6

Nagising ako na maliwanag na. Nakatulog pala ko.

"Morning" bati ni Kaizer.

Inangat ko ang ulo ko.

Shoot! Nakatulog ako sa balikat niya.

"M-morning" tinakpan ko ang bibig ko. "Nakatulog ka ba? Sorry ah, napasandal pala ko sa balikat mo"

Ngumiti na naman siya.

"Kakagising ko lang din"

Tumayo ako at bumaba sa pick up. Naiilang ako ewan kung bakit.

"Cr lang" paalam ko at kinuha ang pouch ko sa bag.

Nag ayos ako ng sarili. Humarap ako sa salamin pagkahilamos ng mukha.

"Ang weird. Habang tumatagal mas gumagwapo si Kaizer. Haaaay! Pau" sinampal sampal ko ang sarili ko "Gumising ka na nga! Ano crush mo na siya?"

Happy crush lang.

Pumasok yung janitress kaya tinigil ko na ang pagkausap aa sarili ko. Pagkamalan pa kong baliw.

Pagbalik ko sa sasakyan nakaupo si Kaizer sa likod ng pick up. Dun sa edge.

"Breakfast tayo!" Sabi niya at tinaas ang paperbag na may logo ng isang fastfood.

Tinulungan niya kong umakyat at tumabi sa kanya.

Pinagbuksan niya ko ng pagkain.

"Saan mo balak pumunta niyan?" Tanong niya.

"Kung may magic door lang ako ni Doreamon, pupunta kong London, Paris, Rome, Japan at kung ano pang bansa na maisip mong may tao"

Pangarap ko talaga yan.

"Yaman!"

"Drawing pa lang. Walang budget. Haha"

"Ako tanungin mo kung ano gusto ko"

"Ikaw, ano gusto mo?" Tanong ko.

Naghihintay ako ng sagot niya.

"Gusto kong maging magic door ni Doreamon..." tumingin siya sakin "at tuparin ang pangarap mo" 

Napainom ako ng kape sabay tingin sa ibang direksyon. Letche, may kilig factor.

"Boom!" Mahina lang ang pagkakasabi ko non pero narinig niya dahil natawa siya ng very light.

"Peram akong susi" sabi niya

"Bakit?"

"Ako na magda drive"

Inabot ko ang susi ng pick up. Inubos muna namin ang kinakain namin at bumyahe na kami. Byaheng walang destinasyon. Byaheng forever. Charot!

Binuksan namin ang bintana at pinatay ang aircon.

Sabi ni Kaizer mahabang byahe daw to. Nung tinanong ko naman kung saan kami pupunta ang sagot lang niya 'basta'.

Dumaan kami sa convenience store. Pinabili niya ko ng chichirya at kung anong pagkain daw ang gusto ko para daw may baon kami. Fieldtrip ba?

Binayaran niya ang mga pinamili namin at byahe ulit.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta nga. Chill ka lang"

Tanghali na at nakakaantok ang kanta sa radio kaya natulog na lang ako.

"Pau" may kumalabit sakin "Pau gising na"

Hinahawi ko ang kamay niya. Naiirita kasi ko sa kalabit ng kalabit.

FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon