Chapter 7

71 2 2
                                    

Flashback:

Lumabas muna ako saglit para bumili ng inumin tapos may nakabungguan akong lalaki na nakasumbrero. Pagtingin ko si Rain. Ang ganda naman ng pagkakataon o.

“Sorry, Rain” sabi ko sa kanya tapos medyo natawa na naman siya ng konti.

“It’s okay Nica” wait, paano niya nalaman yung pangalan ko?

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Uhmm… nung mall show diba ikaw yun?” Aay… oo nga pala no, hehe.

“Okay ka lang ba?” medyo malungkot yung mukha niya.  Ano kayang problema nito?

“Rain?” Bigla siyang nanahimik.

“Nica, kasi… si Mama na-ospital” hala, grabe!

“Hala kamusta na siya, anong nangyari?”

“Sige sasabihin ko sayo pero mapagkakatiwalaan ba kita na hindi mo sasabihin?”

“Okay”

Chapter 7:

“Nica, ganito kasi yun. 2 years na kaming hindi nagkikita ng mama ko simula nung pumasok ako sa show business. Hindi kasi siya payag sa pinasok ko. Si papa, isang foreigner, legal sila ni mama kaya lang hindi makapagstay si papa sa Pilipinas dahil may malaki siyang business sa America.” Half American pala si Rain.

“Rain, bakit nga baa yaw ng mama mo na pumasok ka sa show business?”

“Gusto niya na mag-aral akong mabuti at sundan ang yapak ni papa pero ayoko kaya lumayas ako. Tumira muna ako sa bahay ng manager ko, si kuya Dan tapos nung medyo nagkapera na ako lumipat na ako sa isang condominium. Nung mas sumikat pa ako, nag-assign ang company ng personal driver ko. Okay na sanang lahat nang bigla kong mabalitaan na, may cancer si mama stage 4.” Cancer, stage 4. Diba sobrang lala na yun na parang sure dead ka na nun.

“Sorry Rain”

“Bakit ka nag-sosorry eh wala ka namang ginawa.”

“Ay hehe oo nga no, sige aalis na muna ako kasi baka hinihintay na ako ng kaibigan ko. Pero promise hindi ko sasabihin kahit kanino, kahit sa mga bestfriends ko ang tungkol dito.” Tapos babalik na sana ako ng may biglang may sinabi si Rain.

“Haha… sige Nica, thanks. Alam ko naman yun kaya kita pinagkatiwalaan”

“Wait…” Tapos bigla na lang siyang nawala. Sumakay na kaagad siya sa elevator. Bakit alam niyang mapagkakatiwalaan niya ako eh ngayon lang naman kami nagkausap ng matagal. Nevermind, babalik na ako.

Pagbalik ko nakita ko si Hanah na natutulog tapos si Kylee nakaupo lang hinihintay ako.

“Kylee tulog na ba yan?”

“Oo, Nica. Tara na baka maistorbo pa natin siya tapos kailangan pa nating tapusin yung assignment natin sa Science.”

“Sige, sige tara na”

Dahan-dahan kaming umalis ng room tapos umuwi na. Pagdating ko ng bahay kinuha ko kaagad yung Science notebook ko, kahit na sabado bukas, gusto ko namang magpahinga. Naalala kong bigla yung signature ni Rain. Pagtingin ko dun sa page na pinirmahan niya may nakita akong drawing na parang emoticon na nagwiwink tapos may nakasulat na “Hello Nica.” Weird. Sa pagkakaalam ko wala naman siyang sinulat na ganito o baka hindi ko lang talaga siya chineck nung time na yun. Hindi naman kasi ako talaga fan niya eh.

Matutulog na lang ako.

The next day, Yippie walang pasok! Nagsurf ako sa net ng kung ano-ano tapos naisip ko na isearch ko kaya yung mga pictures ni Rain. Pagkakita ko ang dami at puro gwapo siya sa lahat ng pictures. May isang picture na nakasalamin siya, medyo naiba ng konti yung mukha niya dito. Okay lang naman ang eye glass sa kanya kaya lang mas bagay sa kanya yung wala.

After kong magtingin ng pictures nagtingin-tingin ako sa fb nang biglang may lumitaw na chatbox.

“Nica, hello” oh my, si Cain!

“Cain, hehe… hello.”

“May ginagawa ka ba?”

“Ano, aalis kami” Lies, lies. Sorry Cain.

“Ah… okay”

“Cain, maglologout muna ako kasi pinapababa na ako.” Another Lie. Great.

“Sige, bye Nica at”

“at?”

“I Love You”

Pagkabasa ko nilogout ko kaagad tapos pinatay yung laptop.

 Ano ba yan Cain?!

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon