Flashback:
“Cain, ano to?”
“Para sayo, gusto ko lang sanang sabihin…” Hala anong gagawin ko? Lumapit siya sa akin tapos hinawakan yung kamay ko.
“Will you be my girlfriend?”
“I’m sorry Cain, hindi ko alam kung ano isasagot ko”
“Please Nica, kahit itry lang natin, tingnan natin kung magworkout. Kung hindi edi let’s break up, kung okay edi ituloy tuloy na natin”
“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko”
“Nica sige na” Sabi ng mga classmates ko.
“Cain…”
“Sige, hindi na kita pipilitin” Bigla siyang nalungkot ng sobra.
“Sige na Cain, pero hindi pa tayo hah… itratry lang natin”
“I love you Nica, sige itratry lang natin, pero alam ko magdidirediretso rin naman to”
Ano ba tong gulong pinasok ko?
Chapter 9:
Ngayon, official na kami ni Cain na hindi official. Ang gulo diba. Pero ganyan ang relasyon ko kay Cain ngayon. Tumingin ako sa ceiling ng kwarto ko tapos naisip ko yung concert ni Rain sa school namin. Malapit na pala yun ah, next Saturday na. Excited na ko na kinakabahan, naging fan na siguro ako ni Rain simula nung magkausap kami. Pakiramdam ko kasi ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Naalala ko na naman kanina, parang may nawawala kanina, si Michael at Raniel. Siguro hindi sila interesado kaya napilitan silang magtago. Good Night, matutulog na ako.
Bago na namang araw at first day naming ngayon ni Cain after nung kahapon pero bakit kaya wala ulit siya? Huwag mo sabihing isa na namang surprise pero hindi, wala akong nararamdaman kasi papalapit si Kylee sa akin ngayon.
“Kylee, bakit wala si Cain?”
“Eehhh… concern”
“Anong concern, nakakapanibago lang”
“Oo na, absent siya ngayon. May sakit daw siya. Gusto mong bisitahin?”
“No Thanks”
Nagpunta na kami sa classroom namin. Yes! Wala kaming assignment.
After class, umuwi na si Kylee kasi masakit yung ulo niya. Ako naman, nanatili muna ako sa library kasi may gusto sana akong hiraming libro. Habang nagtitingin-tingin ako, nakita ko si Raniel na nakaupo sa isang tabi si Raniel mag-isa.
“Raniel, anong binabasa mo?” Gulat na gulat siya nung nakita niya ako tapos medyo kinakabahan.
“Ano wala lang to, nagbabasa lang ako ng Chemistry book”
“Bakit Chemistry, diba Physics na tayo ngayon?”
“Favorite ko kasi ang Chemistry kaya gustong gusto ko magbasa ng iba’t ibang Chemistry book”
“Ahh…” Ang talino naman nito siguro kung ako yun nakatulog na ako.
“Ikaw Nica, bakit ka nandito?”
“Hihiramin ko sana yung Percy Jackson and the last Olympian, alam mo ba yun?” Siguro hindi nito alam, puro pangmatalinong books yung binabasa niya eh.
“Oo, tapos ko na siyang basahi”
“Excited na nga ako kasi ito na yung last book ng Percy Jackson Series”
Nagkwentuhan kami ng matagal ni Raniel sa Library. Ang saya kasi kahit na nerd siya na may bangs na natatakpan na ang eye glasses niya at may napakaglooming itsura at least napakakomportable niyang kausap, yung parang wala kanang kailangang ikahiya.
“Sorry Raniel hah, nasayang ko yata yung oras mo” Nakakahiya naman, nagaaral pa naman siya.
“Okay lang yun, hindi naman nagmamadali ang libro”
“Salamat nga pala Raniel sa pakikinig sa akin kaya lang kailangan ko ng umalis kasi mag-gagabi na.”
“Sige Bye Nica”
Nginitian ko siya bago ako umalis. Ang saya naman magkakaibigan na ganun, hindi ka huhusgahan kahit anong pagkakamali mo.
