Chapter 10

84 2 0
                                    

Flashback:

"Bilis, umalis ka na" ang tagal namang umalis ng lalaking to, nakakahiya. Kanina pa akong nagblublush pasikreto.

"Bye Nica"

"Bye Cain"

Sa wakas. Makakapagpahinga na rin ako mula sa komplikadong araw na ito. Ano pa kayang mangyayari sa susunod? Bahala na, magpapahinga na lang ako.

Chapter 10:

Habang naglalakad ako sa corridor ng school namin kasama si Kylee may biglang dumaplis na labi sa tenga ko at bumulong.

"Nica." Ang ganda ng boses, sobrang seductive.

"Cain." Oh my. Boses ko ba to? Bakit ganun, parang medyo uhmm... nakakahiya! Tapos bigla niya akong niyakap. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo rin pala ni Cain, lalo na pag napakalapit mo sa kanya.

"Uhh... ang cute naman ni Nica, ang blushing girl ko." Hindi ako makapagsalita kasi alam kong tama siya. Sobrang namumula ako ngayon. Haayy... bakit ba ang bilis kong mamula.

"Cain..." May naisip ako to break this awkward position.

"...di ako makahinga."

"Aayyy... sorry Nica. Saan ka nga pala pupunta?"

"Sa Library, isosoli ko sana tong librong hiniram ko"

"Sige, samahan na kita."

"Salamat"

Habang naglalakad kami papunta sa library biglang sinabi ni Kylee na aalis muna siya kasi may kailangan daw siyang puntahan pero sinong maniniwala sa excuse na yun... Kylee, halata na ang motibo mo. Pagkaalis ni Kylee hinawakan ni Cain ang kamay ko habang naglalakad. Di ako makapagsalita kasi ang awkard ng atmosphere at wala akong masabi.

"Nica?"

"Bakit Cain?" May nararamdaman akong kakaiba sa sasabihin niya.

"Pwede na ba tayong maging official?"

"Cain?"

"Please Nica, I'll make sure na hinding hindi kita pakakawalan"

"Cain..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi hindi ako sigurado kung pagmamahal na ba itong nararamdaman ko o crush lang.

"Nica." Iyan na naman yang boses na yan. Ayoko ng marinig yan, nakakakilig masyado.

"Hindi pa kasi ako sigurado Cain"

"Nica, maghihintay ako hanggang maging sigurado ka na. Tandaan mo, palagi lang akong nasatabi mo."

"Salamat Cain." Nagulat ako dahil hindi ko akaling si Cain pala ay isang type ng taong handang maghintay. Naguguilty tuloy ako kasi hindi ko siya masagot ng maayos.

Pagkarating naming sa Library nakita namin si Raniel na nagbabasa ng maraming libro pero hindi na namin siya pinansin. Mas nabobother ako sa kamay ni Cain kasi hindi pa rin niya ako binibitawan kahit sa loob ng library.

Nakakahiya. Nakikita ng lahat na magkahawak kami ng kamay ni Cain. Hindi ko naman siya magawang bitawan kasi medyo, siguro, konti, fine gusto ko rin siya. Hindi ko alam kung na-iinlove na ba talaga ako sa kanya. Pero ayoko ring masaktan dahil pagkatapos ng five months magkakahiwalay rin kami. Siyempre baka magkaiba na kami ng papasukang college, mas lalaki ang mundo namin at mas marami pa kaming makikilala.

Paglabas namin ng library dumiretso na kami sa park tapos hinatid ako ng driver ni Cain sa bahay kaya lang hindi doon natatapos ang kwento kasi nakikain pa ang Cain na ito sa bahay namin.

"Cain, okay ka lang ba dito? Hindi ka ba naiilang?"

"Hindi naman bakit?"

"Kasi ako naiilang?!"

"Good. Ang cute mo pag ganyan ka" Tuloy tuloy pa rin siya sa pagkain niya na parang walang nangyari.

"Cain, kamusta na kayo ni Nica" Mama. Grabe nga namang buhay to.

"Okay naman po, wala pa rin pong pagbabago. Kumbaga po sa fb status, it's complicated"

"Ahh... pag may pagbabago, alam mo na. Text mo ko." Text? Kailan pa sila naging magkatext mate?

"Sige po"

"Ahummm... kailan pa kayo naging magkatext mate?"

"Kahapon. Umakyat ka kasi kaagad kaya hindi mo nakita na kinuha namin ni papa ang number niya."

"Ohh..."

"Tsaka anak pakitingnan na rin nga pala ang kwarto mo..." Nakita kong tumingin si Cain kay mama na parang may sinasabi sa kanya para huminto sandali si mama.

"...mamaya" Anong meron?

After kumain ni Cain hinatid ko na siya papunta sa sasakyan niya tapos bago siya umalis lumapit siya tenga ko.

"I love you Nica."

Waahhh... di ako makahinga. ER, ER! Buti na lang umalis na siya kundi makikita niya pa akong nagblublush ng sobra sobra.

Pag-akyat ko sa kwarto ko, nakakita ako ng maraming shopping bags ng iba't ibang branded na damit.

Kanino kaya to galing?

Pagtingin ko sa mga laman nun, medyo pamilyar. Hindi ba ito yung mga tinanggihan kong bilhin na damit ni Cain para sa akin? Oh my... Cain. Ito yung kanina! Kaya pala.

Pinuntahan ko si mama kaagad.

"Ma, ano tong mga ito?" Tinanong ko sa kanya habang hawak hawak yung mga shopping bags sa kamay ko.

"Anak, ano kasi yan. Binigay yan ni Cain sakin sabi niya itago ko daw muna tapos ilagay ko daw sa kwarto mo kinabukasan. Hindi ako makatanggi kasi ang cute, cute, cute ng puppy eyes niya habang sinasabi niya sa akin yun"

"Pinagpalit mo ako para lang sa puppy eyes niya?!"

"Hindi kita pinagpalit kasi sayo naman iyan."

"Fine, isosoli ko na lang sa kanya to bukas."

Kinabukasan, ang dami-dami kong dalang shopping bag. Cain, anong klaseng parusa to? Pagdating ko sa room pinuntahan ko kaagad si Cain tapos binigay sa kanya lahat ng shopping bag.

"Ano to?"

"Cain, alam mo kung ano to for sure. Eh sayo galing yan eh!"

"Bakit mo nga binibigay sakin? Of course hindi mo binibigay sakin iyan para suotin ko, diba?"

"CAIN! Hindi ko kailangan nito. Please. Kahit ibenta mo na lang ulit o ipamigay mo basta ayaw ko nito."

"Fine, pero anong kapalit?"

"KAPALIT? Please, anong kapalit? Eh sayo naman tong lahat, isinosoli ko lang." Napakaimposimble ng taong ito.

Bigla siyang tumayo tapos hinug ako ng mahigpit. Oh my, ano to? Sa harap ng mga kaklase namin namumula ako.

"Cain." Ano ba tong boses na to. Bakit nagiging ganito?

"Nica." Ang attractive ng boses niya. Hindi ako makawala.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago niya ako binitawan. Sobrang namumula ako pagkabitaw niya sa akin.

"Well, okay na ako dun bilang kapalit." Tapos kinuha niya yung mga nalaglag kong paper bags nung hinug niya ako tapos pinamigay niya sa mga babae sa klase.

Cain, paano mo ba ginagawa sa akin to?

Mr. Popular's Secret (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon