Flashback:
"CAIN! Hindi ko kailangan nito. Please. Kahit ibenta mo na lang ulit o ipamigay mo basta ayaw ko nito."
"Fine, pero anong kapalit?"
"KAPALIT? Please, anong kapalit? Eh sayo naman tong lahat, isinosoli ko lang." Napakaimposimble ng taong ito.
Bigla siyang tumayo tapos hinug ako ng mahigpit. Oh my, ano to? Sa harap ng mga kaklase namin namumula ako.
"Cain." Ano ba tong boses na to. Bakit nagiging ganito?
"Nica." Ang attractive ng boses niya. Hindi ako makawala.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago niya ako binitawan. Sobrang namumula ako pagkabitaw niya sa akin.
"Well, okay na ako dun bilang kapalit." Tapos kinuha niya yung mga nalaglag kong paper bags nung hinug niya ako tapos pinamigay niya sa mga babae sa klase.
Cain, paano mo ba ginagawa sa akin to?
Chapter 11:
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Cain,In PUBLIC!
Nakakahiya na ewan. Sa tuwing naglalakad ka alam mo na pinag-uusapan ka nila. Paano ko ba to aayusin, ayokong pinaguusapan ako, ayokong tinitingnan ako, at ayokong pinagchichismisan ako. Alam ko na behind my back may mga nagagalit sa akin saying ‘Mas bagay kami ni Cain’ blah blah blah… edi kanila na siya, hindi ko naman kasi hiniling to. Ang gusto ko lang matahimik na buhay.
“Nica, ano ba yang iniisip mo? Yung kanina na naman ba?” Tiningnan ko lang si Kylee na medyo nalulungkot.
“Huwag mo ng isipin yung mga sinasabi ng iba, ang mas mahalaga ikaw ay ikaw. Kung mahal ka ni Cain, so what?”
“Salamat Kylee, ay nga pala. Diba ngayon ang uwi ni Hanah?”
“Alam ko nakauwi na siya sa mga oras na to. Puntahan na lang natin siya sa bahay nila mamaya.”
“Sige tara!”
Pinuntahan na namin si Hanah sa bahay nila pagkatapos ng klase. Nagpumilit sumama si Cain. Ihahatid na daw kami ng driver niya, siyempre nandun siya. Pasabi-sabi pa siya na ayaw niya kaming mahirapan sa pamamasahe, wew…
Pagpasok namin bahay ni Hanah na napakalaki tapos medyo modern ang style ng bahay nila inakyat namin kaagad si Hanah tapos nakita namin siya na okay na okay.
“Hanah!” sigaw namin ni Kylee.
“Guys… miss ko na kayo!” Tapos napatingin siya sa likod at nakita niya na may unexpected guest.
“Ahumm… Cain, parang alam ko na kung bakit ka nandito?”
“Yep… tama ang iniisip mo kung ano man yan” haha… ang adik ni Cain.
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan tapos siyempre sumapit ang gabi at kinailangan na naming umuwi. Hinatid muna ni Cain si Kylee tapos dumiretso na kami sa amin. Pero yun ang akala ko. Bumaba muna kami sa park dahil sa napakacute na puppy eyes ni Cain na nagmamakaawa na bumaba kami sa park.
Pagbaba namin sa park bumili kami ng sorbetes tapos naglakad-lakad sa park. Habang naglalakad kami biglang umulan tapos naglaro kami. Naghabulan kami ng naghabulan hanggang sa mahuli niya ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit at pinatong ang mukha niya sa balikat ko. Ang lapit niya!
“Cain?” Sinabi ko sa kanya habang tinitingnan ko ang mga mata niya. Ang gwapo niya sobra, di na ko nagtataka kung bakit marami ang nahuhumaling sa kanya. Gosh! Baka marinig niya ang tibok ng puso ko. Napakalakas.
“Nica, alam mo naririnig ko ang tibok ng puso mo. Pakinggan mo rin sana yung sa akin.”
“Cain…”
“Nica, pwede na ba kitang maging girlfriend?” Tapos humarap siya sa akin habang hawak yung kamay ko.
“Yes!” Oh my… di ko na napigilan yung sarili ko pero pakiramdam ko mas hindi niya napigilan ang sarili niya. Bigla napangiti ng malaki si Cain tapos bigla akong niyakap ng mahigpit habang kinikilig na ewan.
“Oh my Nica, hindi ako makapaniwala. Girlfriend na kita.” Hindi ako makapagsalita sa sobrang tuwa ko with matching kilig. Ang lakas talaga ng pheromones ng lalaking ito.
Nagkatinginan kami tapos tinanong niya sa akin kung kalian ang official date namin. Sinabi ko bahala siya basta sasabihin niya sa akin kasi ayoko ng surprises.
“Well, salamat sa impormasyon Nica. Dahil diyan hindi ko sasabihin kung anong mangyayari sa date natin pero this Sunday okay?”
“Cain! Ang sama mo.” Medyo nagpout ako ng konti habang sinasabi ko yun.
“Uhhh… sorry Baby Nica pero ang tangi ko lang pwedeng sabihin clue sayo ay…”
“Ay…?” Ano ba tong Cain na to, pabitin pa.
“Ay…” Tapos bigla niya akong kiniss sa cheeks. Oh my!
Tapos bigla siya bumulong sa tenga ko. “I Love You”
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko papuntang sasakyan tapos hinatid niya ako sa bahay. Hindi pa rin kami nag-uusap grabe ang AWKWARD. Kasi naman siya, hindi pa rin nawawala yung epekto kanina nung, alam mo na.
Pagdating ng bahay pinagbukas niya ako ng pintuan tapos hinatid niya ako sa pinto habang hawak yung kamay ko. Alam ko kakausapin niya sila Mama at Papa tungkol sa mga pangyayari kanina.
Pagpasok naming nakita namin sila mama at papa na nakaupo at medyo nagulat nung nakita nilang magkahawak kami ng kamay. Pakiramdam ko alam na nila ang sasabihin namin.
“Ahumm… parang alam ko na ang sasabihin niyo.” Sabi ni papa na medyo nakakunot pa ang nuo.
“Sir… girlfriend ko na po ang anak ninyo. Pero hindi po namin ito ipagpapatuloy kung hindi po namin makukuha ang inyong basbas.”
Ang sweet naman ni Cain. Hindi ko akalain na siya pala yung tipo ng lalaki na gusto alam ng lahat.
“Nangangako ka ba na hindi mo sasaktan si Nica?”
“Opo sir”
“Nangangako ka ba na rerespetuhin mo ang desisyon ni Nica at namin kahit ano pang mangyari”
“Opo sir”
“At huli, nangangako ka ba na proprotektahan mo siya sa lahat ng oras?”
“Sigurado po yun sir!”
At tapos na ang pangagako. Nagusap-usap na kami ng seryoso sa sala tungkol sa mga rules and regulations sa relasyon namin. Sabi ni Cain bukas daw, Saturday, dadalhin ako ni Cain sa bahay nila para makilala yung parents niya. Sana magustuhan nila ako, ayokong makipagrelasyon na kaaway ang pamilya ng karelasyon ko.
Kahit na marami ang nangyari sa araw na ito, hinding hindi ko ito makakalimutan.
Umalis na si Cain na medyo malungkot habang hawak ang kamay ko. Ngumiti siya ng konti bago pumasok sa sasakyan. Kinausap ako nila Mama at Papa ng personal tungkol sa relasyon namin at kung ano ang mga dapat at di dapat kong gawin. Sabi nila medyo tutol daw sila sa pakikipagrelasyon ko pero sabi rin nila na alam ko na rin naman daw ang tama at mali. Pinagkakatiwalaan nila ako na hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong hindi ko pa dapat gawin.
Umakyat ako sa kwarto ko at tumingin sa Ceiling. Naisip ko kung magtatagal ba kami ni Cain?
Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular's Secret (on hold)
Fiksi RemajaHindi ba napakasikat ng kwentong popular at nerd. Paano kaya kung pag-isahin natin sila. Si Nica, isang simpleng high school senior student ngunit ang simple niyang buhay ay biglang magbabago dahil sa isang unexpected event. She found out a top secr...