Chapter 5

78 2 2
                                    

Flashback:

"Raniel?"

"Nica, bakit ka nagmamadali?" Ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng boses ni Raniel. Parang medyo pamilyar pero siyempre kaya siguro pamilyar kasi kaklase ko siya.

"Sorry Raniel, kasi..." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nung nakita ko si Cain na papunta na dito. Nakita ni Raniel na mukha akong nag-aalala nung nakita ko si Cain. Bigla akong hinila ni Raniel tapos tumakbo kami.

"Salamat Raniel" sabi ko sa kanya.

"No problem" Biglang tumingin si Raniel sa wristwatch niya tapos nagpaalam na sa akin. Mukha siyang nagmamadali, ano kayang hinahabol niya? Well not my problem.

Mas marami akong prinoproblema at ang pinakamalaki ay kung papaano ko haharapin si Cain bukas. AWKWARD.

Chapter 5:

Okay. Operation hiding from Cain starts now. Nakakahiya naman, ayoko muna siyang makita o kahit ano. Wala akong masasabi na kahit ano sa kanya, best is umiwas na lang muna sa kanya. Asaan naba sila Hanah at Kylee?

“Nica!” Speaking of the Devil, here he is.

“Ba…bakit Cain?”

“Nica I, I really meant what I said yesterday. Huwag mo kong iwasan dahil mas lalo kitang hahabulin”

Nakakatakot naman tong taong to. I can feel na napakapossesive niya sa girlfriend niya at hindi ako iyon, imposible, NEVER!

“Cain, hindi naman sa iniiwasan kita kaya lang, paano ko ba sasabihin to?” Ang hirap naman magsabi ng isang salita na hindi masasaktan si Cain.

“Alam ko na yan, ayaw mo akong paasahin dahil sa tingin mo wala na akong pag-asa” Paano ba niya nalalaman lahat ng iniisip ko?

“Yun na nga Cain, sa dinami-dami naman ng babae dito, bakit ako pa?”

“Cause your special in my heart. Hindi ko rin alam pero sa tuwing nakikita kita hindi ko mapigilan mapatitig sayo hanggang sa mawala ka na sa paningin ko. Gusto kitang makasama palagi”

Tapos bigla niya akong niyakap. Ano to PDA?! Oh my nagblublush ako, ano gagawin ko! Please help me, sana dumating kayo, my knight and shining bestfriends. Asan na ba tong mga taong ito?

Hindi ako makawala, ang higpit ng yakap niya pero ang sweet. Wait, anong sweet, kailangan ko ng makaalis dito!

(Kringggg…)

Yes… save by the bell!

“Cain, kailangan na nating pumunta… sa… classroom” ang hirap magsalita sa sobrang higpit.

“Hindi kita bibitawan hanggat hindi ka pumapayag makipagdate sakin sa sabado”

Parang no choice naman ako, hala anong gagawin ko. Pahigpit ng pahigpit ang yakap niya tapos nung tiningnan ko yung mga mata niya, alam mo na sincere siya sa sinasabi niya.

“Okay?”

“Salamat Nica” Tapos bigla niya akong kiniss sa cheeks. Ano ba tong lalaking ito, natural ba talaga siyang nakakakilig? No wonder ang daming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

Dumiretso na kami sa classroom, nararamdaman ko na nakatingin si Cain sa akin. Hindi tuloy ako makatingin sa likod para macheck ko kung asaan si Kylee at si Hanah. Si Hanah kasi nasa harap lang ni Kylee tapos ako nasa second row.

After ng first three subjects tumingin ako sa likod tapos nakita ko sila Hanah at Kylee na medyo tumatawa.

“Kylee, Hanah, pakiramdam ko may hindi kayo sinasabi sa akin?” Yeppp… something’s suspicious.

“Uhmm… well kasi” Ano ba yan, hindi ba parepareho lang meaning nun?

“Ano?!”

“Nica, ang totoo niyan kinausap kami ni Cain kanina na huwag ka muna naming puntahan mamayang umaga.” What?! Ibig sabihin kakontsaba ni Cain itong dalawang to.

“At bakit kayo pumayag?”

“Kasi, alam mo na naexcite kami ng konti sa plinaplano ni Cain kaya yun” ano ba naman itong si Kylee at pati rin si Hanah. Hindi ko ineexpect yun ah.

“Sorry na Nica” sabi ni Hanah tapos biglang humabol rin si Kylee. “Sorry, sorry, sorry!”

“Oo na pero ilibri niyo ko ng sundae sa canteen ngayon”

“Sige tara na!” salamat pa rin sa kanila may free ice cream ako.

After class pinuntahan agad ako ni Cain tapos dumiretso kami sa kotse niya. Siyempre  may driver, bawal pa siyang magdrive.

“Cain, saan tayo pupunta?”

“Secret babe, at huwag ka na ulit magtatanong tungkol sa pupuntahan natin kasi ikikiss talaga kita” Grabe siya ah. Pero aaminin ko nakakakilig yung boses niya pero hindi yung sinabi niya.

“Nandito na tayo Nica”

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon