Flashback:
“Nica…”
Pinunasan ko ang mga luha niya. Pagkatapos ay umupo kami at nagkwento siya tungkol sa pamilya niya.
“Simula bata pa ako kinokontrol na nila ang buhay ko. Dinidikta nila sa akin lahat ng dapat kong gawin. Simula sa pagkilos, pakikisama, sa school, at lahat ng gusto nila. Kahit kalian hindi ako nagkaroon ng pagkakataon maging ako pero nagbago yun nung nakilala kita. Hindi ko mapigilan ang tunay na ako na lumabas sa tuwing nakikita kita. Ikaw lang, kaya ayaw kong pakawalan kita.”
“Cain, nandito lang ako palagi maliban na lang kung paalisin mo ako.” Natawa kaming dalawa sa sinabi ko. Pagkatapos ay
Inayos na namin an aming sarili at bumalik sa classroom.
Hindi ko alam kung ano ba ang pakiramdam maging isang Cain pero isa lang ang masasabi ko, napakahirap maging siya.
Chapter 14:
Lumipas ang mga araw magpapasko na. December 2 na ngayon, steady pa rin kami ni Cain kaya lang medyo nagaaway ng konti dahil sa iba’t ibang bagay. Hindi naman pinapansin ni Cain si Racquel pero may mga oras na muntik na kaming maghiwalay dahil sa mga kasinungalingan niya.
“Nica!” Speaking of.
“Hello Cain” Ngumiti ako pagkabati ko sa kanya.
Nagusap kami tungkol sa plano namin sa December 20, hindi naman kasi kami makakaalis ng December 24 o 25 kasi family time yun.
“Nica, may naisip na ako.” Pagkasabi niya bigla siya ngumisi.
“Ano?”
“Hindi ko sasabihin. Surprise… haha” What! Kailan pa natuto tong lalaking to magpasurprise surprise.
-Raniel’s Point of View-
Well, magpapasko na pala. Hindi ko namamalayan na ang bilis pala ng oras, wala naman kasing masyadong nangyayari sa buhay ko.
“Bro” Ay naku naman nandito na naman tong si Michael maingay na ito. Pero kahit maingay to siya lang ang tangi kong kaibigan na pinaka pinagkakatiwalan ko.
“Bakit na naman Mike?” Siya nga pala, Mike ang tawag ko sa kanya kasi nakakapagod pag Michael palagi ang itatawag ko sa kanya.
“Minsan na lang tayong magkita. Sobrang busy mo bro daming trabaho ah”
“Oo na. Pinagpahinga muna nila ako ngayon”
“Oh… gusto mo mag quantum”
“Nah, mas gusto ko munang magpahinga . Sige una na ako”
“Sige bye bro”
Haayyy… pakiramdam ko ang sarap matulog sa bahay na walang iniisip. Well, ano kayang masarap kainin mamayang gabi? Magluluto na lang siguro ako ng Omelet. May corned beef pa naman siguro sa condo.
“Ouch” Grabe naman itong taong to. Bakit ba siya nagmamadali. Pagtayo ko nakatingin siya sa akin na parang gulat na gulat. Pagtingin ko sa sahig, nandoon ang salamin ko. Patay.
“Rain?” Nagkatitigan lang kami ng matagal.
“Rain! Good thing naabutan kita. May emergency, kailangan mo munang sumama sa akin ngayon. Namove yung pictorial mo today kasi nagdedemand na yung client nila.” Oh… grabe. Nasabi ko ba sa inyo na napakastressful magkaroon ng manager. Sila palagi ang nagdadala ng masamang balita sayo.
“Okay Eric favor, carry this girl in the van. I will talk to her after pictorial.” Guess I have to deal with this girl later cause I cannot let her leak my secret.
“Hoyy… anong ginagawa mo Raniel ka!”
“Sorry Nica, business is business”
Pinatulog muna siya sandali ng manager ko. She’ll be so annoying kung gising siya.
Pagdating ko sa studio nagbihis kaagad ako. Ang suot ko lang ay maong pants, that means I’m completely shirtless revealing my abs.
Hindi ko basta basta nakuha yang abs na yan, sobrang paggygym ang ginugol ko para lang diyan. Well, it pays me off well.
*click…click*
After ng pictorial, dumiretso na kaagad ako sa condominium ko. At sa guest room nandoon si Nica, sleeping like a little angel.
After ng ilang minuto nagising na rin siya.
“Nica”
“Waahh… anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?”
“Chill Nica, kailangan lang natin masettle ang ating unfinished business.”
“Anong unfinished business?”
Nilapitan ko siya ng unti-unti pero I did that just to tease her.
“Alam mo na”
Bigla niyang kinuha yung vase sa tabi niya at binato sa akin. Good thing nakailag ako.
“What the! Hindi ko naman itutuloy yun. Ano ako hibang? Alam mo ba kung magkano yang sinira mo?”
“Sorry, sige babayaran ko na lang”
“Kaya mo bang bayaran?”
“Magkano ba yan?”
“That’s 25,000 pesos.”
“Ano! Grabe naman yan. Ang nipis nipis tapos sobrang mahal.”
“Do you know the term Branded?”
“Hindi ko yun mababayaran”
“Well then, I’ll just contact your parents”
“Huwag sila! Hindi nila to pwedeng malaman”
“Okay, then be my maid”
“Maid?!”
“Yes, all you have to do is be my maid and follow my commands. Don’t worry, medyo mahirap lang naman ng konte ang trabaho mo kumpara sa manager ko.”
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
Mr. Popular's Secret (on hold)
Teen FictionHindi ba napakasikat ng kwentong popular at nerd. Paano kaya kung pag-isahin natin sila. Si Nica, isang simpleng high school senior student ngunit ang simple niyang buhay ay biglang magbabago dahil sa isang unexpected event. She found out a top secr...