Chapter 12 - Argh... That Girl

96 10 4
                                    

Now Playing on the Multimedia: Gives You Hell by All American Rejects

 

CHAPTER TWELVE

“Argh... That Girl”

Megan’s Point of View

 

“Close ba kayo ng kapatid ko?”

Nagitla tuloy ako sa tanong ni Ate Cassidy. Yes, Ate na tawag ko sa kanya. Yun kasi ang gusto niya eh. Nakakaloka! Feel na feel ko na talaga na malapit ko na din siyang tawagin na sister-in-law!

“Ahhh...” Bakit ba nagba-buffering itong utak ko. Leshe! Gumana ka! Close kami o hindi? Hindi kami close o close? Ano ba talaga? Gatas na choco o choco na gatas? Uwaaaah! Masisiraan na ako ng bait! Okay... Close na nga lang kami since nililigawan ko naman siya.

“Megan?”

Ay oo nga pala. Nagaantay pala siya ng sagot ko. “Ahm, yes medyo close nga kami.” Actually sangkaterbang hiya na talaga ang naramdaman ko. Napaka-assuming ko talaga.

“Talaga!” magiliw niyang sabi. “Hay, alam mo bang napakatahimik niyang si Nate. Suplado nga din kung minsan at namimili pa ng mga kaibigan. Ewan ko ba sa kanya. Actually isa lang ang alam kong kaibigan niya na babae pero matagal na yun. Childhood friend niya sa probinsya. Pagtuntong kasi ni Nate ng second year high school lumipat na kami dito sa Maynila kaya ayun nawalan na sila ng communication. Hay, buti na nga lang andyan ka. Natutuwa talaga ako at may kinakaibigan na siya ngayong babae. Sana din magka-girlfriend na din siya. At mas okay kung made-develop na siya sa iyo. Sa pagkakaalam ko kasi di pa yon nagka-girlfriend ni minsan.” Kwento niya habang nagmamaneho.

Nawindang talaga ako sa sinabi niya. Ma-develop daw! Magdilang-anghel ka sana ateng!

I know why you are wondering kung bakit ako nasa loob ng kotse niya. Tae lang kasi nitong Kuya Biboy ko, may imortante na naman daw na lakad. Magko-commute na sana ako pero inalok ako ni Ate na ihatid pauwi. She’s so thoughtful talaga.

Napag-isip isip ako dun sa sinabi niya. Ow? Really? Wala pa siyang naging girlfriend?

I smiled sardonically in my head. Feeling ko winner na winner ang kagandahan ko kasi ako ang magiging una at forever na niyang girlfiend panigurado. Pero nginatngat naman ako ng selos dun sa childhood friend na yun. Pero, matagal naman na iyon. I’m sure wala nang pakialam ngayon si Nate sa bruhang iyon.

“Ate, sa tingin mo ano kaya ang type ni Nate sa isang girl?” Waaah! Bahala na. Nasabi ko na. Hindi ko lang kasi mapigilan na itanong yun eh.

“Hay, ewan ko ba sa lalaking yon. Wala naman siyang nabanggit sa akin. Alam mo na, puro aral lang ang inaatupag n’on. Siguro kung may babae lang na mukhang Domo baka ma-type-an niya yun. Hahaha!”

Babae na mukhang domo? Seriously? “Ehh...”

“No Megan, don’t take it seriously. Collector kasi siya ng Domo at Naruto accessories gaya ng shoes, wallet, key chains at kung anu-ano pa while I’m also collecting Hello Kitty.”

I Want To Blame You BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon