Chapter 15

61 3 0
                                    

Flashback:

“Magkano ba yan?”

“That’s 25,000 pesos.”

“Ano! Grabe naman yan. Ang nipis nipis tapos sobrang mahal.”

“Do you know the term Branded?”

“Hindi ko yun mababayaran”

“Well then, I’ll just contact your parents”

“Huwag sila! Hindi nila to pwedeng malaman”

“Okay, then be my maid”

“Maid?!”

“Yes, all you have to do is be my maid and follow my commands. Don’t worry, medyo mahirap lang naman ng konte ang trabaho mo kumpara sa manager ko.”

Chapter 15:

“Ilang buwan?”

“5 months, 5000 pesos ang sweldo mo kada buwan.”

“Ohh… pero hindi ako pwedeng umabsent”

“Edi After Class”

Papaano ko ba to matatakasan, ang mahal naman kasi sobra ng vase nayan. Napakayaman naman ng lalaking to.

“Sige na, pero please uuwi na ako”

“Wait! What’s your phone number?”

“Ito oh”

“Okay, bye”

“Wait, Asaan ako?”

“You’ll know when you get outside”

Paglabas ko nakita ko na nasa haprap ko pala ay MRT. Well at least madali lang umuwi. Pero napakagentle man niya, hindi man lamang ako naihatid kahit hanggang labas lang. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang nerd naming classmate na si Raniel at si Rain na isang hot superstar ay iisa. Kamusta na kaya si Cain? Sasabihin ko ba ito sa kanya? Hindi pwede, baka kung ano pa ang magawa niya para sa akin. Tama na sa akin na kasama ko siya.

*The Next Day*

Pagdating ko sa school, hindi ako pinapansin ni Rain. Siguro nakalimutan niya na yun?

Dumiretso ako sa mall after ng klase kasama sila Kylee at Hanah.

Malapit na palang magpasko, ano kaya ang pwedeng iregalo kay Cain? Nakakita ako ng isang snow ball na may isang babae at lalaking magkaholding hands. Ito na lang!

Patago rin akong bumili ng friendship mugs para kila Kylee at Hanah.

Habang naglalakad kami, biglang may tumawag sa cellphone ko.

“Hello”

“Hello, Nica. Is that you?”

“Oo, ako to. Rain?”

“Yep, come to my apartment now. Linisin mo siya kaagad, may dadating akong bisita.”

“Uhh… fine!”

Nakakainis naman tong lalaking to. Sarap suntukin.

“Guys, kailangan ko ng umalis. Hindi na ako makakasabay sa inyo, emergency lang.”

“Samahan ka na namin.”

“Hindi sige wag na, bye”

Patakbo na akong umalis para hindi na ako mainterrogate.

Pagdating ko, wow. Smoky Mountain?

“Faster, darating na sila within one hour, kailangan malinis mo na lahat yan kaagad.”

“Yes, boss…”

Nakakainis talaga! Makakabawi rin ako balang araw.

After one hour natapos rin. Hindi ko alam kung papaano ko siya nagawa pero ang galing luminis siya kahit papaano.

“Okay, sige good bye. Gabi na, ihahatid ka na lang driver ko.”

“Thanks, first mong naging gentleman ah…” Napangisi ako sa sinabi niya.

“Shut up. Umalis ka na, parating na sila.”

“Fine”

Pag-uwi ko ng bahay wala pa sila mama at papa, maya maya pa siguro sila darating. Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog. Nakakapagod talaga ang araw na ito.

*Knock Knock*

“Uhh… sino yan?”

*Knock Knock*

“Anak, gising ka pa ba?”

“Medyo?”

“May kailangan kaming sabihin sayo”

Ano kaya ang sasabihin nila sa akin? Well whatever, bubuksan ko na ang pinto.

“Ano yun mama”

Umupo kaming tatlo sa higaan ko.

“Anak, aalis kami bukas ng papa mo ng maaga. Mag cecelebrate sana kami ng anniversary namin. May maid naman tayo diyan. Tapos buong week kami mawawala ito na ang allowance mo.”

“Sige ma, magpakasaya kayo sa honeymoon niyo”

“Hindi siya honeymoon!” Nagblublush na sinabi ni mama.

“Sige na, matutulog na ako”

“Sige anak goodnight.”

“Goodnight rin po”

Wah... ang sarap matulog. Bakit ganun, parang may masama akong kutob na may mangyayari bukas? Nevermind, matutulog na ako.

Bagong araw na naman ang magsisimula, ano kayang mangyayari ngayon?

"Nica, gising na! Papasok ka pa."

"Sige ate Lin bababa na ako"

"Nica, may iniwan nga palang note ang mama mo"

*Anak nakalimutan kong sabihin, darating nga pala yung anak ng best friend ng dad mo. Nagkaproblema daw kasi siya sa condo na tinutuluyan niya. Pansamantala lang naman, kaya ayusin mo na ngayon yung guestroom natin. Darating siya mamayang hapon o gabi pagkatapos niya sa school. I love you. ~Mom*

Okay, so may makikituloy dito pero I don't care. As long as hindi niya ako guguluhin.

Lumipas na ang buong araw darating na yung anak ng best friend ni dad. Wait, babae ba siya o lalake?

*Ding dong*

Nandyan na siguro siya. Pagbukas ko ng pinto, sure this is unexpected. Sabi na nga ba totoo tong masamang kutob ko.

"Rain?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon