay ka lang?”

Napalunok ako. “Hindi ako okay, kasi binasted niya ako. Pero I think nagpapakipot lang siya so manliligaw ulit ako. At kaya ko kayo pinapunta rito to help me with Nate. “ Pinagsalikop ko ang kamay ko sabay ngiti habang ini-imagine ko muli ang mala-anghel na mukha ni Nate. Kinikilig ulit ako! OMG... Pero teka lang... Nakanganga pa rin silang tatlo eh. “Hey, what?” sita ko sa kanila.”

Lumunok muna si Mikki saka siya nagsalita. “Did you just say, binasted ka ni Nate?”

I gritted my teeth. “Oo at huwag nyo na ipamukha sa akin please, utang na loob. Pero, naiintindihan ko naman siya. I know na-shock lang siya sa ginawa ko.”

“Hanep ka Meg. Ikaw na...”

“Yeah right!” sang-ayon ko sa kanila. “I’m rightfully perfect for Nate. At wala nang makakapigil sa akin.”

Tumigil muna kami sa pagchi-chikahan ng lumabas na si Kuya sa office ni Madam Librarian. “Sige po ma’am salamat. Tatawag na lang po ako sa inyo.” Sabi ni Kuya kay maam pero nakakapagtaka lang. Prang wala ito sa mood eh. Kilala ko itong bro ko. Nahahalata ko agad kung may mali dito. He actually looked disappointed.

“Ang gwapo ng Kuya mo noh? Hay...” bulalas ni Rosa.

Napatingin ako kay Rosa. “Oo naman. Hanggang ngayon ba naman crush mo pa rin si Kuya?”

I Want To Blame You BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon