Chapter 6

70 2 0
                                    

Flashback:

After class pinuntahan agad ako ni Cain tapos dumiretso kami sa kotse niya. Siyempre  may driver, bawal pa siyang magdrive.

“Cain, saan tayo pupunta?”

“Secret babe, at huwag ka na ulit magtatanong tungkol sa pupuntahan natin kasi ikikiss talaga kita” Grabe siya ah. Pero aaminin ko nakakakilig yung boses niya pero hindi yung sinabi niya.

“Nandito na tayo Nica”

Chapter 6:

“Wow!” Ang ganda ng lugar, isa siyang garden na napakalaki tapos sa gitna may table na may masasarap na pagkain. Ang ganda talaga, uhh… ang sweet.

“Nagustuhan mo Nica?” sabi ni Cain.

“Cain ano to? Bakit may ganito?”

“Nica, para sayo to kasi mahal kita” o…oh…

“Cain… ano” hala paano ko ba to sasabihin.

“Shhh…”

Ginuide ako ni Cain papunta sa table tapos pinaupo niya ako. May tumutugtog ng Violin habang kumakain. Di ako makatingin sa kanya, sobrang awkward. Habang kumakain ako bigla siyang tumayo tapos nagpunta sa upuan ko. Inooffer niya yung kamay niya. Hala, sasayaw ba? Hindi ako marunong!

“Cain, hindi ako marunong sumayaw.”

“It’s okay Nica, igaguide kita.”

Tapos hinigit niya ako papunta sa kanya. Sumayaw kami, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, namumula, na kinikilig, na naiilang, nahihiya, grabe. Tumingin ako sa langit tapos nakita ko maggagabi na.

“Cain, pwede na ba ako umuwi kasi hindi ako nakapagpaalam kila mama at papa.”

“Sige ihahatid na kita” Nakakahiya talaga!

“Ah… salamat”

Nung malapit na kami sa bahay nagpababa ako agad kasi ayaw kong makita ako nila mama at papa na nakasakay sa sasakyan ng lalaki tapos hindi pa ako nagpaalam.

Pagkababa sa akin ni Cain nagbabye na kami sa isa’t isa tapos pumunta ako ng bahay. Dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Para mawala tong nararamdaman ko ngayon binuksan ko muna yung tv. Ang palabas ay tungkol sa interview ni Rain. Oo nga no, may bago nga pala siyang palabas. Ano nga yun, ah… Good Enough to Remember. Maganda daw yun ah, panonoorin ko nga. Showing na daw next month.

Pagkapanood ko ng tv, gumawa muna ako ng assignment naming sa math. Ang hirap naman nito pero mas mahirap ang personal problems ko. Saan kaya papasok ang math dito? Diba sabi nila training daw yun para makapagsolve tayo ng problems sa buhay, o anong solution? Haayyy…

Humiga ako pagkatapos kong gumawa ng assignment. Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Si Cain tapos hindi pa rin maalis-alis ang mukha ni Rain sa isip ko. Hala, bakit si Rain? Okay, inhale… exhale matutulog na ko.

(Kringgg…)

Okay, umaga na naman. yawwnnn… sarap naman matulog ulit. Nagayos na ako tapos dumiretso na ng school. Pagdating ko nakita ko si Kylee pero wala si Hanah.

“Kylee, asaan si Hanah?”

“Si Hanah, kawawa naman siya nagkadengue”

“What?!” Oh my, si Hanah may dengue, bakit siya pa si milyong milyong tao sa mundo. Hanah, I’m coming.

“Gusto mo after class puntahan natin siya sa ospital?” Siyempre, of course!

“Sige”

After class dumiretso kami kaagad sa ospital para makita si Hanah. Nalulungkot ako para kay Hanah. Paano na ang studies niya, paano na siya? Nung nakarating na kami sa room niya tumakbo kaagad kami papunta sa kanya.

“Hanah! Okay ka lang ba?” Sabi ko sa kanya. Nakita ni Hanah na mukhang alalang-alala yung mukha naming dalawa ni Kylee. Nakakainis naman kasi, kung hindi lang talaga nalaglag yung cellphone ko sa tubig last summer eh di sana madali nila akong macocontact.

Sabi naman ni Hanah okay lang siya. Masyado lang daw talaga kaming OA, well that’s what friends are for. Mahal na mahal namin ang isa’t isa, para na nga kaming magkakapatid. Parang sa Three Musketeers, One for all and all for one. Corny.

Lumabas muna ako saglit para bumili ng inumin tapos may nakabungguan akong lalaki na nakasumbrero. Pagtingin ko si Rain. Ang ganda naman ng pagkakataon o.

“Sorry, Rain” sabi ko sa kanya tapos medyo natawa na naman siya ng konti.

“It’s okay Nica” wait, paano niya nalaman yung pangalan ko?

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Uhmm… nung mall show diba ikaw yun?” Aay… oo nga pala no, hehe.

“Okay ka lang ba?” medyo malungkot yung mukha niya.  Ano kayang problema nito?

“Rain?” Bigla siyang nanahimik.

“Nica, kasi… si Mama na-ospital” hala, grabe!

“Hala kamusta na siya, anong nangyari?”

“Sige sasabihin ko sayo pero mapagkakatiwalaan ba kita na hindi mo sasabihin?”

“Okay”

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon