Chapter 12

55 2 0
                                    

Flashback:

Kahit na marami ang nangyari sa araw na ito, hinding hindi ko ito makakalimutan.

Umalis na si Cain na medyo malungkot habang hawak ang kamay ko. Ngumiti siya ng konti bago pumasok sa sasakyan. Kinausap ako nila Mama at Papa ng personal tungkol sa relasyon namin at kung ano ang mga dapat at di dapat kong gawin. Sabi nila medyo tutol daw sila sa pakikipagrelasyon ko pero sabi rin nila na alam ko na rin naman daw ang tama at mali. Pinagkakatiwalaan nila ako na hindi ako gagawa ng mga bagay na alam kong hindi ko pa dapat gawin.

Umakyat ako sa kwarto ko at tumingin sa Ceiling. Naisip ko kung magtatagal ba kami ni Cain?

Hindi ko alam, basta ang alam ko masaya ako ngayon.

Chapter 12:

Pagkagising ko sa umaga nagdasal ako na sana maging maayos ang lahat ngayong araw na ito at pinaulit ulit ko na sana magustuhan ako ng mga magulang ni Cain. Kahit na hindi tiyak kung tatagal ba kami o ewan ang importante para sa akin ngayon ay siya.

Nagayos ako ng sarili ko habang hinihintay ko si Cain. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko, kinakabahan na excited.

Hindi ako makapagdecide kung ano susuotin ko.

‘ding dong’

“Anak, nandito na si Cain! Kanina ka pa diyan sa kwarto mo ah.” Pasigaw na sinabi ni mama mula sa sala.

Sandali na lang to, hindi ko alam kung papaano magcombine ng iba’t ibang damit...

After 20 min. simula nung dumating si Cain nakapili na rin ako. (Picture -->)

Medyo nagmamadali na akong bumaba kasi kanina pang nandito si Cain. Pagbaba ko nadatnan kong nagkwekwentuhan si mama at Cain. Wala si papa ngayon kasi hanggang sabado ang pasok niya sa opisina.

“Wow” sabi ni Cain na parang gulat na gulat na medyo napapangiti.

Pagpasok ko sa kotse nasa likod kaming dalawa ni Cain tapos syempre yung driver niya yung nasa harap. Medyo kinakabahan ako… Hinawakan ni Cain ang kamay ko para hindi ako kabahan.

Gosh! Pakiramdam ko namumula kaming dalawa. Parehas kaming nakatingin sa magkabilang bintana.

Pagdating sa bahay nila na wow napakalaki. Mansyon na to eh hindi na to bahay. Pagpasok namin napansin ko yung napakalaking hagdan sa harap tapos puro gold ang kulay ng paligid. May napakalaking chandelier. Nagpunta kami sa dining room nila na pagkahaba-haba ng table. Nandoon nakatingin sa amin ang mga magulang ni Cain.

“Hello son, and hello young lady. You must be Nica” sinabi ng mama ni Cain na medyo nakangiti na parang hindi.

“Hello po, ako nga po si Nica” Nginitian ko sila pero yung tatay ni Cain medyo poker face pa rin.

“Umupo na kayo.”

“Huwag kang kabahan Nica” Binulong sakin ni Cain habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Pinaupo muna ako ni Cain bago siya umupo. Medyo natawa ng konti yung mama ni Cain sa ginawa niya. Tiningnan namin siya ni Cain na parang nagtatanong kung bakit.

“I’m just shocked at what Cain did. He never did that to anyone and you know, you’re the first girl she brought here” Sabi ng mama ni Cain na medyo natatawa pa rin ng konti. Pero hindi ko na masyadong napansin yung iba pa niyang sinabi dahil hindi ko mapigilang mahiya at mamula sa sinabi niya Nung tiningnan ko si Cain, parehas lang pala kami ng nararanasan.

“Ahumm… well kamusta ka naman iha? Papaano kayo nagkakilala ni Cain?” Tanong ng tatay ni Cain na ganun pa rin poker face.

“Nagkakilala po kami sa school tapos niligawan ko siya. Yun lang po” sabi ni Cain.

“Aber aber… at bakit ikaw ang nagpapaliwanag? Sa pagkakaalam ko si Nica ang kinakausap ko?” Medyo pagalit  sinabi ng tatay ni Cain. Nakakatakot naman to. Wala akong masabi kahit ano, ang intense ng atmosphere.

Kumain lang kami ng matahimik hangang sa matapos.

“Nica, saang pamilya ka nga pala galing?” iyan na naman ang killer question ni Mr. Carter. Ay nga pala, Carter ang apilyido nila Cain.

“Mr. Carter, ang tatay ko po ay manager ng isang banko at ang nanay ko naman po ay housewife. May kuya rin po ako kaya lang nakahiwalay dahil college na siya.”

“Oh… maari ba akong humiling sayo iha?” Medyo kinakabahan ako sa sinabi niya.

“Ano po iyon?”

“Hiwalayan mo si Cain. Kung may kailangan ka, pera o kahit ano para lang hiwalayan si Cain sabihin mo na kaagad” What?!

“Hon, ano ba yang sinasabi mo?” Sabi ni Mrs. Carter na medyo nag-aalala ang tono ng boses.

“Alam mo to Kate, alam mo kung ano ang sinasabi ko at alam rin ni Cain ang sinasabi ko, hindi ba Cain?”

“Ano yun Cain?”

“Cain???”

“Cain! Ano yon?”

“I’m engaged. Pero hindi ko gusto yung babae, inarrange lang ang marriage namin para sa pera na yan, hindi ba DAD?”

“Cain!” biglang napasigaw ang tatay ni Cain sa sinabi niya. Pero hindi ko pa rin mapigilang mapaiyak sa nalaman ko. Grabe! Alam pala niya pero hindi niya sinabi.

“Cain, alam mo pala ang lahat, bakit Cain? BAKIT?” Umiiyak ako habang sinasabi ko sa kanya.

“I’m sorry Nica, pero mahal na mahal kita. Please give me another chance. Aayusin ko itong gulong ito”

Tumakbo ako papalabas ng bahay nila pero sinundan ako ni Cain.

“Nica! Please stop.  Kukumbinsihin ko silang hindi ituloy to, dahil ikaw lang ang taning gusto ko Nica!.”

“Gusto ko munang umuwi Cain.”

“Sige, ipapahatid na kita sa driver namin.”

Hinatid ako ng driver nila sa bahay. Pagdating ko agad akong tumakbo sa kwarto at naglock ng pinto. Kinakatok ako ni mama, buti na lang wala si papa kundi galit na galit nung sinugod si Cain. Pero hindi pa rin tumigil sa pagkatok si Mama. Well, in the end pinagbuksan ko pa rin siya.

“Anak, ano bang nangyari”

“Mama, mama  si Cain… Arranged na po siyang magpakasal sa isang babae.”

“Ano?! Eh loko pala yang lalaking yan eh.”

“Hayaan mo mama aayusin daw niya to”

“Sana nga anak, pero kung hindi niya maayos itong gusot na pinasok niya hiwalayan mo yan kaagad”

“Mama…” Niyakap ako ni mama ng mahigpit na mahigpit at hinalikan ako sa noo.

“Salamat mama”

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon