Chapter 3

86 2 2
                                    

Flashback:

. “Nica? Ahh… well nice to meet you” ah okay ito pala si Rain, ang gwapo pala niya pag close up pero mas mahalagang makuha ko yung kailangan nila Kylee at Hanah.

“Ano pwede bang magpapicture tsaka autograph. Natawa siyang bigla “Sige, sige…” natatawa tawa talaga siya ng konti.

Ano bang meron sa lalaking ito, pero ang gwapo niya, sobra. Well after ng kailangan ko umalis na ako pero hinug niya ako bago umalis, wow nakakakilig naman to. Haishh… get back to your senses Nica artista yan ginagawa niya sa lahat, kahit nga dun sa ibang nabunot hinug rin niya so no big deal to para sa kanya.

Pag-alis ko sinalubong ako nila Kylee at Hanah tapos hinug nila ako. Uhhh… sweet. Pero hindi ko matatanggi ang haba ng araw na ito.

Chapter 3:

Grabe, hindi ko maalis yung mukha ni Rain sa isip ko, sobrang gwapo niya pero hindi naman ganun cacrush katulad nila Kylee at Hanah pero parang nakita ko na siya dati. Ay… siguro nakita ko lang siya sa mga advertisements niya, syempre sikat. Bahala na ang agos ng buhay kung saan ako dadalhin, matutulog muna ako dahil sa Monday pasukan ulit.

(Kringggg…)

Haayy… Monday na pala ulit, may pasok na naman. Pakiramdam ko bitin yung weekends para sa pahinga. Magaayos muna ako baka malate pa. Naalala ko na naman si Cain, sana naman hindi na niya ako guluhin dahil promise nakakainis siya, sasabihin ko gwapo siya pero mas gwapo si Rain artista eh pero artistahin rin naman si Cain pero wag na baka mas lalo pang lumaki ang ulo. Okay, tapos na lahat time to go to school.

“Hanah!” Tinawag ko si Hanah pero asaan si Kylee, siguro kasama niya boyfriend niya ngayon, ano pa bang bago.

“Hello Nica, si Kylee nga pala kasama si Julius” sabi na nga ba.

“May bago ba?” Nagtawanan lang kami ni Hanah.

Dumiretso na kami sa classroom tapos iyon, nagdiscuss ang teacher blah blah blah at absent nga pala si Raniel. Napakamasakitin ng nerd na yon, palagi siyang absent pero bahala na siya buhay niya, ayoko ng problemahin ang problema niya.

After Class nagmall kami nila Hanah at Kylee. Buti nga nahagilap pa naming si Kylee parang ayaw na ngang maghiwalay nung dalawa, well kalimutan na natin iyan masyadong cheesy. Naglalakad-lakad kami sa mall ng bigla naming makita si Rain na nagauautograph.

“Hala, bakit di ko alam to?” oo nga no bakit hindi to alam ni Hanah?

“Well alam ko iyan kasi nagsusurf ako ng net na hindi naman ginagawa ni Hanah, kaya ko nga nireccomend na dito tayo magpunta.”

Wew nireccomend eh parang ayaw mo ngang umalis kanina, ang sabihin mo mas importante si Julius para sayo kaysa kay Rain.

Pumila kami para makapagpa-autograph rin pero trust me hindi ko to gusto hinila lang ako nila Kylee. Si Kylee nagpa-autograph sa kanyang autograph notebook tapos si Hanah naman sa notepad niya. Ano naman kaya yung sakin, ano bang meron sa bag ko?

Ahhh… ito lang yung dala kong notebook yung sa Science kay Ma’am Karen, patay. Hayaan mo na pagkanagkatime pupunitin ko na lang. Lumapit na ako tapos binigay ko yung notebook. Medyo natawa siya ng konti pagka-abot ko, bakit kaya? Ang weird talaga ng taong to. Pagkatapos naming magpa-autograph nag ikot-ikot kami tapos umuwi na.

 The next day, nagaayos ako ng gamit ko sa bag pagpunta ko ng classroom. Hiniram ni Raniel yung Science notebook ko kasi absent siya kahapon.

Kawawa naman siya kasi ang hirap kayang humabol sa klase sa Science pero bakit natatawa-tawa siya, huwag mong sabihin nakita niya yung autograph sa likod, aisshhh… nakalimutan kong ibigay kila Hanah.

“Nica, kaninong autograph tong nasa likod? Ang lakas ng loob mo para gamitin ang Science notebook para magpaautograph.” Sabi ni Raniel.

“Kay Rain yan, tapos no choice ako nung time na yun wala akong dala na kahit ano maliban diyan kasi rereviewhin ko sana yan.” Nakakahiya naman.

“Ahh… sige kopyahin ko na ha, salamat” tapos umalis na si Raniel. 

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon