Chapter 8

60 0 0
                                    

Flashback:

The next day, Yippie walang pasok! Nagsurf ako sa net ng kung ano-ano tapos naisip ko na isearch ko kaya yung mga pictures ni Rain. Pagkakita ko ang dami at puro gwapo siya sa lahat ng pictures. May isang picture na nakasalamin siya, medyo naiba ng konti yung mukha niya dito. Okay lang naman ang eye glass sa kanya kaya lang mas bagay sa kanya yung wala.

After kong magtingin ng pictures nagtingin-tingin ako sa fb nang biglang may lumitaw na chatbox.

“Nica, hello” oh my, si Cain!

“Cain, hehe… hello.”

“May ginagawa ka ba?”

“Ano, aalis kami” Lies, lies. Sorry Cain.

“Ah… okay”

“Cain, maglologout muna ako kasi pinapababa na ako.” Another Lie. Great.

“Sige, bye Nica at”

“at?”

“I Love You”

Pagkabasa ko nilogout ko kaagad tapos pinatay yung laptop.

 Ano ba yan Cain?!

Chapter 8:

Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Hala, may lagnat yata ako? Kinuha ko yung thermometer tapos 38 yung temperature ko. Lagot.

Inalagaan ako ni mama ngayong araw na ito pero lumala pa rin yung lagnat ko. Pero at least nung nag-gabi na medyo umokay okay na ako ng konti.

Umabsent muna ako ngayong Monday kasi kailangan ko munang maregain yung energy ko. Nakalimutan ko na yung tungkol sa mga bagay-bagay sa labas ng bahay. Binisita ako ni Kylee at what the?! Cain???

“Hello Nica” sabi ni Cain habang nakatingin sa mga mata ko. Patawa-tawa naman yung Kylee na yan.

“Hello Cain, hello KYLEE” siyempre dapat may emphasis para malaman niyang alam kong may plinaplano siya.

“Hehe… hello Nica. Kamusta ka na?” medyo kinakabahan na siya nung sinasabi niya yun.

“Pwede ba tayong mag-usap mamaya sa kwarto?” Patay ka na Kylee.

“Siyempre naman… Kylee.”

Kumain kaming tatlo sa dining room tapos nararamdaman kong nakatingin si Cain sa akin. Hay… kasalanan mo to Kylee, sayo ko lang sinabi na may sakit ako, bakit alam ni Cain?

After naming kumain, tinulungan nila ako sa paggawa ng assignments. Nasa gitna ako nila Kylee at Cain tapos biglang nagcr si Kylee. Kylee, don’t leave me.

Pag-alis ni Kylee tumingin si Cain ng diretso sa mata ko. Gusto kong lumingon pero parang naging bihag na ako ng mga mata niya. Bakit ba ang gwapo ng taong to?

“Cain, bakit?”

“Nica” Tapos bigla niya akong kiniss sa cheeks. Gosh               !

“Cain!”

“Sorry Nica Sorry, kasi sa tuwing tiningnan kita hindi ko mapigilan ang dumadaloy na pagmamahal ko para sa iyo sa puso ko.”

“Cain, sa tingin ko dapat ka ng umuwi, kasi…”

“Sige Nica, I’m sorry. Hindi ko gusting saktan kita.”

Pag-alis ni Cain bumalik na si Kylee. Tapos nagulat siya nung nalaman niya yung nangyari tapos kilig-kilig itong babaeng to. Kanino ba talaga nangyari yun?

Pagkatapos naming gumawa ng assignment umakyat kami ni Kylee sa kwarto para makapagexplain siya sa akin ng kami lang dalawa.

“Sorry Nica, kasi sinabi ko yung nangyari sayo kay Julius tapos sinabi naman ni Julius kay Cain.”

Ay nga pala, magkaibigan nga pala si Julius at Cain. Kasama rin nila sa grupo si Rico ay Tom.

“Fine, pero anong nangyari kanina sa school?”

“Wala naman, pero big news. Si Rain, pumayag magconcert sa atin sa Culture fest.”

Nung nalaman kong si Rain yung magcoconcert naalala ko yung nangyari sa amin tapos medyo nagblush ako.

“Bakit ka nagblublush? Wag mo sabihing crush mo na rin si Rain? Kaya siguro hindi mo magustuhan si Cain”

“Hindi!” Hindi ko gusto si Rain. Imposible, grabe napakaimposible. Bakit sa lahat pa ng tao eh si Rain pa na hindi ko masyadong kilala.

“Ay… Nica kailangan ko ng umuwi kasi gabi na pala.”

“Sige bye Kylee”

Pag-alis ni Kylee nagsurf muna ako sa net para lang makapaglibang kahit saglit lang. Habang nagtitingin-tingin ako sa news feed ko nakita ko yung picture ni Rain na pinost ng isa kong friend sa fb. Grabe ang daming likes, ganun ba talaga siya kasikat? Siguro itong nararamdaman kong uneasiness ito rin yung nararamdaman ng ibang fans. Ganyan siguro talaga kapag sikat no, kahit na hindi ko sila masyadong gusto, hindi ko pa rin mapigilan yung sarili kong i-idolize siya. After kong mag-surf natulog na ako dahil bukas ay simula na naman ng isang mahabang araw.

Next day, pagpasok ko sa school nagulat ako kasi wala si Cain para mang-istorbo pero wala rin si Kylee. Na-mimiss ko na si Hanah, sana gumaling na siya kaagad. Bisitahin ko kaya siya mamaya? Oo, bibisitahin ko nga siya mamaya.

Pag-pasok ko sa room, wala ring tao. Excuse me, nasaang mundo ba ako? Well I don’t care, pumunta ako sa upuan ko tapos pinatong ko yung bag ko. Lumabas muna ako sa room para hanapin si Kylee. Asaan na ba yung babae na yon?

Habang naglalakad ako may nakita akong maraming petals ng roses. Sinundan ko yung mga petals tapos huminto siya sa pinto ng gym. Pagbukas ko ng pinto nakita ko yung buong section namin tapos nasa gitna si Cain na may hawak na isang bouquet of roses.

“Cain, ano to?”

“Para sayo, gusto ko lang sanang sabihin…” Hala anong gagawin ko? Lumapit siya sa akin tapos hinawakan yung kamay ko.

“Will you be my girlfriend?”

“I’m sorry Cain, hindi ko alam kung ano isasagot ko”

“Please Nica, kahit itry lang natin, tingnan natin kung magworkout. Kung hindi edi let’s break up, kung okay edi ituloy tuloy na natin”

“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko”

“Nica sige na” Sabi ng mga classmates ko.

“Cain…”

“Sige, hindi na kita pipilitin” Bigla siyang nalungkot ng sobra.

“Sige na Cain, pero hindi pa tayo hah… itratry lang natin”

“I love you Nica, sige itratry lang natin, pero alam ko magdidirediretso rin naman to”

Ano ba itong gulong pinasok ko?

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon