Maalinsangan na ang simoy ng hangin, umaga pa lang basa na ang likod mo sa higaan dahil sa pawis kaya wala kang choice kundi ang bumangon.Nagkalat na sa internet ang mga travel agencies na nag o-offer ng iba't ibang packages, tataas na naman ang bill ng kuryente dahil sa mga estudyanteng walang pasok, mapupurga ka na naman sa laman ng newsfeed mo na puro beach at swimming pool ang background sa picture.
Mainit.
Walang pasok.
Walang baon.
Summer!
Ang season kung kelan nagiging instant arki ang tropa dahil sa mga planong nauuwi sa drawing! Yung tipong magkakayayaan, pero pag last minute na tsaka aatras. Hanggang sa walang natuloy sa napag usapang gala. Aba! Bigyan ng planner at schetch pad yan!
Ganyan ang nangyari kay Pau. February pa lang may nagyaya na sa kanya ng swimming para sa summer. Yung barkada naman niya napagkasunduang mag Palawan kaya todo hanap ng murang package online. Halos tatlong linggong pinag usapan ng barkada ang Palawan na yon. Nilagay pa niya sa planner ang mga sched niya para sa summer na 'to. Pero habang lumalapit ang araw ng napagkasunduang date ng gala, isa isang umatras ang mga kasama niya.
Puro dahilan, kesyo hindi makakasama yung isang kaibigan kaya di na rin sila sasama o kaya naubusan ng budget at kung anu-ano pang palusot na sigurado kong naidahilan na rin sa inyo ng mga drawing niyong kaibigan. Yan tayo eh. Pati ba naman sila paasa?!
Sabagay, college pa lang sila eh nagma-masteral na ng pagpa plano kaya kung may matuloy man mapapa 'wow, its a miracle' ka.
Sa mga unang linggo ng bakasyon, nae-enjoy pa niya dahil nabawi niya ang tulog ng school year na nagdaan pero dumating sa point na nakakasawa na sa bahay. Ramdam niyang walang nangyayari sa oras niya.
Isang araw, habang naglilinis siya ng kwarto eh napansin niya ang blue notebook na pamilyar sa kanya. Binuksan niya yon at binasa ang laman. Mga random thoughts nung high school at college days niya. Napapangiti siya sa mga kababawang sinulat niya noon. Lalo na yung tungkol sa mga crushes niya.
Patapos na ang binabasa niya nung nakita niya ang listahan niya ng Life goals.
Sinulat niya yon bago grumadweyt ng college. Nung panahon kasi na yon, sabi niya sa sarili niya na pagka graduate ay mag iipon siya at tutuparin ang pangarap niyang mag travel. Bata pa lang siya yun na ang gusto niya--ang gumala.
Ang layo sa kursong kinuha niya na Educ. Wala kasing self esteem kaya hindi tinuloy ang Tourism. Sabi niya kulang siya sa ganda.
Binasa niya ang life goals na yon. Limang pages yon. Masyadong madami kaya tinigil na niya.
Isasara na niya sana ang notebook nung napansin niya ang nakasulat sa huling pahina...
Hindi ko alam kung kelan ka dadating, pero kung sakali ba...sasamahan mo ko sa paglalakbay na 'to hanggang dulo?
Sa pagsasara niya ng notebook na yon, dun pala magsisimula ang isang istorya.
Istoryang nabuo nang summer na yon. Ang summer na hindi niya makakalimutan kahit maalog ang sabaw niyang utak.
BINABASA MO ANG
Firsts
Teen FictionTwo people with different stories. Met in one journey. Will they be together until the end? Or this is just a story of another summer fling?