Pagdating ko sa bahay kumain muna ako tapos nanood ng tv. Ang palabas sa TV ay movie ni Rain at Cassie last year. Nakakaiyak naman, hindi nagkatuluyan si Rain at Cassie kasi namatay si Rain, uhhh… Pero tama na ang drama, kailangan ko ng matulog.
Pagkagising ko sa umaga, nagmamadali akong nagayos dahil nalate ako ng gising. Takbo doon, takbo dito. Hay, ang hirap pa la pag late na.
After class, pinilit ako ni Cain na manood ng movie with him. Tinanong niya pa ako sa harap ng mga classmates namin kaya siyempre pumayag ako.
Nagpunta kami sa Resorts World at nanood ng movie. Sosyal no, grabe manonood ka na lang ng movie resorts world pa wala namang pinagkaiba yung ipapalabas.
Ang ganda nung movie kaya lang pagtumitingin ako sa mga iba pang nanood, ang sososyal ng mga damit eh manonood lang naman. Parang palaging nasa fashion show.
Kumain kami ni Cain sa isang restaurant tapos nagikot-ikot kami. Pumasok kami sa isang boutique na nagbebenta ng mga mamahaling damit. May nakita akong napakagandang damit tapos pagtingin ko sa presyo, wow. Habang nagtitingin-tingin si Cain umupo muna ako. Nung medyo papikit-pikit na ako may inabot na damit si Cain sa akin. Sabi niya isukat ko daw pero siyempre tinanggihan ko, ayoko ng mga ganyang bagay kasi nakakapanghinayang suotin.
Yes, nilubayan na niya ako. Pagkatapos naming mag-ikot ikot, hinatid na niya ako sa bahay. Tapos nung bababa na ako bumababa rin siya.
“Cain, bakit ka bumababa?”
“Magpapakilala ako sa mga magulang mo bilang boyfriend mo”
“Hindi pa kita boyfriend Cain”
“Dun rin naman pupunta yun.” Tapos biglang tumakbo si Cain papasok sa bahay namin habang tumatawa.
“Cain!” Too late, nakita na siya nila mama at papa.
“Hello po, ako nga po pala si Cain. Gusto ko po sanang sabihin na malapit na po kaming maging magkarelasyon nig inyong anak na si Nica”
“Cain!” Ang baduy naman ng taong ito pero sweet.
“Anak totoo ba to?” patay, lagot ako kila papa at mama.
“Hindi pa po ako sigurado”
“Anak, gusto sana naming huwag ka munang makipagrelasyon habang bata ka pa pero kung yan talaga ang gusto mo hindi ka naming pipigilan kaya lang sabihin mo sa amin kaagad kapag kayo na ha. Ayokong naglilihim ka at ikaw lalaki ka kapag sinaktan mo ang anak namin, malilintikan ka.”
“Opo sir” Medyo nanginig ng konti si Cain sa sinabi ni papa.
“Cain, anong binabalak mo?”
“Mahal kita Nica at alam mo yun, pero kailangan ko ng umalis kasi gabi na”
“Cain!”
“Ahumm…” Oops nandyan pa pala sila papa at mama.
“Sige Cain, nice to meet you at ang pinag-usapan natin ha”
“Opo sir, salamat po sa pagtanggap sa akin”
“Bilis, umalis ka na” ang tagal namang umalis ng lalaking to, nakakahiya. Kanina pa akong nagblublush pasikreto.
“Bye Nica”
“Bye Cain”
Sa wakas. Makakapagpahinga na rin ako mula sa komplikadong araw na ito. Ano pa kayang mangyayari sa susunod? Bahala na, magpapahinga na lang ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Popular's Secret (on hold)
Fiksi RemajaHindi ba napakasikat ng kwentong popular at nerd. Paano kaya kung pag-isahin natin sila. Si Nica, isang simpleng high school senior student ngunit ang simple niyang buhay ay biglang magbabago dahil sa isang unexpected event. She found out a top secr...