Chapter 4

74 2 0
                                    

Flashback:

The next day, nagaayos ako ng gamit ko sa bag pagpunta ko ng classroom. Hiniram ni Raniel yung Science notebook ko kasi absent siya kahapon.

Kawawa naman siya kasi ang hirap kayang humabol sa klase sa Science pero bakit natatawa-tawa siya, huwag mong sabihin nakita niya yung autograph sa likod, aisshhh... nakalimutan kong ibigay kila Hanah.

"Nica, kaninong autograph tong nasa likod? Ang lakas ng loob mo para gamitin ang Science notebook para magpaautograph." Sabi ni Raniel.

"Kay Rain yan, tapos no choice ako nung time na yun wala akong dala na kahit ano maliban diyan kasi rereviewhin ko sana yan." Nakakahiya naman.

"Ahh... sige kopyahin ko na ha, salamat" tapos umalis na si Raniel.

Chapter 4:

Ang lungkot naman, parang pare-parehas lang ang nanyayari kada araw. Pumasok ulit ako sa school, sinalubong ako ni Kylee tapos absent si Hanah nang biglang nagpakita na naman ang pinaka nakakainis na tao sa school na ito.

Nakakainis naman tong lalaking ito hindi ba siya titigil, hindi ko na nga siya pinapansin. Hindi kaya may bet siya sa mga kaibigan niya na pagka na in love ako sa kanya mananalo siya? Sorry siya kasi hindi ko siya gusto at kahilan kalian man.

"Hello babe" sabi ni Cain.

"Buzz off Cain, nakakainis ka na." Siguro aalis na siya.

"Cain baby" Ang landi naman ni Farah. At least malaking tulong siya para umalis na si Cain.

"Shut up Farah!" Ang sama naman ng ugali ni Cain.

"Nakakainis ka Cain, nakalimutan mo na bang birthday ko ngayon?!" Oh... birthday, siguro manghihingi lang to ng mahal na gift kasi mayaman si Cain.

"Farah, Happy Birthday and good bye" Aaminin ko medyo cool siya dun pero ang sama pa rin niya, grabe siya kay Farah kahit gold digger pa yan iyan tuloy umiyak. Tumakbo si Farah papunta sa restroom.

"Mukhang busy ka Cain, sige bye-bye" Tumakbo ako kasama si Kylee.

Akala ko magiging normal na ang araw na ito.

Nagpunta kami sa classroom tapos syempre nakinig sa teacher. Nagkwekwentuhan si Cain at Kara sa likod. Well, bahala sila sa buhay nila. Si Julius naman at Kylee, paano ko ba sasabihin, PDA sa likod. Katabi nga pala ni Kara si Julius.

Natapos na rin ang klase, uuwi sana ako ng diretso nang biglang nilapitan ako ni Cain. Hinahanap ko si Kylee kaya lang kasama niya si Julius.

"Nica" Wow, parang seryoso tong sasabihin ni Cain. Ang lalim ng boses niya.

"Bakit na naman Cain? Parang first time mo lang yata ako tinawag ng ganyan ah..." sabi ko sa kanya.

"Nica, hindi kita ginugulo at totoo talaga tong nararamdaman ko sayo. Gusto talaga kita. Huwag mong isipin na bet lang to o pinaglalaruan kita. Ngayon ko lang to naramdaman, sa dinami-dami ng babaeng na-involve sa akin ikaw lang talaga" Oh my!

"Cain, ano kasi sorry kasi hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. Hindi kasi kita alam mo yun..."

"Gusto?" Tinuloy ni Cain yung sinasabi ko. Nakakaawa naman siya, nakikita ko sa mukha niya yung lungkot.

"Sorry rin Nica kasi hindi kita hahayaang umalis ng basta basta, diba wala ka pa namang gustong iba?"

"Uhh... oo" Medyo masama yung pakiramdam ko dito ah.

"Well, get ready Nica. Sisimulan ko ng maging totoo sa nararamdaman ko at sinisuguro ko sayo maiinlove ka rin sa akin." No!!!

"Hehe... sige aalis na ako" Tapos bigla akong tumakbo ng mabilis tapos bigla akong nabunggo sa isang tao. Sigurado ako lalaki ito pero hindi siya teacher kasi nakauniform pero ang ganda ng katawan niya parang may abs? Pagtingin ko sa taas si Raniel pala siya.

"Raniel?"

"Nica, bakit ka nagmamadali?" Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng boses ni Raniel. Parang medyo pamilyar pero siyempre kaya siguro pamilyar kasi kaklase ko siya.

"Sorry Raniel, kasi..." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nung nakita ko si Cain na papunta na dito. Nakita ni Raniel na mukha akong nag-aalala nung nakita ko si Cain. Bigla akong hinila ni Raniel tapos tumakbo kami.

"Salamat Raniel" sabi ko sa kanya.

"No problem" Biglang tumingin si Raniel sa wristwatch niya tapos nagpaalam na sa akin. Mukha siyang nagmamadali, ano kayang hinahabol niya? Well not my problem.

Mas marami akong prinoproblema at ang pinakamalaki ay kung papaano ko haharapin si Cain bukas. AWKWARD.

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon