Chapter 13

43 2 0
                                    

Flashback:

Hinatid ako ng driver nila sa bahay. Pagdating ko agad akong tumakbo sa kwarto at naglock ng pinto. Kinakatok ako ni mama, buti na lang wala si papa kundi galit na galit nung sinugod si Cain. Pero hindi pa rin tumigil sa pagkatok si Mama. Well, in the end pinagbuksan ko pa rin siya.

“Anak, ano bang nangyari”

“Mama, mama  si Cain… Arranged na po siyang magpakasal sa isang babae.”

“Ano?! Eh loko pala yang lalaking yan eh.”

“Hayaan mo mama aayusin daw niya to”

“Sana nga anak, pero kung hindi niya maayos itong gusot na pinasok niya hiwalayan mo yan kaagad”

“Mama…” Niyakap ako ni mama ng mahigpit na mahigpit at hinalikan ako sa noo.

“Salamat mama”

Chapter 13:

-Cain’s Point of View-

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko naman intensyong itago sa kanya to. Yung pagpapakasal na yan, parang matagal na yang tradisyon ng pamilya namin kaya lang ayokong maging katulad nila. Paano ko ba to sasabihin kay Nica. Siya lang ang unang babaeng minahal ko ng tunay, ayoko na siyang pakawalan.

Kinabukasan, hinintay ko si Nica sa entrance ng school. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at hinila papunta sa garden.

“Nica, may kailangan akong sabihin sayo?”

“Cain, wala na tayong dapat pagusapan. Nasabi na ng mga magulang mo” Malungkot na sinabi ni Nica sa akin habang nakitingin sa mga mata ko.

“Nica, mahal na mahal kita. Hindi ko sinasadyang maglihim sayo.”

“Bakit hindi mo sinabi?”

“Kasi yung bagay na yan, para kasi yang tradisyon ng pamilya pero hindi ako susunod sa yapak nila. Hindi ako puppet na pwede nilang pasunurin sa kahit anong gusto nila. Please maniwala ka sa akin.”

Niyakap ko siya mahigpit at pagkatapos ng ilang Segundo niyakap rin niya ako.

“Cain, naniniwala ako sayo.”

*Kringggg…*

“Tara na” Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming pumasok sa classroom. Pinagtitinginan kami nung pumasok pero who cares, mahal ko siya, mahal niya ako, sana.

-Nica’s Point of View-

Nagulat ako sa sinabi ni Cain sa akin. Habang naglelesson siya ang iniisip ko. Haayy… natamaan na talaga ako ni cupido. Naisip ko lang, napakaweird ng pamilya nila. Tradisyon ang arranged marriage? Wow! Ano ba to teleserye?

Pagkatapos ng klase ihahatid ako ni Cain sa bahay. Matanong ko lang, kilala na kaya ni Cain yung babaeng dapat niyang papakasalan?

“Cain, kilala mo na ba yung babaeng dapat mong pakakasalan?”

“Well, may isang  babae na ang nakatadhana sa amin, alam ko yung pangalan tapos nakita ko na rin yung picture niya nung mga 10 yrs. old siya pero hindi ko pa siya nakikita. Pero ano naman, wala akong balak na pakasalan siya”

“Ohhh…”

Nagdirediretso kami ni Cain sa kotse at hinatid na ako sa bahay.

After one month steady pa rin kami ni Cain. Medyo nag-aaway pero naayos rin.

May inintroduce na bagong studyante ang adviser namin. Si Racquel Jenrie. Galing siyang New York kaya ngayon lang siya nakapasok. Ang pinagtataka ko lang, bakit naman siya magtratransfer dito kung nasa Amerika na siya?

After ng discussion, pinuntahan ko si Racquel.

“Racquel, ako nga pala si Nica”

“Hello Nica” Pasarkastiko niyang sinabi sa akin. Ang taray naman nito.

“Racquel bakit ka nga pala nagtransfer dito?”

“To meet my soon to be husband. After 10 years magiging mag-asawa  na kami so it’s right na makilala ko na siya.”

Naisip ko kaagad, hindi kaya si Cain ang tinutukoy nito. Tiningnan ko si Cain, mukha siyang shock na shock. Hala parang totoo ang mga hinala ko.

Pinuntahan ko siya, gusto kong makasiguro kung tama ba ang hinihinala ko.

“Cain… siya ba?”

“Nica, siya nga. Hindi ko siya kilala, nakikita ko lang siya sa mga litrato. Alam ko ang pangalan niya pero kahit kalian hindi ko pa siya nakikita dahil ayoko siyang makita.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, lumapit sa amin si Racquel.

“So, you’re Cain. Nice to finally meet you.”

Kahit na kinakausap siya ni Racquel hindi niya ito pinapansin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas.

“Nica, mahal na mahal kita. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.”

“Cain, kakayanin natin to, huwag kang mawalan ng pagasa. Alam kong naprepressure ka na dahil sa mga magulang mo pero tandaan mo, magkasama tayo dito.”

Pagkatapos kong sabihin iyon, niyakap niya ako ng mahigpit. May nararamdan akong konting basa sa balikat ko. Umiiyak ba siya?

“Cain, matagal ka ng naging matatag. Okey lang kahit minsan ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo.”

“Nica…”

Pinunasan ko ang mga luha niya. Pagkatapos ay umupo kami at nagkwento siya tungkol sa pamilya niya.

“Simula bata pa ako kinokontrol na nila ang buhay ko. Dinidikta nila sa akin lahat ng dapat kong gawin. Simula sa pagkilos, pakikisama, sa school, at lahat ng gusto nila. Kahit kalian hindi ako nagkaroon ng pagkakataon maging ako pero nagbago yun nung nakilala kita. Hindi ko mapigilan ang tunay na ako na lumabas sa tuwing nakikita kita. Ikaw lang, kaya ayaw kong pakawalan kita.”

“Cain, nandito lang ako palagi maliban na lang kung paalisin mo ako.” Natawa kaming dalawa sa sinabi ko. Pagkatapos ay

 Inayos na namin an aming sarili at bumalik sa classroom.

Hindi ko alam kung ano ba ang pakiramdam maging isang Cain pero isa lang ang masasabi ko, napakahirap maging siya.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon